Skip to playerSkip to main content
Sumuko sa NBI ang negosyanteng si Sarah Discaya kasunod ng anunsyo ni Pangulong Bongbong Marcos na iisyuhan si Discaya ng warrant of arrest ngayong linggo. Inaasahang ilalabas ang warrant ng Digos City Regional Trial Court dahil sa kasong kaugnay ng isang flood control project sa Davao Occidental.


Bukod riyan, inanunsyo rin ng pangulo ang freeze order ng Court of Appeals sa mga ari-arian nina Congressman Eric at Edvic Yap. Ang Ombudsman, nagtakda naman ng sariling deadline para maipakulong ang mga mambabatas na sangkot.


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Magandang gabi po, Luzon, Visayas at Mindanao.
00:06Sumuko sa NBI ang negosyanteng si Sarah Diskaya,
00:10kasunod ng anunsyo ni Pangulong Bongbong Marcos
00:13na i-issuehan si Diskaya ng Warrant of Arrest ngayong linggo.
00:17Inaasakang ilalabas ang warrant ng Digo City Regional Trial Court
00:21dahil sa kasong kaugnay ng isang flood control project sa Davao Occidental.
00:26Sumuko naman sa Pasig Police ang pamangki ni Diskaya
00:29na kapwa-akusado niya at opisyal din ang kanyang kumpanya.
00:33Nakatutok live si John Consuda.
00:36John.
00:41Mel, Emil, Vicky, sumuko nga itong negosyanteng si Sarah Diskaya
00:45dito sa tanggapan ng National Bureau of Investigation o NBI dito sa Pasig City.
00:50Isang araw yan matapos i-enunsyo ni Pangulong Bongbong Marcos
00:53na lalabas na ang Warrant of Arrest Laban kay Diskaya sa loob ng linggong ito.
00:59Pasado na si Jess ng umaga kanina nang dumating sa headquarters ng NBI sa Pasig City
01:07ang kontraktor na si Sarah Diskaya kasama kanyang abogado at kaanak.
01:11Naka-face mask nang dumating si Diskaya na nagtungo raw sa NBI para raw sumuko.
01:17Nakunan din namin ang pagdating ng isang maleta na dala ng isang babae
01:20na isinakay sa elevator at iniakyat sa palapag kung nasaan si Diskaya.
01:25Nangyari ang pagsuko sa gitna ng anunsyo ni Pangulong Marcos
01:28na anumang araw ngayong linggo ay lalabas na ang Warrant of Arrest Laban kay Diskaya.
01:33Matatandaan nung Bermes, naghain na ng kaso malversation at paglabag
01:37sa Antigrap and Crop Practices Act ang ombudsman laban kay Diskaya
01:41at ilan pang individual.
01:43Kawag na ito sa isang ghost flood control project sa Culaman Jose Abad Santos Davao Occidental
01:48na proyekto ng St. Timothy Construction Corporation,
01:51isa sa mga kumpanya ng pamilya Diskaya.
01:54Ayon sa source ng GMA Integrated News,
01:57ngayong araw daw nagpahihwating ng pagsuko sa Diskaya
01:59sa isang regional officer ng NBI
02:01na siyang nagfasilitate ng pagsuko ng bilyonaryong negosyante.
02:05Bantay sarado siya ng mga hente nang dumating sa NBI.
02:09Ayon sa isa pa naming source,
02:10hinihintayin nilang ang formal na paglabas ng Warrant of Arrest Laban kay Diskaya.
02:14Manggagaling pa ang Warrant of Arrest sa Digo City Regional Trial Court sa Davao Occidental.
02:19Sa oras na mangyari ito,
02:21posibleng magsagawa ng return of warrant ang mga otoridad
02:24kung saan kakailanganin iharap sa Diskaya
02:26at ibalik ang Warrant sa korte nag-issue nito.
02:29Hindi kasama na Diskaya ang asawang si Curly
02:32na nakadetain pa rin sa Senado
02:33matapos ipakontem dahil sa umunoy pagsisinungaling.
02:37Bukod kay Diskaya,
02:38sumuko na rin sa Paso City Police
02:40ang kanyang pamangkin at kapwa-akusado
02:42na si Maria Roma Angeline Rimando
02:44na isa sa mga opisyal ng St. Timothy Construction.
02:48Kinumpirma yan ng kanyang abogado.
02:55Vicky, dito nga sa NBI,
02:57magkapalipas na magdamag itong si Sara Diskaya
02:59at kung sakasakaling lumabas ang Warrant bukas,
03:03aasahan natin na uusad na yung mga proseso
03:05tulad ng fingerprinting
03:07at pagkuhan ng mugshot kay Sara Diskaya
03:10at posibleng mauwi sa return of Warrant.
03:13Yan mo nalitas mo na rito sa NBI.
03:15Balik siya, Vicky.
03:16Maraming salamat sa iyo, John Consulta.
03:17Bukod sa paglalabas ng arrest warrant
03:22na inunahan na nga ni Sara Diskaya
03:24ng pagsuko,
03:25inanunsyo rin ni Pangulong Bongbong Marcos
03:27ang freeze order ng Court of Appeals
03:30sa mga ari-ariani na Congressman Eric at Edvik Yap.
03:34Sangkot ang mga kumpanya nila
03:36ng mga Diskaya
03:37sa mailang proyekto kontrabaha.
03:39Nakatutok si Ivan Mayrina.
03:43Before Christmas, makukulong na sila.
03:45Matapos i-anunsyo may nakasuhan na
03:48kaugnay ng isang ghost project
03:49sa Davao Occidental,
03:51inaasahan paglalabas ang warrant of arrest
03:53laban kay Sara Diskaya naman
03:54ang inanunsyo ng Pangulo kanina.
03:57Inaasahan na rin natin
03:58lalabas ang warrant of arrest na
04:00ni Sara Diskaya itong linggong ito
04:03at hindi na rin magtatagal
04:04ang pag-aresto sa kanya.
04:06Pero inunahan na ito ni Diskaya
04:08at kung sarang sumuko sa NBI,
04:10walang opisyal ng DPWH daw
04:12na sangkot sa parehong ghost project
04:13sa Davao Occidental
04:14ang nagpasabing na isa rin nilang
04:16sumuko sa NBI
04:17ayon sa Pangulo.
04:19Samantala,
04:20naglabas na rin ang freeze order
04:21ang Court of Appeals
04:22laban sa mga bank account,
04:24ari-arian
04:24at mga aeroplano at helicopter
04:26na mga kumpanya na magkapatid
04:27na sina Congressman Eric at Edvik Yap,
04:30ang Silverwolves Construction Corporation
04:32at Skyyard Aviation Corporation.
04:34Pinaniniwalaan na kinabang
04:36din ang mga kumpanya
04:37pag-aari ng mga yap
04:38sa ilang flood control project.
04:40Gabuang 280 bank accounts
04:42ang na-freeze,
04:4322 insurance policy,
04:453 securities account
04:46at 8 aircraft.
04:48May mahigit 16 billion na
04:50ang pumasok sa mga transaksyon
04:52ng Silverwolves
04:53mula 2022 hanggang 2025
04:56na karamihan ay may kaugnayan
04:59sa mga flood control project
05:00ng DPWH.
05:01Ang pag-freeze na ito,
05:03hakbang tungo sa layong mabawiya
05:05may hinihinalang pondo ng bayan
05:06na napunta sa katiwalian.
05:09Magpapatuloy ang investigasyon,
05:11magpapatuloy ang pagpapanagot
05:13at titiyakin ng pamahalaan
05:15na ang pera ng bayan
05:16ay maibabalik sa taong bayan.
05:18Para sa GMA Integrated News,
05:20Ivan Mayrina Nakatutok, 24 Horas.
05:24Pasko sa kulungan
05:26ng minsang pangako ng gobyerno,
05:28kagunay ng mga sangkot
05:29sa flood control scandal.
05:31Ngayon,
05:32nagtakda ng sariling deadline
05:35ng ombudsman
05:36para maipakulong
05:37ang mga mambabatas
05:38na sangkot.
05:40Kung kailan?
05:40Sa pagtutok
05:41ni Salima Refran.
05:46Para kay ombudsman
05:47Jesus Christophe Nribulia,
05:49dapat lang na mapanagot
05:50ang mga tiwali.
05:52Pero may mas malalim pang
05:53dapat gawin.
05:54Corruption kills.
05:56Not metaphorically,
05:58but literally.
05:59Our national conversation
06:00cannot stop at accountability.
06:05Accountability is mandatory,
06:08but it is not enough.
06:10Sa kanyang talumpati
06:11sa pagdariwang ng ombudsman
06:12ng International Anti-Corruption Day,
06:15sinabi ni Ramulia
06:16na dapat magtakda
06:17ng mga reporma sa sistema
06:18para masigurong
06:19hindi na mangyayari
06:20ang korupsyon.
06:21We must confront
06:22the harder task,
06:24fixing the systems
06:25that allowed corruption
06:27to take root,
06:29strengthening the rules
06:30that were too weak,
06:32and redesigning processes
06:33that failed the people.
06:38We must move past
06:40asking who is at fault
06:43and demand
06:43what must change.
06:46Because without reform,
06:49the same abuses
06:50will continue
06:52under new names
06:54and under new faces.
06:56Sa office of the ombudsman,
06:58magpapatupad daw sila
06:59ng modernization
07:00gaya ng pagkakaroon
07:02ng fully digital database.
07:04Kaugnay naman
07:05sa paghahabol
07:06sa mga nasa likod
07:07na maanumali
07:07ang flood control projects,
07:09nagtakda noon
07:10ang ombudsman
07:11ng sariling deadline
07:12na December 15
07:13para sa pagpapakulong
07:15ng malalaking isna
07:16o mga senador
07:17at kongresista.
07:19Sabi ni Assistant Ombudsman
07:20Miko Clavano,
07:21posible rao na ngayong linggo,
07:23may maisan pa silang
07:24mga kaso
07:25sa Sandigan Bayat.
07:26It's possible,
07:27it's possible,
07:28but we go with
07:29the strength of the cases.
07:30Kung meron tayong
07:31makitang ebedensya
07:32na ang proponent mismo
07:34ang kumuha ng pera,
07:36siya mismo
07:36ang tumanggap ng pera,
07:38mas madaling
07:38i-prove po yun.
07:40Kaysa sa mga kaso
07:41na may layering,
07:43patago talaga,
07:45merong silang
07:46mga bagman
07:46na kailangan muna
07:47natin matumbok
07:49para makuha yung proponent.
07:51Nakapagsampan na
07:51ang ombudsman
07:52ng mga kasong
07:53graft at malversation
07:54sa Sandigan Bayan
07:55at Digos RTC,
07:57kaugnay ng substandard
07:58umanong 289 million pesos
08:00na road dyke project
08:02sa Nauhan Oriental, Mindoro,
08:04at sa 96.5 million pesos
08:06na ghost project umano
08:07sa Jose Abad Santos,
08:09Davao Occidental.
08:10Para sa GMA Integrated News,
08:13Salimara Fran,
08:14Nakatutok, 24 oras.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended