Skip to playerSkip to main content
Hiniling ng DPWH sa justice department na isyuhan ng immigration lookout bulletin orders sina dating DPWH Secretary Manuel Bonoan, dating DPWH Usec. Roberto Bernardo at Candaba Mayor Rene Maglanque at kanilang mga anak. Kasunod 'yan ng alegasyon ni Senator Ping Lacson na magkaka-sosyo sa isang negosyo ang mga anak at nakakuha naman ng flood control project ang hiwalay na kumpanya ng mga Maglanque.


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Hiniling ng DPWH sa Justice Department na isyuhan ng Immigration Lookout Bulletin Order
00:06si na dating DPWH Secretary Manuel Bonoan, dating DPWH Undersecretary Roberto Bernardo
00:14at Candaba Mayor de Maglanque at kanilang mga anak.
00:19Kasunod po yan ang aligasyon ni Sen. Ping Lacson na magkakasosyo sa isang negosyo ang mga anak
00:26at nakakuha naman ng Flood Control Project ang hiwalay na kumpanya ng mga maglangke.
00:33Nakatutok si JP Soriano.
00:37Sa privilege speech ni Sen. Pro Temporary Ping Lacson kahapon,
00:42binanggit niya ang pangalan ni Resigned DPWH Secretary Manuel Bonoan
00:46sa humahaba at lumalanim na istorya ng flood corruption.
00:51Sabi ni Lacson, magkakasosyo sa MBB Global Properties Corporation
00:55ang mga anak ni na Bonoan, dating DPWH Yusek Roberto Bernardo,
01:01nakasama sa aristahan ng mga diskaya na nakatanggap umano ng kickback
01:05mula sa mga flood control project at anak ni Candaba Pampanga Mayor René Maglanque,
01:10may-ari ng Global Crete Builders na nakakuha ng mga flood control project sa Bulacan at Pampanga.
01:16Kaya naman pala ang palaging depensa ni dating DPWH Secretary Bonoan,
01:23isolated case lang daw ang nakita ni Pangulong Bongbong Marcos sa ghost project sa Bulacan.
01:30Ayaw na siguro ni Bonoan na maungkat pa sa embisigasyon ang Global Crete.
01:34Sa general information sheet na isinumitin ng MBB Global Properties sa SEC,
01:40ang mga stockholder ay sina Macy Monique Manglanque, Sunshine Bernardo at Fatima Gay Monoan de la Cruz.
01:48Sa GIS ng MBB, may paid-up capital na 10 million pesos nung nag-register ito noong taong 2023
01:56sa Candaba Pampanga ang adres ng kumpanya.
01:59Pero hindi namin makita ang opisina ng MBB sa adres na nasa SEC record.
02:04Itinanggina noon ni Bonoan na may kinalaman siya sa mga ghost projects
02:08at substandard flood control project ng DPWH na tinuliksa ni Pangulong Marcos.
02:15Nagahanap din ang GMA Integrated News ng kontak kay Bernardo.
02:20Sinubungan din namin kuhana ng panig si Mayor Maglanque sa munisipyo ng Candaba,
02:24ngunit nasa Maynila raw ito.
02:26Samantala, humining na si DPWH Secretary Vince Dizon kay Justice Secretary Chris P. Rebulia
02:31na maglabas ng Immigration Lookout Bulletin Order labad kinang Maglanque, Bonoan at Bernardo
02:37at sa kanilang mga anak na opisyal ng MBB Global Properties Corporation.
02:42Ipapatawag naman daw sa susunod na pagdinig ng Blue Ribbon Committee si DPWH Yusek Maria Catarina Cabral, sabi ni Lacson.
02:49Si Cabral ang sinasabi ni Lacson na nag-uudyok umano kay Sen. Tito Soto na maglagay ng budget insertion sa 2026 proposed budget,
02:59bagay na at pinanggihan ng Senate President.
03:01Ang sabi ni Lacson, itinanggiraw ito ni Cabral kay DPWH Vince Dizon ng tanungin.
03:07Sabi ni Cabral, handa siyang sagutin ito sa pagdinig.
03:10Base sa DPWH website, si Cabral ang kauna-unahang babaeng empleyado ng kahensya na umangat bilang undersecretary.
03:19Siya rin daw ang unang babaeng presidente ng Philippine Institute of Civil Engineers noong taong 2017.
03:25Halati nga ay may ka-statement sa Senate naman. I-release naman po yun.
03:29Para sa GMA Integrated News, JP Soriano, nakatutok 24 oras.
03:40H-release naman.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended