Skip to playerSkip to main content
  • 6 months ago
Nag-viral ang video mula sa session hall ng Kamara kung saan makikita ang isang kongresista na umano’y nanonood ng e-sabong habang nagkakaboto para sa speakership.

Itinanggi ni AGAP Party-list Rep. Nicanor Briones na nagsasabong siya. Paliwanag niya, tumitingin lamang siya sa video invitation mula sa pamangkin para maging sponsor sa derby, at hindi umano niya alam na kinukunan na pala siya ng video.

Pero ano nga ba ang sinasabi ng batas tungkol sa ganitong insidente? Alamin sa ating Kapuso sa Batas, kasama si Atty. Gaby Concepcion.

Panoorin ang video.

Hosted by the country’s top anchors and hosts, 'Unang Hirit' is a weekday morning show that provides its viewers with a daily dose of news and practical feature stories. Watch it from Monday to Friday, 5:30 AM on GMA Network! Subscribe to youtube.com/gmapublicaffairs for our full episodes.

Category

😹
Fun
Transcript
00:00Nako for sure hooked rin kayo sa issue na to.
00:05Nag-viral nga ang video sa loob ng session hall ng kamera
00:07kung saan isang lalaki ang nanonood sa kanyang cellphone.
00:12Sa social media post ng pahayagang Daily Tribune,
00:16isa raw itong kongresista ang nanonood ng isabong umano
00:20habang nagbobotohan para sa speakership ng kamera.
00:25Pero itinanggin ang viral na kongresista na si Aga Partylist Representative
00:29Dicanor Briones na nagsasabong siya.
00:32Paliwanag niya, may natanggap siyang mensahe mula sa pamangkin niya
00:36na iniimbitahan siyang maging sponsor sa isang derby o sabong.
00:41At yun daw ang pinapanood niya nang kunan siya ng video nang di niya alam.
00:46Sabi pa niya,
00:48Sino ba nang gumawa sa akin noon?
00:51Sino nagvideo at gumawa ng fake news na ako'y nanonood
00:57o nag-online sabong,
01:01eh hindi ko lang kung anong iyong motibo.
01:05Pero tapos na ito,
01:07ako,
01:08pinaliwanag ko lang yung party ko.
01:10Kung ano man ang motibo mo,
01:12pinatatawad na kita.
01:14Ang akin lamang masasabi,
01:16wag mo nang uulitin
01:17dahil baka sa susunod,
01:19eh makakulong ko na.
01:23Ay, forgiven naman pala.
01:25Ano nga bang sinasabi ng batas tungkol dito?
01:28Ask me,
01:29ask Atty. Gaby.
01:30Atty. Gaby.
01:39Atty. Era pa man ang anuman ng vlogging at pagkokontent ngayon.
01:44Kahit saan kayata tumingin,
01:45may nagvideo.
01:47Kailan ba masasabi na may paglabag na sa Data Privacy Act?
01:50Lalo lahat po ba?
01:52Nang mahahagi palimbawa sa vlog,
01:54ay kailangan hingan ng consent bago i-upload.
01:58Well, ayon na mismo sa National Privacy Commission o NPC,
02:02ang pagkuhan ng picture o video at pagpost ito online
02:05na walang consent ng subject ng picture o video na yan,
02:08maaaring maituring na unauthorized processing
02:11ng personal information na isang tao
02:14na ipinagbabawal nga ng Data Privacy Act.
02:17Ito daw ay dahil lalabag ito sa ating right to privacy
02:20na garantisado ng Constitution.
02:22Of course, marami nagsasabi na kapag lumabas ka na
02:25mula sa privacy ng sarili mong pamamahay
02:28at nasa public space ka na,
02:30wala na daw dapat expectation of privacy
02:33dahil you're out in the open.
02:35Pero ayon na nga sa National Privacy Commission,
02:37kahit na nasa public space ka,
02:39ang karapatan o right to privacy ay hindi nawawala.
02:43Lalo na kung ang pinag-uusapan dito
02:45ay hindi lamang ang pagkuhan na iyong litrato,
02:47ngunit lalo na nga kung ito ay mapopost pa talaga sa internet.
02:51At dahil nga ito ay sakop ng Data Privacy Act,
02:54masasabi din na may remedy ang taong subject ng pagpost na ito
02:58na ipabura, ipatigil o ipatakedown ang post na walang permiso.
03:04Ito ay kanyaring maaaring mag-file ng complaint
03:08sa National Privacy Commission.
03:10Of course, kung isang litrato ay may epekto na magmumukha kayong katawa-tawa
03:14o nakakasirang puri o reputasyon ninyo,
03:17maaari din ito maging kaso ng cyber libel
03:20na mas malupit ang penalty
03:21sa ilalim ng anti-cyber crime law natin
03:24kaysa sa ordinaryong libel
03:26sa ilalim ng revised penal code.
03:29Alam naman natin kung gano'ng kasi kabilis at kalawak
03:32ang reach ng internet.
03:33Yet kung may masamang balita o libelous material laban sa inyo,
03:37napakabilis at napakarami din ang makakakita nito.
03:41Of course, sabi nila kung ang focus naman ng picture ninyo
03:45ay yung scenery o kayo at nahagip lang,
03:49eh baka naman daw hindi yan sakop ng data privacy at.
03:52So, it depends.
03:55Attorney halimbawa, gaya sa viral video na nakatalikod
03:59at hindi masyadong makilala sa video ang kinunan ng palihim,
04:03pwede ba itong basta-basta i-upload?
04:05Well, kung ako ang tatanungin ninyo,
04:07kung hindi naman makikilala o ma-identify ang taong nasa video,
04:11eh di wala namang privacy na na-violate
04:13dahil hindi naman kayo nakilala
04:15at hindi nakikilala ang taong pinupuntriya.
04:18Para lamang blind item yan sa mga chismis column.
04:22Kung ito chismis ba na walang pinapangalanan tao,
04:25maaari bang kaso ng libel o paninirampuri?
04:28Walang kaso kung hindi naman malalaman
04:29kung sino ang pinag-chismisan o sinisiraan.
04:33Although palagi nating sinasabi,
04:34eh kahit na blind item pa yan,
04:37kung merong mga clues at madaling malaman ng identity ng tao,
04:41well, pasok pa rin yan, paninirampuri pa rin yan.
04:44Ganun din sa mga litrato o video,
04:46pwede ba itong basta-basta i-upload?
04:48Kung hindi nga naman ma-identify ang tao,
04:49walang masasabing violation ng kanyang right to privacy.
04:53That being said,
04:54gusto ko rin lamang i-emphasize
04:56na kung ang taong involved ay isang pribadong tao,
04:59po, protektahan natin ang kanyang right to privacy
05:02to the max, kumbaga.
05:04Pero kung ang ating mga public at mga government official
05:07ang involved,
05:09palagay ko naman ibang level ang mga yan,
05:11unang-una,
05:12huwag masyadong maging sensitive,
05:14huwag masyadong maging balat si Buyas.
05:16Tandaan po natin,
05:17public office is a public trust,
05:19public office requires transparency.
05:23So kung ang mga litrato ay tungkol sa inyo,
05:25habang kayo ay in the performance of your duties,
05:29huwag masyadong magalit kapag na-i-upload ito.
05:31So medyo mas mababa siguro ang right to privacy
05:34ng mga government officials natin.
05:37Of course, kung ang mga litrato ay tungkol sa totally private matters,
05:40parang ordinary citizen lang dapat siya.
05:43Pero kung konektado to sa kanyang public functions,
05:46sa kanyang ginagawa,
05:48hindi ginagawa,
05:50or hindi tamang paggawa ng trabaho,
05:52well, siguro the public has a right to know.
05:55Diba?
05:56Kung nagsasabong habang nagtatrabaho,
05:58papapainsip ka talaga.
05:59Ang mga usaping batas,
06:01bibigyan po nating linaw
06:02para sa kapayapaan ng pag-iisip.
06:05Huwag magdalawang isip.
06:07Ask me.
06:08Ask Atty. Gabby.
06:11Ikaw, hindi ka pa nakasubscribe sa GMI Public Affairs YouTube channel?
06:15Bakit?
06:16Mag-subscribe ka na dali na
06:18para laging una ka sa mga latest kwento at balita.
06:21I-follow mo na rin ang official social media pages
06:23ng Unang Hirit.
06:25Salamat ka puso.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended