00:00Kasabay ng pagsasagawa kahapon ng Philippine Multi-Sectoral Nutrition Project National Mayor's Forum,
00:06inilunsa din ang Nutrition Leadership and Governance Program na magpapalakas pa sa paghahatid ng dekalidad na servisyong medikal.
00:13Alamin natin ang detalye kay Bien Manalo.
00:17Sa layong labanan ang malnutrisyon at bigyan ng patas na oportunidad ang bawat ina at batang Pilipino
00:25na magkaroon ng malusog na kinabukasan, umarangkada na ngayong araw ang Philippine Multi-Sectoral Nutrition Project National Mayor's Forum
00:33na pinangunahan ng Department of Health katuwang ang iba pang ahensya ng pamahalaan.
00:39Mahigit tatlong daang alkalde mula sa iba't ibang bahagi ng Pilipinas ang nakiisa sa forum.
00:45Sa kanyang talumpati, ipinunto ni Health Secretary Ted Herbosa na ang paglaban sa malnutrisyon ay pawang nakasalalaya,
00:53hindi lamang sa national government, kundi maging sa mga LGU.
00:57As your Secretary of Health, I have witnessed mayors who turn broken systems into working solutions,
01:05who refuse to let poverty dictate destiny.
01:09Mga mahal kong punong bayan, kayo ang tagapagligtas ng ating kinabukasan.
01:15Our goal is to half by 50% the 27% rate of stunting to 13.5%.
01:23Alinsunod na rin ito sa e-point agenda ng Health Department na mabawasan ang stunted children o mga batang bansot sa bansa
01:30at siguruhing healthy ang bawat batang Pilipino.
01:34Expansion of TMNP will put right front and center community-driven development as a platform to end malnutrisyon and to end stunting.
01:45Kabilang naman sa mga pangunahing programang isinusurong ng kagawarana na dapat pagtuunan ng pansin ng mga lokal na pamahalaan,
01:53ang paghahanda sa anumang sakuna at agarang pagresponde sa mga emergency,
01:58pagbabawal ng sigarilyo at babe sa mga pampublikong lugar,
02:01at pagpapatakbo ng mga programa para maiwasan ang pagkabansot at malnutrisyon.
02:06BN Manalo para sa Pambansang TV sa Bagong Pilipinas.