Skip to playerSkip to main content
Sa panibagong post, alokasyon naman ng bawat rehiyon at distrito mula sa DPWH budget ang isiniwalat ni Cong. Leandro Leviste. May bagong sagutan din sila ng palasyo... tungkol kung lehitimo ba ang binansagang "Cabral files".


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Sa panibagong post, alokasyon naman ang bawat region at distrito mula sa DPWH budget
00:07ang isiniwalat ni Congressman Leandro Leviste.
00:11May bagong sagutan din sila ng palasyo tungkol kung dehiti mo ba ang binansagang Cabral Files na katutok si Tina Panganibang Perez.
00:21Mahigit-anim na pumpahina ng DPWH budget mula 2023 hanggang 2026
00:30ang inilabas ni Batangas First District Representative Leandro Leviste sa kanyang social media page.
00:37Bahagi pa rin daw ito ng files na nakuha niya mula sa DPWH at kayo maaong dating DPWH Undersecretary Maria Catalina Cabral.
00:473.5 trillion pesos ang DPWH budget ng 2023 to 2026.
00:53Ang mga nakukuha ng mga distrito umaabot sa 50 to 60 billion pesos during that time period.
01:03Ang mga average siguro kung 3.5 trillion divided by 253 districts ay mga nasa 15 billion pesos.
01:13Sa mga rehiyon, pinakamalaki ang alokasyon ng Region 3 o Central Zone na nasa halos 407 billion pesos.
01:21Sumusunod ang Region 4A o Calabar Zone na may halos 342 billion.
01:27Region 5 o Beagle Region na may mahigit 272 billion.
01:31At NCR na may mahigit 231 billion.
01:35Sa mga distrito naman sa NCR, pinakamalaki ang sa Taguig City 1st District na umaabot ng halos 18.5 billion pesos.
01:45Pangalawa ang Quezon City 4th District na may mahigit 14 billion.
01:50Habang pangatlo ang Valenzuela City 1st District na may halos 10 billion.
01:55Ang hindi public sa mga files na ito, ang datos kung sino ang nag-propropose ng mga proyektong ito.
02:08Yung in-upload nyo na 2023 to 2026 data, meron din bang irregular doon?
02:17Again, yung irregular, bakit hindi ito inilalabas after all these years?
02:24Ang taong bayan ay may karapatan na malaman saan napunta yung 3.5 trillion pesos.
02:34I think it's highly irregular that the DPWH cannot explain why there are some districts that have 5 to 10 times the budget per capita of other districts.
02:45And why there is a correlation na nagkakataon yung distrito na may malaking budget ay distrito na maraming mga kontraktor.
02:55That in itself, in my opinion, is highly irregular.
02:57Sabi ni Leviste, dapat ma-investigahan ng ICI, Ombudsman at Anti-Money Laundering Council kung may koneksyon ang mga nagsulong sa mga proyekto sa mga kontraktor.
03:09Nauna nang sinabi ni Leviste na hawak na niya ang files ng DPWH at ni Cabral pero hindi raw niya isinapubliko agad.
03:17Marami pong nagtatanong sa akin, bakit ko hindi ito isinapubliko nung September pa?
03:25Kasi sabi ni Secpins sa akin na isa sa publiko niya.
03:29Aaminin ko din po, marami sa Kongreso, nung sinabi ko gusto ko magprivilege speech para isa publiko ito, nakiusap sa akin na wag isa publiko ito.
03:39I gave an interview in November also, talking about this list, in fact several interviews, and was saying that Yusek Cabral knows more about the DPWH budget than any other official, and that she should be made a state witness.
03:57At ikinalulungkot ko po na hindi ito na-actional ng gobyerno.
04:04Pero for the record, nung November ko pa, sinasabi lahat ito, nung buhay pa si Yusek Cabral.
04:15Sinagot naman ni Leviste ang pagduda ni Palas Press Officer Claire Castro sa authenticity ng mga dokumentong kanyang inilabas.
04:24Wala pong dahilan na mag-cast out si Yusek Castro sa inupload kong data.
04:30At I'm sorry to say this, but I think she will make a fool of herself because Secretary Vince and others in DPWH and others in Congress will confirm the authenticity of the files that I've uploaded.
04:43Sagot naman ni Castro, hindi siya, kundi si Leviste ang dapat magpatunay na authentic nga ang files.
04:51Dagdag pa ni Castro, ni hindi nga raw niya alam kung ang mga inupload na dokumento ni Leviste ay altered o binago o kaya ay fabricated o pineke.
05:01Si Senate President Pro Tempore Panfilo Lacso naman na nawagan para sa interagency investigation sa koneksyon umano ng ilang cabinet official sa bilyong-bilyong insertions ng infrastructure projects sa DPWH.
05:17Sabi ni Lacso, masyado pang maaga para sabihin chismis lang ang mga ito dahil baka isipin ang publiko na may cover up.
05:26Tugo ni Castro, ang tinutukoy niyang chismis ay ang files na inupload ni Leviste na hindi pa raw nao-authenticate sa ngayon.
05:35Ayon pa kay Castro, nag-iimbestiga na ang iba't-ibang tanggapan ng pamahalaan at sinabi na rin ang Pangulong mananagot ang mga dapat managot kaya hindi raw katanggap-tanggap na sasabihin may pinagtatakpan ang palasyo.
05:50Sinisika pa namin makuna ng pahayag si DPWH Secretary Dizon.
05:54Para sa GMA Integrated News, Tina Panganiban Perez, nangatuto, 24 oras.
06:02Sa eksklusibong panayam ng GMA Integrated News kay DPWH Secretary Vince Dizon, sinabi ni Dizon na wala pa siyang inu-authenticate na mga dokumento at files kaugnay sa mga posts ni Congressman Leviste.
06:16Ayon kay Dizon, hindi pa niya nakikita ang mga dokumentong ipinopost ni Leviste sa kanyang social media account.
06:23Pero naipasa na anya ng DPWH sa ombudsman ang files at computers ng DPWH alinsunod sa pinadalang sabpina ng ombudsman.
06:35Bahala na anya ang ombudsman na mag-analyze at mag-authenticate ng mga ito.
06:40Sinabi rin ni Dizon na tinawagan siya ni dating DPWH Undersecretary Catalina Cabral noong September para ipagbigay alam na lagpunta sa opisina niya si Leviste.
06:51Humihingi umano si Leviste ng mga dokumento tungkol sa alokasyon at nagpumilit na umanong isave ang files sa kanyang flash drive mula sa computer ng staff ni Cabral.
07:03Gayunman, hindi raw malinaw kay Dizon kung ano ang mga nakuhang dokumento ni Leviste.
07:12For the record, wala akong in-authenticate na dokumento na hawak ni Kong.
07:18Dahil wala akong hindi ko nakikita kung anong sinasabi niyang dokumento.
07:22So, paano ko ma-authenticate yun?
07:25Nagpilit siyang kumuha ng mga files at ginamit pa niya yung computer ng isang staff.
07:34Lahat ito kinikwento sa akin ni Yusek Cabral noong nangyayari.
07:38At pinilit niyang mag-save ng mga files sa kanyang flash drive galing doon sa computer ng isang staff ni Yusek Cabral.
07:46Yun ang nangyayari noong September.
07:48Was he throwing his weight around? Parang ganyan? Parang pinipilit niya yung mga staff?
07:52Yes, that was the impression I got.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended