Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • 7/24/2025
Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time). For more videos from Balitanghali, visit http://www.gmanews.tv/balitanghali.

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Transcript
00:00Mainit-init na balita, muling nasira ang bahagin ng River Walls sa Navotas at nagdulot ng pagbaha.
00:11Nangambang ilang residente ng Banangay San Jose dahil sa mabilis na pag-agos ng tubig mula sa gumuhong bahagin ng pader.
00:18Sa ilang iskinita roon, makikita rin ang pagragasan ng baha habang lumilikas ang mga residente.
00:23Kumabot na hanggang bewag ang tubig roon.
00:26Minasok pa ng baha ang ilang bahay sa barangay.
00:29Ayon kay Navotas Mayor John Ray Tianco, nagpapatuloy ang pagpapalikas sa mga residente roon.
00:35Pagmamayari ng probadong kumpanya ang nasirang pader na nasira na rin noong June 30 at nagdulot din ang pagbaha sa lugar.
00:43Ang iba pag-italye, abangan, maya-maya lang.
00:48Mainit-init na balita, lumakas pabilang typhoon ang bagyong Emong.
00:53Namataan ang pag-asa ang mata ng bagyo, 220 kilometers, kanlura ng Dagupan City.
00:58Taglay nito ang lakas ng hangin na aabot sa 120 kilometers per hour at mabagal na kumikilos pa south-south-east.
01:06Ilang bahagi ng northern at central zone ang isinailalim na sa wind signal.
01:09Tumutok lang po dito sa balitang hali para sa 11 a.m. bulletin at update sa mga lugar na may wind signal.
01:17Napapanatili naman ang tropical storm Dante ang lakas nito habang mabilis na kumikilos pa northwest.
01:24Namataan niyan 735 kilometers east-northeast ng Itbayat, Batanes.
01:29Ang bagyong Dante at Emong, kapwa hinahatak at pinalalakas pa rin ang hangin habagat.
01:34Tuluyan na rin po naging bagyo ang binabantayang low-pressure area sa labas ng Philippine Area of Responsibility.
01:42Isa itong tropical depression na namataan 2,080 kilometers silangan ng southeastern Luzon.
01:47Mababa ang tsansa ng nasabing bagyo na pumasok sa PAR.
01:53Apat na pungbayan at lungsod sa bansa ang nagdeklara na ng state of calamity dahil sa masamang panahon.
02:00Ayon sa pinakahuling datos ng NDRMC, pinakamarami sa mga yan ay mula sa Calabarzon o mga laluigan ng Cavite, Laguna, Batangas, Rizal at Quezon.
02:10Dalawa ang kumpermadong nasawi.
02:13Dalawa ang sugatan at may dalawa ring nawawala.
02:16Patuloy ang verification sa ulat ng 10 iba pang nasawi, 6 na sugatan at 6 na nawawala.
02:23Halos 3 milyong tao at halos 800,000 pamilya ang apektado ng masamang panahon.
02:29Halos 6,000 naman mula sa Region 1, 2, 3, 6, Calabarzon, Mimaropa, Caraga at Car ang inilikas.
02:40May mga naitalang paghuhon ng lupa sa ilang bahagi ng Baguio City dahil sa patuloy na pagulan.
02:46Mabuti at wala namang nasaktan.
02:48Balita ang hatid ni EJ Gomez.
02:49Sa kasagsagan ng paghula na nararanasan sa Baguio City nitong mga nakaraang araw,
02:59gumuho ang lupa sa isang private construction site na ito sa Barangay Luwakan Proper.
03:04Nasira ang dalawang employee quarters.
03:07Nagkaroon naman ng soil erosion sa ginagawang DPWH Slow Protection Project sa Barangay Luwakan, Apugan.
03:14Anim na pamilya ang inilikas mula sa bahay na apektado.
03:19Ito yung itsuro ngayon ng nangyaring soil erosion.
03:22Ayon sa otoridad, unti-unti raw gumuho ang lupa sa loob ng ilang araw.
03:26Tinakpa na lang ng plastic ang gumuhong lupa para maibsa ng pagkabasa sa ulan at mas lalo pang pagguho nito.
03:32Ilan daw sa mga apektadong pamilya ang nananatili sa evacuation center.
03:36May iba naman na umuwi raw sa kanila mga kaanak sa ibang probinsya.
03:41Gumuho rin ang slow protection na yan sa Liting Elementary School.
03:45Naantala naman ang daloy ng mga sasakyan sa Camp 7 nang gumuho at humambalang ang lupa at ilang tanim na kawayan.
03:53Nagsagawa ng clearing operations ang City Environment and Parks Management Office matapos matumba ang isang pine tree sa Puruk 24 sa San Carlos.
04:01Natumba rin ang ilang puno sa Puruk 6 sa Irisan kabilang ang isang pine tree na sumandal pa sa mga linya ng kuryente.
04:09Mas pinaigting naman ang Baguio City LGU ang pangungulekta ng mga basura sa mga barangay lalo na sa City Public Market.
04:16Alas 3 ng madaling araw kanina, nadatnan namin isinasakay sa garbage truck ang tambak na mga basura
04:22para di raw magbara ang mga ito sa waterways at maiwasan ang pagbaha.
04:27E.J. Gomez, nagbabalita para sa GMA Integrated News.
04:33Nagbabala laban sa mga pagbaha at paghuhunang lupa sa maraming regyon sa bansa
04:37ang Department of Science and Technology at Department of Environment and Natural Resources.
04:42Ayon sa DANR, ngayong patuloy na nararanasan ng masamang panahon,
04:46very highly susceptible sa baha at landslides ang mahigit 3,000 barangay.
04:51Mula sila sa 15 probinsya sa Bicol, Cagayan Valley, Mimaropa at Western Visayas.
04:58Payo nila, huwag munang bumalik sa kanika nilang bahay ang mga lumikas sa mga naturang lugar
05:02hanggang walang abiso mula sa mga otoridad.
05:06Highly susceptible din daw sa baha at landslides ang halos 5,000 barangay
05:10sa 22 probinsya sa Cordillera Administrative Region, Ilocos Region, Calabar Zone at Central Luzon.
05:17Sa Metro Manila naman, mahigit 1,000 barangay ang nasa panganab ding magkaroon ng mga baha at pagguho ng lupa.
05:26At dahil nga po sa masamang panahon, kansilado ang klase sa ilang lugar sa bansa ngayong araw.
05:31Batay sa anunsyo ng Department of the Interior and Local Government,
05:34walang pasok ang lahat ng antas sa Metro Manila,
05:37Ilocos Norte, Ilocos Sur, La Union, Pangasinan, Cagayan, Nueva Vizcaya, Abra at Apayaw.
05:44Ngayon din sa Benguet, Ifugao, Kalinga, Mountain Province, Bataan, Bulacan, Nueva Ecija, Pampanga, Tarlac at sa Zambales.
05:55Wala rin pong pasok ang lahat ng antas sa Cavite, Quezon, Batangas, Laguna, Rizal, Marinduque,
06:01Occidental Mindoro, Oriental Mindoro, Palawan at Sarumblon.
06:05Pati na po sa Albay, Camarinesur, Catanduanes, Sorsogon, Masbate, Antique at Iloilo.
06:14Manatili na katutok sa balitang hali para sa mga karagdagang class suspensions.
06:21Baha ang sumulubong sa mga commuter at motorista sa Paranaque ngayong Huwebes ng umaga.
06:26Ang ilan sa kanila nakisabay sa ilang truck para matawid ang baha.
06:29Ang mainit na balita hatid ni Christian Manyo ng Super Radio DZBB.
06:37Nagnisulang ilog ulit itong bahagi ng Dr. A. Santos Avenue sa lungsod ng Paranaque ngayong Huwebes ng umaga
06:43dahil sa naranasang magdamag na buhusang ulan na nagdulot ng mataas na tubig baha.
06:50Kung saan ito ay not possible o hindi madadaana ng mga maliliit na sasakyan.
06:54Sa pinakawiling impormasyon mula sa Metropolitan Manila Development Authority o MMDA,
06:59epektado ng pagbaha sa Dr. A. Santos Avenue ang bahagi ng Victor Medina na may gutter deep o 8 inches na baha.
07:06Kananay Avenue na may knee hanggang waist deep o 19 hanggang 37 inches na baha.
07:12Marami ang stranded na pasahero at motorista sa lugar kung saan ilang commuter ang nakikisakay sa mga trailer truck
07:18at malalaking sasakyan makatawid lamang sa baha.
07:21Habang ilan naman sasakyan ay napipilitan ng mag-U-turn at humanap ng alternatibong rupa.
07:26Ako po si Christian Manyo ng Super Radio DZBB nagbabalita para sa GMA Integrated News.
07:35Nagpas 300 milyon pesos ang tinatayang halaga ng mga nasirang pananim sa buong bansa
07:39dahil sa masamang panahon sa nakalipas na mga araw.
07:42Ang Department of Agriculture naglaanan ng pondo na pantulong sa mga magsasakang apektado.
07:48Balita ng hatid ni Dano Tingcunco.
07:56Sa San Vicente, Abra de Ilog, Occidental, Mindoro, may mga magsasakang nagkukumahog para isalba ang kanilang pananim.
08:03Tumaas na kasi ang tubig sa palayan.
08:05Sa Atok Benguet, maagang inani ng mga magsasaka ang tanim nilang wombok o Chinese cabbage kahit hindi pa panahon ng anihan.
08:18Kesa daw masira ang gulay, nagbakasakali silang may bumili kung ibebenta nila.
08:24Sa kabuuan, 323 milyon pesos ang inisyal na halaga ng mga nasiram pananim sa buong bansa dahil sa halos isang linggong pag-uulan.
08:31Pero paniguro ng Department of Agriculture, walang dahilan ng publiko na mangambang baka kulangin sa supply ng pagkain o magmahalang presyo nito sa mga palengke.
08:42Sa gulay, karamihan ng mga naonang nagtanim ay na-harvest.
08:47So wala rin tayong nakikita.
08:49So yung mga nagtanim agad prior to bagyo, yun yung mga pekuan.
08:53But definitely, we can easily recover dito sa mga pagtatanim ulit nila.
08:59Nasa 6,700 metric tons ang kabuuan nasirang palay.
09:04Paliwanag ng DA, nasa loob ito ng nakaproject na palay kada taong pwedeng masira o mawala bunsud na mga bagyo.
09:12Sapat din daw ang supply para sa relief operations at para sa 20 peso rice program.
09:16Yung stocks din ni NFA ngayon, nasa 450,000 plus metric tons.
09:22So more than 9 billion bags yan na ginagamit for relief and for P20 program natin.
09:28So we have enough supply for calamity relief efforts plus yung sa P20 program natin.
09:35Ayon sa DA, pinaka-apektado ang Regions 1, 2, 3, Calabarzon, Mimaropa, Bicol, Regions 6 at 12.
09:42Naglaan ang DA field offices and agencies nang hindi bababa sa 500 million pesos na intervention
09:47para makapagtanim muli.
09:49Iba pa yan sa nasa 400 million pesos naman na inila ang pautang sa mga magsasaka.
09:54Dano Tingkungko, nagbabalita para sa GMA Integrated News.
09:58That's right, I think.
10:00Tinangangambahan ang pag-agos ng lahar mula sa bulkang mayon
10:03dahil sa pagulang dulot ng mga bagyong dante at emong pati na habagat.
10:07Ayon sa CVOX, mula yan sa natirang Pyroclassic Density Current Deposits
10:10nang pumutok ang bulkan noong 2018 at 2023.
10:14Maari raw yung umago sa watershed areas at stream flow sa paligid ng bulkan
10:18gaya ng Miisi, Mabinit, Buyuan at Basud Channels.
10:23Pinapayuhan ang mga local government unit na imonitor ang ulan
10:26at gumawa na ng preemptive response para sa kaligtasan ng mga residente.
10:30Pinapay nun playaid.
10:32Kinapayou.
10:34Pinapayansen.
10:36Pinapay.
10:38Pinapayanga.
10:38Pinapaypta.
10:38Pinapay.
10:39Pinapayutte.
10:39Pinapay 68 por Ryan.
10:40Pinapay holdingungi.
10:41Pinapay kan bersam.
10:41Pinapay.
10:42Pinapay.
10:43Moon.
10:43Pinapay Golf.
10:44Pinapay.
10:44Pinapay.
10:45PinapayOR.
10:46Pinapay Yuri.

Recommended