Skip to playerSkip to main content
Sa unang bahagi ng pagdinig ng Senate Blue Ribbon Commitee kaugnay sa maanomalyang flood control proejcts, isiniwalat ni dating DPWH Usec. Roberto Bernardo na kahon-kahong kickback ang inihatid umano niya sa isang dating senador. Pinangalanan din niya ang ilang dati at kasalukuyang senador na nakatanggap din umano ng kickback mula sa mga DPWH project. Sumagot diyan ang ilan sa mga pinangalanang mambabatas.


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Kahong-kahong kickback naman ang inihatid umano sa isang dating senador ni dating DPWH Undersecretary Roberto Bernardo.
00:09At isa lang yan sa mga dati at kasalukuyang senador na pinangalanan sa Senate Blue Ribbon Committee
00:15na nakatanggap umano ng kickback mula sa mga DPWH project.
00:19Kung sino-sino, alamin natin sa live na pagtutok ni Jonathan Andad.
00:24Jonathan!
00:25Vicky, pitong pangalan ng kasalukuyang at mga dating senador ang idinawit sa korupsyon ni dating DPWH Undersecretary Roberto Bernardo.
00:36Ikinuwento niya kung paano niya inabot yung kahong-kahong pera sa ilang personalidad na kanyang binanggit.
00:47Sa kanyang pagharap sa pagpapatuloy ng Senate Blue Ribbon Committee hearing tungkol sa flood control projects,
00:52binasa ni dating DPWH Undersecretary Roberto Bernardo ang supplemental affidavit na isinumitin niya sa Department of Justice.
01:00Dito sinabi niya siya raw mismo ang naghatid ng kahong-kahong pera kay dating senador Bong Revilla sa bahay nito sa Cavite.
01:07Nangyari raw yan noong 2024.
01:10Ang kabuang halaga, 125 million pesos na pagtupad daw sa 25% anyay commitment para kay Revilla.
01:17After receipt of the 25% commitment, which were packed in six cardboard boxes, each containing at least 20 million,
01:26and one paper bag containing 5 million, I called up Senador Revilla to inform him the same.
01:31It's ready to be turned over to him.
01:33Sometime December 2024, probably the Monday after my receipt of the commitment,
01:38my driver and I went to the residence of Senador Revilla.
01:41I saw Senador Revilla at the terrace.
01:43I walked over to Senador Revilla for a casual talk.
01:46While the boxes were being unloaded, Senador Revilla and I talked for about 20 to 25 minutes.
01:52Iba pa raw ito sa 250 million pesos na idiniliver umano ng aid ni Bernardo sa bahay din ni Revilla
01:59bago magsimula ang kampanya nitong 2025 elections.
02:02Bukod kay Revilla, idiniindin kanina ni Bernardo ang iba pang malalaking pangalan.
02:06Kabilang na si dating DPWH Secretary at kanyang boss na si Manny Bonoan,
02:10Senador Jingoy Estrada, Mark Villar, Chis Escudero, mga dating Senador Grace Po,
02:16Sani Angara na ngayon Depend Secretary, Nancy Binay na mayor ngayon ng Makati,
02:21mga dating kongresista Mitch Kahayon Uy ng Kaloocan,
02:24Rita Robes na ngayon mayor ng San Jose del Monte Bulacan,
02:28at dating DPWH Undersecretary Maria Catalina Cabral.
02:31Mangiyak-ngiyak pa si Bernardo habang idinadawid si Bonoan sa korupsyon sa DPWH.
02:36I look up to Sec. Bunoan and consider him as a mentor.
02:41I treasure his guidance and friendship over the years.
02:44Akusasyon ni Bernardo, kada taon mula 2023,
02:47limang bilyong pisong DPWH projects ang hawak ni Bonoan.
02:5115% nito ang kinukuha o manong kickback o commitment
02:55na pinaghahati-hatihan daw nila ni na Bonoan at Cabral.
02:58The value of the projects that I handled for Sec. Bunoan
03:01was at least 5 billion per anong for the years 2023, 2024, and 2025
03:07with an average of 15% commitment.
03:10Of this 15% average commitment, Sec. Bunoan 75%
03:13usually would give me 25% of the commitment
03:16with the rest of the commitment shared between him and Usec Cate Cabral.
03:21Ayon kay Bernardo, makapangyarihan si dating Usec Cabral.
03:24Kaya raw nitong magtanggal, magdagdag, at magbago ng mga insertion
03:27sa DPWH budget sa NEP o National Expenditure Program.
03:32Si Cabral pa raw mismo ang nakikipag-usap sa mga mambabatas
03:35kung magkano ang alokasyon sa kanila sa mga proyekto ng DPWH.
03:39Sabi ni Bernardo, siya mismo ang naghahatid ng pera sa bahay ni Cabral.
03:43On multiple occasions, I personally delivered
03:47and also cost to be delivered cash to Usec Cabral
03:51at her house at Atalon, Quezon City, and other places.
03:55Usec Cabral would tell me that she would communicate
03:58and meet legislators to inform them of the amount of their allocations
04:01and ask them for titles of projects that they want to include in the DPWH budget.
04:06Usec Cabral has total influence and authority
04:09in preparing and finalizing the NEP for infrastructure.
04:13Si Sen. Mark Villar, na dati ring boss ni Bernardo sa DPWH,
04:16kumikakeback din umano sa mga DPWH project
04:19na idinadaan daw sa pinsan nitong si Carlo Aguilar.
04:23Kabilang umano sa kinukuhanan ng komisyon ni Villar
04:25ang pondo sa maintenance ng mga creek at iba pang daanan ng tubig,
04:29pati na raw ang pondo para sa EDSA.
04:32The commission for these approved projects was 10%
04:35and divided as follows.
04:3650% to Carlo Aguilar,
04:38presumably for Sec. Mark Villar,
04:4025% Usec Cabral,
04:4225% for myself.
04:43Si Sen. Jingoy Estrada naman humiling daw na maambunan
04:47ng isang biliyong pisong halaga ng proyekto noong 2024
04:51at kickback na 25%.
04:55Senator Jingoy called me sometime in the third quarter of 2024
04:58and asked me to request the amount of 1 billion from Sec. Bunuan.
05:02Senator Jingoy said,
05:04tulungan mo na lang ako dyan kasi marami pa akong tutulungan sa eleksyon.
05:08I replied,
05:09okay na ba ang 25% Sen?
05:11Sen. Jingoy responded,
05:12okay na ang 25%.
05:14Sabi pa ni Bernardo,
05:16nagkaroon pa ng pagkakataon
05:17noong unang bahagi ng 2025
05:19na siya mismo ang naghatid ng pera
05:21para kay Estrada sa San Juan.
05:23And approximately 213 million
05:25which I delivered to Sen. Jingoy
05:27at the Archaga Building in San Juan City.
05:29Si dating Senadora Po,
05:3020% umano ang kickback.
05:32Noong 2024,
05:33isang staff umano ni Po
05:34na si J.Y. De La Rosa
05:36ang kumausap sa kanya
05:37para iparating ang hiling
05:39kay Bunuan na maisama ang Senadora
05:41sa DPWH Budget Senep.
05:43Si De La Rosa rin daw
05:43ang nagsabi sa kanya
05:44na makipag-ugnayan sa isang kontraktor
05:46para sa listahan ng mga proyekto.
05:48Si Bunuan,
05:49naglaan naman daw
05:50ng 500 million pesos
05:51na proyekto para kay Po.
05:53There was a 20% commitment
05:54collected for Sen. Grace Po.
05:56Mrs. Patron,
05:58a kontraktor,
05:59collected the commitment
05:59for Sen. Grace Po
06:00at Diamond Hotel
06:02from one of my aides.
06:04Si dating Senadora Binay
06:06aabot sa 15%
06:08ang di umano'y kickback
06:09na kinukubra raw
06:10ng aid nitong
06:11si Carline Yap Villa.
06:13500 million pesos din umano'
06:15ang inilaan ni Bunuan
06:16para kay Binay
06:17sa 2025 DPWH Budget.
06:19Sometime later part
06:21of December 2023,
06:23Carline called me
06:24and requested
06:25for a 50 million advance
06:26for Sen. Binay's shoes
06:27for the holiday season
06:29during the first quarter
06:30of 2023.
06:32The commitment
06:32was delivered to Carline
06:33for Sen. Binay
06:35in several tranches
06:36in Makati
06:37in Quezon City.
06:38After the second delivery,
06:39Carline told me,
06:41kinuha na ni Sir,
06:42salamat raw.
06:43Hindi ka raw
06:44kakalimutan sa Makati.
06:46The Sir refers
06:47to the husband
06:48of Sen. Binay.
06:50Si dating Senador
06:51at ngayon
06:51DepEd Secretary Angara,
06:5312% naman daw
06:54ang kickback
06:55sa pamamagitan
06:56ni DepEd Undersecretary
06:57Trygiv Olaivar
06:59na dati rin itong staff
07:00sa Senado.
07:01Yusik Trygiv
07:02received deliveries
07:02representing 12%
07:04of the projects
07:04of Sen. Sani Angara
07:06while the latter
07:06was Chairman of Finance.
07:08Si Sen. Chisa Scudero,
07:0920% di umano
07:11ang kickback.
07:12Ngayong 2025,
07:13si Bernardo Rau
07:14mismo ang nagdeliver
07:15ng kabuang
07:15P280M
07:17sa building
07:18na pagmamayari
07:19ni Maynard Ngo
07:20ang negosyante
07:21na sinasabing
07:21bagman ni Escudero.
07:23Sometime early 2025,
07:25I made the first delivery
07:26of P160M
07:27for Sen. Chisa Scudero
07:29at the Cherry Mobile
07:30building at Maynard Ngo
07:31in a possible street, Manila.
07:33Early 2025,
07:34I made the second delivery
07:35of P120M
07:36for Sen. Chisa Scudero
07:37also at the
07:38Cherry Mobile
07:38building of Maynard Ngo.
07:41Sa lahat ng senador
07:42na idinawit ni Bernardo,
07:43si Narevilla at Estrada
07:44lang ang personal
07:45niyang nakausap.
07:46Binanggit din ni Bernardo
07:47mga dating kongresistang
07:48sina Mitch Kahayon Uy,
07:50Florida Robes
07:51at Zaldico.
07:52Pero wala masyadong detalye
07:53di tulad sa mga
07:54idinawit na senador.
07:56Pag kayong mga senador,
07:57mahaba.
07:58Pero sa mga congressman,
08:00parang kulang.
08:01One,
08:02dalawang sentence lang.
08:03Why is that?
08:05As of now po,
08:06I have not really
08:07identified the
08:08projects which were
08:10downloaded to the
08:11to those
08:12congressman,
08:14Mr. Chair.
08:15Hindi po ako
08:16makarecover pa ng pan.
08:18But I remember
08:19that there were projects
08:20that were really
08:21downloaded in their districts.
08:22Kanya-kanyang labas
08:26ng pahayag
08:26ang ilang
08:27idinawit
08:27na kasalukuyan
08:28at dating senador.
08:29Sabi ni po,
08:30hindi siya kailan
08:30manasangkot
08:31sa korupsyon.
08:32Aniya,
08:33sinusuportahan niya
08:33ang investigasyon
08:34ukol dito.
08:35At siya pangaraw
08:36ang unang dumalo
08:37sa mga pagdinig
08:38ng Independent
08:38Commission for
08:39Infrastructure
08:40o ICI.
08:41Nakakaalarma rao
08:42na nadadawit
08:43ngayon ang kanyang
08:44pangalan.
08:45Si Senador Mark Villar,
08:46marinding itinanggi
08:47ang akusasyon sa kanya
08:48na isa raw
08:48malaking kasinungalingan.
08:50Naninindigan daw siya
08:51sa kanyang walang
08:52bahid na record
08:53sa politika.
08:54Pakiusap niya sa publiko
08:55maging mapanuri
08:56at huwag basta mang husga.
08:57Base lamang
08:58sa salaysay
08:58ng isang tao
08:59na pwede raw tinahina
09:00para sa kapakanan
09:01ng taong yun
09:02o ng iba pa.
09:03Si dating Sen. Rabina
09:04ay iginit na
09:04wala siyang kinalaman
09:05o papel
09:06sa anumang flood control project.
09:08Wala rin daw siyang
09:08empleyado sa Senado
09:09na kayang gawin
09:10ang ibinabato sa kanya.
09:12Si Angara naman
09:13itinanggi rin
09:14na sangkot siya
09:14sa mga maanumaliyang
09:15proyekto.
09:16Sa kanya raw
09:17higit dalawang dekada
09:18sa gobyerno
09:18hindi raw siya
09:19nasangkot sa korupsyon.
09:21Ang tampo ni Revilla
09:22sinabi naman na
09:23hindi dapat paniwalaan
09:24basta-basta
09:25ang mga pahayag
09:26ni Bernardo
09:26na tinawag niyang isa
09:28sa mga perpetrator
09:29o salarin.
09:30Handa raw si Revilla
09:31na harapin at pasinungalingan
09:32ang mga aligasyon
09:33at balak daw gawin
09:34ang lahat
09:35para protektahan
09:36ng kanyang mga krapatan
09:37at malinis
09:38ang kanyang pangalan.
09:39Sinusubukan pa namin
09:40kunan ng pahayag
09:41ang iba pang idinawit
09:42ni Bernardo
09:43sa korupsyon.
09:48Yes, Vicky,
09:50hindi pa masabi
09:51ni Senator Pink Lakson,
09:52chairman ng
09:53Senate Blue Ribbon Committee,
09:54kung ipapatawag ba
09:55yung mga dating senador
09:56na pinangalanan
09:57ni Bernardo.
09:58Aaralin pa din
09:59na kasi nila
09:59yung affidavit nito.
10:01Yung muna ang latest
10:02mula rito sa Senado.
10:03Balik sa'yo, Vicky.
10:04Maraming salamat sa'yo,
10:05Jonathan Andal.
10:07At kaugnay
10:09ng mga pahayag
10:10ni dating DPWH
10:11Undersecretary
10:12Roberto Bernardo
10:13sa pagdinig
10:14ng Senado,
10:15tinawag ito
10:15ni Senator
10:16Jingoy Estrada
10:17na
10:17Classic
10:18Diversionary
10:19Tactics.
10:20Itinagin niya
10:21ang mga aligasyong
10:22nag-uugnay
10:23sa kanya
10:23sa anumang
10:24flood control
10:25projects.
10:26Wala raw basihan
10:27at hindi
10:28suportado
10:29ng ebedensya
10:29ang paratang
10:30na may natanggap
10:31umano siyang
10:32porsyento.
10:33Mas lalo lang
10:34anya na lalantad
10:35ang kasinungalingan
10:36dahil magkasalungat
10:38anya
10:38ang dalawang
10:39sinupaang
10:39salaysay
10:40ni Bernardo.
10:41Sabi naman
10:42ng kampo
10:42ni Escudero,
10:44hindi na bago
10:44ang mga aligasyon
10:45ni Bernardo
10:46na dati
10:47nang itinangge
10:48at napatunayan
10:49anilang
10:50hindi
10:50totoo.
10:51Walaan nilang
10:52direct ang
10:52ebedensyang
10:53iprinisenta
10:54si Bernardo
10:54na mag-uugnay
10:56kay Escudero
10:56sa anumang
10:57krimen.
10:58Paninira lang
10:59daw ng reputasyon
11:00ni Escudero
11:01at ng Senado
11:01ang mga
11:02aligasyon.
11:04Matuloy po
11:04naming sinusubukan
11:05ang kuna
11:05ng pahayag
11:06ang iba pang
11:07dawit
11:07ni Bernardo
11:08sa korupsyon.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended