Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time). For more videos from Balitanghali, visit http://www.gmanews.tv/balitanghali.

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Transcript
00:00.
00:03Mainit na balita, nasa Department of Justice ngayon ang mag-asawang kontratistang sina Pasifiko Curly at Sara Descaya.
00:10Para po yan sa hinihiling nilang witness protection dahil sa mga banta o mano sa kanilang buhay. May ulat on the spot si Salima Refran.
00:18Sam?
00:19Sam?
00:23Rafi Kuni, nandito na nga sa Department of Justice at sumasa ilalim na sa initial evaluation para maging protected witness ng DOJ,
00:31ang mag-asawang kontraktor na Pasifiko Curly at Sara Descaya.
00:38Pasado las 9 ng umaga ng ibaba ng Senate Sergeant at Arms si Curly Descaya sa main building ng Department of Justice.
00:44Naka bulletproof vest at bantay sarado ng mga polis at ng Senate Sergeant at Arms si Descaya.
00:50Wala siyang binigay na pahayag sa mga nagtanong na media.
00:55Kasama ni Descaya ang kanyang abogado.
00:57Bandang alas 10.30 naman dumating si Sara Descaya.
01:01Nakakap at naka-face mask si Ginang Descaya nang nakayuko at nagmamadaling pumasok sa DOJ.
01:07Mismong si Justice Secretary Jesus Crispin Remullo ang nangunguna sa evaluation ngayon sa mga Descaya bilang Chief Implementer ng Witness Protection Program o WPP.
01:17Isinumitin na ng mag-asawang kanilang mga affidavit na magiging bahagi ng pagsusuri.
01:22Ayon kay DOJ Spokesperson Assistant Secretary Mico Clavano, pangunahing aalamin ang katotohanan at kabuuan ng kanilang mga salaysay sa kasusuriin ang risk at security threat laban sa kanila.
01:35Pero isa raw sa tiyak na itatanong ni Secretary Remullo ay ang kahandaan ng mga Descaya na magbalik ng mga nakuhang pera mula sa bayan.
01:44Ipaniluanag rin ni Clavano na ang evaluation na ito ay para pa lamang malaman kung may papasok sila sa WPP bilang protected witness.
01:53Iba pa ito sa pagiging state witness na malalaman lamang oras na may kaso na sa korte at hingin ito ng prosekusyon.
02:00Narito ang pahayag ni Justice Spokesperson Assistant Secretary Mico Clavano.
02:06First of all, we will check if the affidavits are truthful, genuine, authentic, complete.
02:12So pag pumasok po doon sa kriteria na yun, then we can now determine the risk that they are facing.
02:21Whether or not they are being threatened, intimidated.
02:25Protection is a privilege.
02:27At any given time, if the truthfulness is attacked or we find out that there are statements meant to derail or distract the investigation, that privilege can be taken away as well.
02:41Raffi, sa mga oras nga na ito ay nagpapatuloy pa rin yung evaluation sa mag-asawang diskaya.
02:52Sabi ni Assistant Secretary Clavano bukas ang DOJ sa iba pang gusto magpa-evaluate para mapailalim dito sa WPP.
02:59Pero babala niya, dapat maging totoo at katotohanan lamang ang sasabihin kung hindi ay maaari rin silang paharapin sa batas dahil sa kasinungalingan.
03:10At yan muna ang latest, wala nga dito sa Department of Justice sa Maynila. Raffi.
03:14Maraming salamat sa Lima Refran.
03:17Isa pang mainit na balita, pinatawa ng preventive suspension ng Office of the Ombudsman ang labing-anin na tauha ng Department of Public Works and Highways sa Bulacan 1st District.
03:28Kaugnay yan sa flood control project sa kanilang distrito na natuklas ang ghost o substandard.
03:33Ayon sa Office of the Ombudsman, pinagbasehan nila ang mga reklamong kriminal na isinampa ni DPWH Secretary Vince Dizon,
03:40pati ang mga fraud audit report na isinumitin ng Commission on Audit.
03:43Halos P390M ang halaga ng mga naturang maanumalya-umanong proyekto.
03:48Hindi ininabas ng Office of the Ombudsman ang pangalan ng mga DPWH personnel na sinuspindi.
03:54Apat ang nasawi dahil sa bahang dulot ng malakas na ulan sa ilang lugar sa Valencia, Mukidnon ay sa City Disaster Risk Reduction Management Office.
04:10Ang mga nasawi ay kabilang sa mahigit tatlong daang pamilyang naapektuhan ng matinding ragasan ng tubig.
04:16Sa barangay poblasyon, natagpuan ang bangkay ng isang bata na natabunan ng putik.
04:22Anim ang hinahanap pa.
04:24Ilang kalsada ang hindi nadaanan ng mga residente dahil sa matinding ragasan ng tubig.
04:29Stranded naman ang mga estudyante matapos pasukin ang lampastuhod na baha ang Central Mindanao University sa Maramag.
04:37Umabot ang tubig sa loob ng ilang silid-aralan, pati sa boarding houses ng mga estudyante.
04:43Ayon sa pag-asa, ang pag-ulan sa Bukidnon ay dulot ng local thunderstorms.
04:49Nagsagawa na po ng clearing operation sa mga otoridad sa mga pinsanang iniwan ng baha.
04:54Sa Vintar, Ilocos Norte, gumuho ang lupa at bato sa Palyas Valley dahil sa malakas na ulan.
05:02Humambalang ang mga debris sa kalsada.
05:04Wala namang nating sala o nasaktan.
05:07Pinag-iingat ang mga motoristang dumaraan roon.
05:10Sa barangay Mabini naman sa Santiago, Isabela, tatlumput siyam na pamilya ang inilikas dahil sa baha.
05:16Pansamantasalang nanunuluyan sa evacuation center.
05:21Ayon sa pag-asa, ang pag-ulan sa Ilocos Norte ay dulot ng hanging habagat, habang localized thunderstorm naman sa Isabela.
05:30Mga kapuso, may chance ang maging super typhoon ng bagyong Nando ayon po sa pag-asa.
05:37At nagbabadyayang humagupit sa extreme northern Luzon.
05:40Pusibling magbago ang direksyong tinatahak ng bagyong Nando ngayong weekend.
05:44Pusibling maglandfall o dumaan ito malapit sa Babuyan Islands sa lunes.
05:48Sa ngayon, wala pang epekto sa bansa ang nasabing bagyo.
05:52Huling namataan ang tropical storm Nando, 970 kilometers silangan ng Central Luzon.
05:57May tagla itong lakas ng hangin na aabot sa 75 kilometers per hour.
06:02Tumutok po dito sa Balitanghali para sa 11 AM Weather Bulletin.
06:07Samantala, hanging habagat ang magpapaulan ngayong biyernes dito po sa Metro Manila,
06:12Ilocos Region, Cordillera, Central at Southern Luzon, maging ilang pandig ng Visayas at Mindanao.
06:18Pusibling muli ang mga local thunderstorms na lalabing bahagi ng bansa.
06:28Muling nagharap sa pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee si Sen. Jinguay Estrada
06:32at si dating DPWH Assistant District Engineer Bryce Hernandez
06:37na nagsabing tumanggap ng kickback sa flood control projects ang Senador.
06:41Nasa hiling din ang isang taga-WJ Construction,
06:44ang kumpanyang iniuugnay ni Hernandez kay Estrada.
06:48Balitang hatid ni Sandra Aguinaldo.
06:51Sinabi mo sa testimony mo sa house na binigay mo ang pera kay D.E. Henry Alcantara
07:00at siya ang nagsabi sa'yo na bibigyan daw niya ako. Is this correct?
07:04Wala pong specific na sinabing ganon, Your Honor.
07:07Pagkatapos mo ko dinurug sa house ngayon, wala kang specific na sinabi.
07:12Kinumpronta ni Sen. Jinguay Estrada si dating DPWH Bulacan First District Assistant Engineer Bryce Hernandez.
07:20Kaugnay ng aligasyon nitong tumanggap ang Senador ng kickback mula sa flood control projects.
07:26Sabi ni Hernandez sa kamara, isang staff daw ni Estrada na naggangalang Beng Ramos
07:32ang nagdala ng obligasyon o lagay mula sa WJ Construction matapos makakuha ng proyekto sa Bulacan.
07:40Itin ang gini Estrada na may staff siyang Beng Ramos.
07:44Paano niyo malala ng staff ko si Beng Ramos?
07:46How will he know?
07:48Hindi ko rin po alam, yun lang po ang sinabi sa akin ni Boss Henry.
07:54Karoon po kami ng connect ni Mambeng Ramos at si Mambeng.
07:57Alam mo, Mr. Bryce, masyado ka na nagsisinungaling eh.
08:00Ang pakilala kay Mambina o Mambeng is staff po ni Sen. Jinguay.
08:07Pero hindi po specifically sinabi ko na yung proponent is para po kay Sen. Jinguay.
08:12Hindi po. Ibang projects po yung sinasabi ko na nakatagpo kay Sen. Jinguay.
08:16Hindi po yung specifically noong 2022.
08:18Ang tinutukoy na boss ni Hernandez ay si dating DPWH Bulacan 1st District Engineer Henry Alcantara.
08:26Pero itinanggi rin niyang nakatanggap siya ng pera para ibigay sa politiko.
08:31Irespectfully deny po yung sinasabi niya na biligay niya po sa akin na may mga ganun pong issue.
08:37So tama si Sen. Laxon, the burden of proof lies with you, Mr. Hernandez.
08:43Kasi tahasan mong sinabi sa House of Representatives at kinundinan naman ako ng taong bayan.
08:50Hindi inimbita sa pagdinig si Ramos for humanitarian reasons.
08:54Dahil may stage 4 cancer siya.
08:57Dumalo naman sa pagdinig si Mina Jose ng WJ Construction.
09:01Paglilinaw niya, siya ang ka-message ni Hernandez at hindi si Ramos.
09:05Kaibigan daw niya si Ramos na nag-refer daw sa kanya kay Hernandez
09:10para sa isang joint venture na hindi natuloy.
09:13Sa ipinakitang text message ni Hernandez, may i-deliver o mano si Jose.
09:18Sa message mo noong December 11, which was a Sunday, may sinasabi ng isang delivery.
09:23Tama po ba?
09:24Yes po.
09:25Ano ito? Para saan at para kanina?
09:27I meant by delivery or the documents na hinihingi niya po for the processing po ng joint venture.
09:34I have never given nor received any money from any public official or government employee including this Mr. Bryce Hernandez.
09:45Thus, I strongly deny his accusations.
09:48Pero giit ni Hernandez, nagbigay ng obligasyon si Jose.
09:52Ano yung obligation na yun? Pera? Para kanino? Lagay? Ano yung context ng obligation?
10:00Pera po siya para sa proponent.
10:02Ano yung sabihin? Lagay para sa proponent?
10:04Yung advance po. Opo.
10:06Yung parang bayad po para dahil nakuha niya yung project na yun.
10:10Mr. Jose?
10:12Your Honor, I don't know what he was talking about.
10:15Nitong August 19, nakuna ng CCTV si Jose na dumating sa Senado para magtungo sa opisina ni Sen. Erwin Tulfo.
10:24Pero bago niyan, ay dumaan muna siya sa opisina ng Blue Ribbon Committee kung saan staff si Ramos.
10:30Meron po kasing problem yung queries ni Sen. Erwin na binabaha po siya lalo po pag umuulan.
10:36So, ako po yung na-refer na contractor nung staff niya na kung pwede po tingnan namin gawa ng solusyon and mag-suggest po kami sa kanya.
10:47Upon learning, her name was mentioned by Engineer Bryce. We immediately requested to cancel all contracts with WJ para nagamit po yung opisina ko para dumaan po siya sa broom kung ano man yung kanyang business doon, Mr. Chair.
11:06Sabi ni Jose, hindi siya pumunta sa Senado para magbigay ng pera.
11:10So, hindi mo kilala si Sen. Jingoy at hindi ka nagdala ng pera sa kanya?
11:16Hindi po. Kahit po kay Bryce, wala po akong dinalang pera.
11:20Okay. So, talagang safe ka na.
11:29Did you ever see Alcantara handing money over me? To me? I don't think so.
11:36So, meron ba na? May nakita ka ba?
11:40Sigutin mo lang. Yes or no? May nakita ka ba?
11:42Wala po.
11:43Okay. That's all, Mr. Chair.
11:45Sabi naman ni Hernandez, hindi niya alam kung sino ang proponent o mambabatas na nagpasok ng flood control projects.
11:53Ang boss daw niya dati na si Alcantara ang nakakaalam nito.
11:57Eh, respectful din na, Your Honor. Hindi ko nga po kilala ito si, ang pangalan ito, Mina.
12:03At yung Beng Ramos po, alam ko po, nung nagtatanong nga po ako, sila po magkakilala.
12:09Nagpakita ng bagong text messages si Hernandez mula December 10, 2022,
12:14na magpapatunay umanong nagdala ng pera sa opisina nila ang WJ Construction.
12:19Meron po akong follow-up na text message po na nagconfirm na nagdala po si, it's either ma'am Beng or ma'am Mina sa office.
12:29Dinala po dun sa administrative officer namin noong time na yun.
12:33Meron po akong text message na yun.
12:35Galing po sa chief of staff ni boss Henry Alcantara.
12:38Kinonfirm po na nakapagdala na ng obligasyon.
12:41Base sa screenshots, sinabi ng chief of staff umano ni Alcantara na nakuha na sa administrative officers nila yung pinadala nila Beng Ramos.
12:51Nag-text ito ulit matapos ang ilang araw, kung ipasasabay na raw ba yung kay Beng Ramos?
12:56Sabi raw niya, sige, ipasabay na.
12:59Anong context yan?
13:00Yung pera po na dinala nila ng Beng Ramos.
13:03Anong project yan?
13:04Your Honor, nakalimutan ko na yung specific anong project to, yung 2022.
13:08Pinutol muna ni Sen. Ping Lakson ang usaping ito habang wala raw kompletong detalya si Hernandez.
13:15Sandra Aguinaldo, nagbabalita para sa GMA Integrated News.
13:21Nag-high ng mga panibagong ebidensya sa Office of the Ombudsman ng Commission on Audit at Department of Public Works and Highways
13:27kaugnay sa mga questionabling flood control projects sa Bulacan.
13:30Batay sa report ng COA, umaabot sa halos 400 million pesos ang apat na proyekto sa Bulacan na ghost umano.
13:37Kasama riyan ang tatlong proyekto ng top-notch catalyst builder sa Bukawi River at Bayan ng Pandi.
13:42Pati ang proyekto ng Wawaw Builder sa Anggat River.
13:45Ang nabanggit na dalawang kumpanya ay kabilang sa 15 top contractors na binanggit noon ni Pangulong Bongbong Marcos.
13:51Susubukan namin silang kunan ng pahayag.
13:54Sabi ng DPWH at COA sa kanilang press con kahapon sa aming mga taga-medya, napansin nila ang ilang patterns sa ghost projects.
14:01Wala raw itong koordinasyon sa LGU at tila sa dyang nililigaw ang mga auditor kapag iniinspeksyon ng proyekto.
14:07Kulin na raw itong batch na ipapasa nilang edidensya sa ombudsman dahil ididiretsya na nila sa Independent Commission for Infrastructure ang mga makakalap pa nila.
14:16Ito ang GMA Regional TV News.
14:23Mainit na balita mula sa Luzon, hatid ng GMA Regional TV.
14:27Patay ang isang motorcycle rider ng magulungan ng dump truck sa Kalasyao, Pangasinan.
14:33Chris, anong nangyari?
14:35Tony, natomba kasi ang rider nang bumangga siya sa likuran ng jeep sa National Highway sa Barangay Bued.
14:43Sa kuha ng CCTV, makikita ang motorsiklo na mag-o-overtake dapat sa sinusunda nitong jeep.
14:49Nasa kabilang lay naman ang dump truck.
14:51Bumangga ang motor sa jeep kaya ito natumba hanggang magulungan ang truck ang rider.
14:56Sinusubukan pa namin kunan ang pahayag ang truck driver.
15:00Ayon sa kanyang pahinante, hindi naman nila ginusto ang nangyari.
15:04Tumagi namang magbigay na pahayag ang asawa ng rider.
15:07Kinukuha rin namin ang panig ng jeep ni driver.
15:10Patuli naman ang investigasyon.
15:12Bip, bip, bip! Panibagong taas presyo sa mga produktong petrolyo ang inaasahan sa susunod na linggo.
15:23Ayon sa Oil Industry Management Bureau ng Department of Energy batay sa 4-day trading,
15:27may nakikitang humigit kumulang 70 centavos na dagdag sa kada litro ng gasolina.
15:3235 centavos naman sa diesel.
15:35Habang ang kerosene, humigit kumulang 65 centavos ang inaasahang taas presyo.
15:40Ayon sa DOE, isa sa mga nakaka-apekto riyan ang patuloy na banta ng pagpataw ng sanctions laban sa Russia.
15:46Música
15:49Música
15:53Música
Be the first to comment
Add your comment

Recommended