Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time). For more videos from Balitanghali, visit http://www.gmanews.tv/balitanghali.
#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad: GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv Facebook: http://www.facebook.com/gmanews TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews Twitter: http://www.twitter.com/gmanews Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
00:31Kabilang po sa mga sinampahan, ang dalawang pong tauhan ng DPWH tulad nina dating Bulacan 1st District Engineer Henry Alcantara, Assistant District Engineer na si Bryce Hernandez, pati si na Engineer JP Mendoza at RJ Dumasing, nakasama sa tinaguriang Bulacan Group of Contractors o BGC Boys.
00:52Kasama rin sa reklamo ang mga kontraktor na St. Timothy Construction Corporation, Wawaw Builders, Sims Construction Trading at IM Construction Corporation.
01:04Susubukan naming kuna ng pahayag ang mga inireklamo. Abangan ang iba pang detalye mamaya maya lamang.
01:11Hiniling ng Department of Public Works and Highway sa Department of Justice na ilagay na rin sa Immigration Lookout Bulletin si dating DPWH Secretary Manuel Bonoan.
01:23Kaugnay pa rin po ito sa embisigasyon sa maanumalya ang manong flood control project sa bansa.
01:29Ipinasasama rin sa Immigration Lookout Bulletin si dating DPWH Undersecretary Roberto Bernardo,
01:35Kandaba Pampanga Mayor Rene Maglangke, pati ang kanilang mga anak.
01:41Ito'y matapos ibunyag ni Senate President Pro Tempore, Ping Lakson na magkakasama ang mga anak ni Maglangke, Bernardo at Bonoan sa MBB Global Properties Corporation.
01:53Dagdag ni Lakson, ang isa pang kumpanya na mga Maglangke na Global Creek Builders Incorporated,
01:59ay nakakuha ng mahigit dalawang bilyong pisong flood control project sa Bulacan mula 2018 hanggang 2024.
02:08Pumirma pa rao bilang presidente ng Global Creek si Mayor Maglangke noong 2024.
02:14Ayon kay Lakson, substandard o mababa ang kalidad ng ilang proyekto ng Global Creek.
02:20Sinusubukan pa namin kuna ng pahayag sina Maglangke at Bernardo.
02:24Dati nang iginiit ni Bonoan na hindi siya sangkot sa maanumalyang flood control projects.
02:33Ang construction firm, yung Global Creek na pag-aari ng mga Maglangke.
02:39Hindi kasama doon yung mga anak ni dating Secretary Bonoan at saka ni dating Josec Bernardo.
02:46Ano po ang proyekto nila?
02:47Sa MBB properties, hindi niya pinanggit na magkalapit pala sila ni Mayor Maglangke na ang maraking kontratista.
02:57Kasi kung magkalapit, lumalabas pagkasosyo nga yung maanap nila.
03:01So sabi ko, connect to that.
03:04Inilipat na po sa Pasay City Jail si dating Bulacan 1st District Engineer Bryce Hernandez mula sa PNP Custodial Center.
03:17Kasunod po yan ang mosyon ng Senado na siyang nagpakontempt kay Hernandez nitong lunes.
03:22Pero bago napagkasundoan na ilipat siya sa PITAN, naging mainit ang diskusyon ng ilang Senador kaugnay dyan.
03:30Balitang hatid ni Jamie Santos.
03:34Maanghang ang salitang binitawa ni Sen. Jingoy Estrada sa kanyang privilege speech sa Senado.
03:42Mariin niyang pinabulaanan muli ang pagdawit sa kanya ni Engineer Bryce Hernandez
03:47sa isyo ng kickback sa flood control project sa pagdinign ng Kamara.
03:51Pagkatapos ng privilege speech, naungkat ang pakakalipad kay Hernandez sa PNP Custodial Center.
04:13Na-contempt ng Senado si Hernandez sa pagdinign ng lunes bago siya humarap sa pagdinign ng Kamara.
04:19Martin Romualdez called me and said that their committee was allowing Mr. Hernandez to remain
04:31in the House of Representatives and that he was requesting that he not be returned back to the Senate
04:41because of some fear for his life.
04:45I asked the Speaker what he plans because we cannot allow that.
04:51I said he is under our custody and therefore he is in contempt in the Senate.
04:57Pag iniwan namin sa inyo, sabi ko, ibig sabihin niyan para namin pinawalan.
05:02Kaya dinala si Hernandez sa PNP Custodial Center para nasa supervision pa rin ng Senate Sergeant-at-Arms.
05:09Is there a possibility that we can commit him back here in the Senate?
05:13Of course, he is still under custody of the Senate and therefore...
05:20Let him be jailed here, Mr. President.
05:21In direct, well, we had to give in to the request of the Speaker.
05:29As we speak, the jurisdiction of the person of Bryce Herrantes belongs to the Senate.
05:38Yes, and that's why we can call him here anytime we need him.
05:41Tanong ni Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano,
05:45bagamat nire-respeto raw niya ang desisyon ni Soto, ito ba ang bagong patakaran ng Senado?
05:51Because under the present rule, kung sino may jurisdiction, siya yung magdideside.
05:55What we did was what we call parliamentary courtesy in accepting the proposal that he be not returned here,
06:04but still under the care of the Senate.
06:07We have also placed a witness to Muntin Lupa, if you will recall.
06:14We also even sent somebody to the Pasay City Jail.
06:18So I don't see any reason why we cannot commit this particular fellow to the PNP Custodial Center.
06:26Giyit naman ang dating Blue Ribbon chairman na si Sen. Rodante Marcoleta,
06:30may dapat baguhin ang patakaran.
06:33Nagmosyon siyang ibalik si Hernandez sa Senado.
06:35Not only because this is the condition that you gave them,
06:39but more importantly, in order to erase the perception
06:42that if he is here in the Senate, he is not safe.
06:46I will reject the idea that if he returns in the Senate,
06:50mangananibang buhay niya.
06:52Nagpatuloy ang mainit na palitan ng opinion.
06:55Ibig ba sabihin po, Mr. President,
06:57nawawala ng visa yung ginawa namin?
06:59Hindi.
07:01Ganun po pala.
07:01He's still in legal custody.
07:03Dapat po, igagalang po kung ano yung aming iniwan.
07:07Doon tayo magsisimula.
07:08Ang iniwanin niyo, site in contempt.
07:11And legal custody of the Senate.
07:12He was still under the legal custody of the Senate.
07:16Mr. President, may ask for a minute suspension.
07:18Session suspended.
07:21Sa huli, nagmosyon si Estrada na ilipat na si Hernandez sa Pasay City Jail,
07:26na agad namang sinangayuna ni Majority Leader Sen. Mig Zubiri.
07:30Walang tumutol, kaya nagdesisyon si Soto na agad na ilipat ng osaas
07:35si Engineer Bryce Hernandez sa Pasay City Jail.
07:38Jamie Santos, nagbabalita para sa Jimmy Integrated News.
07:43Suspendido ng siyamnapung araw ang mga driver's license
07:47ng limang tinaguriang Bulacan Group of Contractors o BGC Boys.
07:52Kabilang po dyan, sinadating Bulacan 1st District Engineer Henry Alcantara,
07:56Assistant District Engineer Bryce Hernandez,
07:59JP Mendoza, Edric Sandiego at RJ Domasig.
08:02Ayon sa Land Transportation Office, ipinataw ang suspensyon
08:06dahil sa paggamit nila ng peking driver's license,
08:10na kanila rin daw ginagamit para makapasok sa kasino.
08:14Ipinagbabawal po sa isang empleyado ng gobyerno na magsugal o pumasok sa kasino.
08:19Dagdag ng LTO, posibling bawiin ng tuluyan ang kanilang mga lisensya
08:23at pagbawalan silang mag-apply muli para sa panibago.
08:26Una ng inamin ni Alcantara sa Senado na gumagamit siya ng peking ID para makapagkasino.
08:33Sinusubukan pa namin kuna ng pahayag ang limang nabanggit
08:36kaugnay sa suspensyon ng kanilang driver's license.
08:42Nagulat ang ilang taga La Libertad Negros Oriental matapos magkabaharoon kahit wala namang ulan.
08:50Umapaw daw kasi ang ilang ilog doon.
08:53Kabilang po sa mga niragasa ng tubig ang barangay Pakuan.
08:57Pahirapan tuloy ang pagtawid ng mga residente.
09:00Ang iba naman ay stranded sa tabing ilog.
09:04Inaalam pa ng mga otoridad kung saan nanggaling ang rumaragasang o rumagasang tubig.
09:09Nawala na o nag-dissipate ang binabantayang low-pressure area sa Bicol-Quezon area.
09:20Ayon sa pag-asa, easterlies at mga local thunderstorm ang mararanasan sa bansa ngayong araw.
09:26Pinaka-apektado ng ulang dulot ng easterlies ang Bicol, Aurora, Quezon Province at Marinduque.
09:32Sa mga susunod na oras, uulanin ang halos buong bansa kasama ang Metro Manila base sa rainfall forecast ng Metro Weather.
09:40Pusible ang heavy to intense rain sa maari magdulot ng baha o landslide.
09:45Sa gitna ng mataas pa rin tsansa ng ulan, ngayong araw, patuloy na nagpapakawala ng tubig ang ambuklaw, binga at magat reservoirs.
09:55Tigig isang gate ang nakabukas sa mga nasabing dam.
09:58Sa mga susunod na araw, posibling may mamuumuling sama ng panahon.
10:03Sa threat potential forecast ng pag-asa, hanggang sa September 16, isang LPA ang maaring mamuo sa Philippine Sea at lalapit sa Southern Luzon, Visayas at Mindanao.
10:15Posible rin magkaroon ang isa pang sama ng panahon sa Pacific Ocean, pero hindi ito inaasahang papasok sa Philippine Area of Responsibility.
10:22Ito ang GMA Regional TV News.
10:31Mainit na balita mula sa Luzon, hatid ng GMA Regional TV.
10:35Patay sa inkwentro ang isang hinihinalang miyembro ng New People's Army sa Rojas Oriental, Mindoro.
10:42Chris, ano ba ang detalya niyan?
10:44Connie, nangyari ang inkwentro ng makatanggat ng impormasyon ng Philippine Army na may mga NPA sa Barangay San Vicente.
10:54Ay sa 203rd Infantry Brigade, umabot ng 10 minuto ang palitan ng putok ng baril ng dalawang panig.
11:00Hindi pa nakikilala ang nasawi.
11:03Wala namang sugatan sa panig ng mga militar.
11:05Nakuha sa lugar ng inkwentro ang isang baril, dalawang magazine ng baril at medical kit.
11:13Sumiklab naman ang sunog sa isang bahay dito sa Dagupan, Pangasinan.
11:17Sa video, kita ang mga residente na nagtutulungan para maapula ang sunog sa Barangay Maluwad.
11:23Dumating din ang mga bumbero at naapula ang sunog matapos ang isang oras.
11:28Umabot sa 300,000 piso ang halaga ng pinsala.
11:31Wala namang nadamay na katawing bahay o nasugatan sa insidente.
11:36Nabutan ng news team ang nagpakilalang may-ari ng bahay.
11:39Inamin niyang siya ang nanunog ng bahay dahil umano sa kalasingan.
11:44Nasa kosudiya na siya ng pulisya at maharap sa kaukulang reklamo.
Be the first to comment