Skip to playerSkip to main content
- Zaldy Co: May mahigit P50-B budget insertions si Rep. Sandro Marcos mula 2023-2025


- Ilang bahay, lumutang at inanod ng baha


- 3 patay, 3 sugatan nang mawalan ng preno ang truck at mang-araro ng mga sasakyan


- Bagyong Verbena, nagdulot ng matinding baha sa Carcar City, Cebu


- #VerbenaPH


- Mt. Pulag experience ni Kylie


- 2 gold at 1 silver medal, naiuwi ng 3 Pinay mula sa International Aerial Arts Competition sa Malaysia


- Harry Roque: Walang umaresto sa akin; Malaya ako 

State of the Nation is a nightly newscast anchored by Atom Araullo. It airs Mondays to Fridays at 11:05 PM (PHL Time) on GTV. For more videos from State of the Nation, visit http://www.gmanews.tv/stateofthenation

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv

Facebook: / gmanews
TikTok: / gmanews
Twitter: / gmanews
Instagram: / gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00State of the Nation
00:06Matapos si Dawid, si Pangulong Marcos, ang anak naman niyang si House Majority Leader Sandro Marcos,
00:21ang isinasangkot ngayon ni dating Congressman Zaldico sa issue ng budget insertions.
00:26Pag-Akosaniko, mahigit 50 billion pesos umano ang ipinasingit ng nakababatang Marcos sa loob ng tatlong taon.
00:34Tinawag ito ni Congressman Marcos sa bahagi ng destabilisasyon.
00:37May report si Tina Panganiban Perez.
00:41Hindi lang po ang Pangulo, si Congressman Sandro Marcos.
00:47Si Presidential Sun at House Majority Leader Sandro Marcos naman ang idinawid sa panibagong video ni dating Congressman Zaldico.
00:56Mula 2023 hanggang 2025, nasa 50.9 billion pesos umano ang kabuang ipinasingit ng nakababatang Marcos sa budget ayon kay ko.
01:07Pinost pa ni ko ang umano'y listahan ng insertions ni Congressman Sandro.
01:12Nalaman ko na lang sa mga kontraktor na galit na galit siya sa akin noong pinag-uusapan na ang 2025 GAA budget.
01:21Ang sabi daw niya, ipatatagal ako at magpafile ng maraming kaso laban sa akin.
01:28Kasi kulang ng 8 billion pesos yung insertion na gusto niyang ipasok.
01:33Ang dahilan daw, may mga kontraktor na nakapag-advance na sa kanya at dahil hindi na ipasok ang buong halaga,
01:42kailangan daw niyang magsauli sa mga yon.
01:44Bago pangalanan si Congressman Sandro, sinabi ni Ko sa una niyang video na may mga opisyal ng gobyerno
01:51na nagpaabot sa kanya ng utos na galing umano kay Pangulong Marcos na magsingit ng 100 billion pesos sa 2025 national budget.
02:00Sa bagong video ni Ko, sinabi ni Ko na direkta niyang nakausap si Pangulong Marcos kaugnay sa budget insertions.
02:08Si Yusef Jojo Cadiz ang nag-ayos ng aming meeting noong March 2025 sa 1201 Aguado Street, tapat ng Malacayang Gate 4.
02:19Pero sa halip na kumalma ang Pangulo, lalos lang siyang nagalit.
02:24Sa halip na itanggi o linawin niya ang tungkol sa 100 billion insertion, pinagsabihan niya kami ni dating Speaker Romualdez
02:34at sa akin mismo, direktsahan niyang sinabi,
02:39Huwag mo akong pigilan sa mga insertions ko. Huwag ka nang makialam sa budget.
02:45Dahil sa mga binitawang salita sa akin ni BBM, naging malinaw sa akin na siya mismo ang nag-utos kila Sekretary Mina Pangandaman
02:56at Yusek Adrian Bersamin na ipasok ang 100 billion pesos worth of projects.
03:03Bago yan, sumulat daw si Ko kay Pangulong Marcos noong February 2025.
03:07Doon ko ay pinaliwanag na ginagawa ko lang ang mga utos niya tungkol sa mga insertions
03:14na sinasabi niyang hindi na raw niya makilala.
03:19Bukod sa 100 billion pesos na insertions, nagpadagdag pa raw ang Pangulo ng 50 billion pesos na halaga ng mga proyekto.
03:27Kinausap ako ni Yusek Jojo Calis at nagsabi, may pinapa-insert ng mga projects ang Pangulo na worth 50 billion pesos.
03:36And sinabi ko kay Yusek Jojo na meron ng instruction kay Sekretary Mina Pangandaman at Yusek Adrian Bersamin
03:44about the 100 billion pesos insertion.
03:47And sabi niya, kakausapin niya ang Pangulo na kung pwede, doon na lang i-charge
03:54ang gusto niya ng 50 billion pesos na insertion.
03:58Ngunit ang sagot ng Pangulo, humingi ka ng bago o dagdag na insertions.
04:04Doon po nakita at naramdaman na hindi pwedeng sabihin ng Pangulo na wala siyang alam sa mga nangyayari
04:14kasi mismong siya ang nagbibigay ng utos.
04:18Pati nga raw sa 2026 budget na tinatalakay ngayon ng Kongreso, may pinasisingit uman ng proyekto ang Pangulo.
04:25At kung titignan ninyo ang 2026 budget, may panibago siyang 97 billion insertions.
04:33Pero ngayon, ipinasok na mismo sa President's Budget or NEP 2026.
04:39Yan po ang kinumpirma ni Secretary Manny Bunuan na may instructions ang Pangulo
04:44na magpasok ng 100 billion ulit sa President's Budget, kaya wala na siyang pwedeng ipangigay.
04:52Ito ay nalaman ko noong May 2025 sa meeting namin kasama si dati Speaker Maldes.
04:59Wala pang pahayag ang palasyo at sibunoan sa mga bagong sinabi ni Ko.
05:04Sabi naman ni Congressman Sandro Marcos, mali at katahang isip ang mga sinabi ni Ko na anya'y bagong kampiyon ng mga DDS.
05:14Inakusahan din niya si Ko na bahagi ng destabilisasyon.
05:18Gusto raw ni Ko na pabagsaki ng kasalukuyang administrasyon para maabswelto sa kanyang mga krimen.
05:24At batay sa intel, nakipagkasundo na si Ko sa mga magbebenepisyo rito.
05:31Dagdag ni Congressman Sandro, tinanggal si Ko bilang House Appropriations Committee Chairperson
05:36hindi dahil sa kapritsyo ng sino mang indibidwal, kundi dahil sa kanyang kasakiman at korupsyon.
05:43Panawagan ng mga babata sa publiko, huwag magpabudol kay Zaldico.
05:49Sabi naman ni Navotas City Representative Toby Tianko,
05:52nalaman ni Pangulong Marcos ang tungkol sa insertion sa 2025 National Budget
05:58kaya pinigilan niya ang mga pondong na flag ng ehekutibo na kaduda-duda.
06:03Nasa 80 bilyong piso nga raw ang hindi na-release sa National Budget
06:07kasunod ng deliberasyon ng bicameral conference committee.
06:12Alam niya yung mga insertions, kasi diba yun ang naging role ko noong Marso eh.
06:16Kasi noong January, diba pinahold lahat.
06:18So yung Senate, binigay ni Lenny Stahan la within 3 days.
06:22Yung House, tatlong buwan na hindi binibigay.
06:25So yun yung nag-inroll ko noong January pag-aralan.
06:27And as of July, as of July 29, after the SONA,
06:33may naka-hold pa dyan ng 80 billion na hindi na talaga ni-release eh.
06:36Kasi yun yung kaduda-duda ang mga proyekto.
06:41Tingin ni Tiyanko, nakagawa pa sana ng hakbang ang Pangulo
06:45para mapigilang mailabas ang iba pang pondong na dawit sa kickback scheme.
06:51Gayet ni Tiyanko, hindi niya pinagtatanggol ang Pangulo
06:54pero kailangan lang daw niya talagang sabihin kung ano ang nangyari.
06:59Tina Panginiban Perez, nagbabalita para sa GMA Integrated News.
07:04Ilang bahay sa Bacolod City ang lumutang at inanood ng baha
07:09sa kasagsagaan ng pananalasa ng Bagyong Verbena.
07:13May live report si Aileen Pedreso ng GMA Regional TV.
07:16Aileen.
07:18Atom, tiis-tiis muna sa mga evacuation centers dito sa Bacolod City
07:22ang mga inilikas dahil sa baha.
07:24Karamihan sa kanila, mga naapektuhan din ng bagyotino.
07:27Tuluyang inanood at lumutang sa baha ang bahay na ito
07:35sa puro konswelo sa barangay Villamonte sa Bacolod City.
07:41Puhaya ng isang residente sa kasagsagan ng pananalasa ng Bagyong Verbena.
07:48Ang bahay naman na ito, wasak at tinangay na rin ng tubig
07:51sa creek malapit sa San Antonio Abad Church.
07:54Sa puro Carvic, kita mula sa loob ng lubog ng bahay
07:59ang lakas ng ragasan ng tubig.
08:02Abot hanggang dibdib ang baha,
08:04kaya di na nakapagsalba ng gamit ang ilang residente.
08:08Halos wala rin na isalba ang ilang binaha sa barangay 40.
08:11Masakit eh.
08:15Wala gigami may na, ano,
08:18haukas kita ng balay naman.
08:19Kung nang bayo, gamit, lamisa, bangko, electric pan, tanan-tanan, wala.
08:27Sa barangay 39, umakyat na sa bubong ang ilang residente dahil sa taas ng baha.
08:34Lampas taon naman ang baha sa ilang bahagi ng barangay Singkang Airport.
08:38Kaya kinakailangan ng gumamit ng rubber boats ang Red Cross
08:42para mailikas ang mga residente.
08:45Ang simbahang ito,
08:46nagmistulang evacuation center.
08:48Dito muna tumuloy ang ilan sa mga nasalanta.
08:50Ayon sa CDRRMO, 26 na barangay sa Bacolod City ang binaha.
09:07Mahigit 2,000 pamilya naman ang apektado.
09:09Pasakit din ang baha sa mga pangunahing kalsada sa Iloilo City.
09:15Napilitan ng sumuong sa baha ang ilang residente para makauwi.
09:18Good life man eh.
09:19Kaya wala ka, ano, wala ang service.
09:23Kung mga commute ka, good life ka man.
09:24Mga gulat ka, jeep.
09:25Para man sa pamilya eh.
09:27Ah, pangadlawadlaw man eh.
09:29Expected, daman nga gawa.
09:30Ma, diper, may tag-ulan.
09:31Ginlaka-tula kayara, malamda, balay na mo.
09:34Dahil sa malakas na ulan,
09:35tumaas na ang level ng tubig sa ilang klik sa lungsod.
09:38Tatlongpong barangay rin ang binaha,
09:40batay sa tala ng LGU.
09:46Atong patuloy ang relief operations ng LGU at DSWD para sa mga evacuees.
09:51Nagsasagawa naman ang clearing operations sa mga kasada na hindi madaanan.
09:55Pinalawig naman ng LGU ang suspensyon ng face-to-face classes sa Bacolod City hanggang bukas.
10:01Yan muna ang latest mula dito.
10:02So, balik sa inyo dyan, Atom.
10:04Ingat at maraming salamat, Aileen Pedreso, ng GMA Regional TV.
10:09Tatlawang nasawi matapos mawala ng preno at mangararo ng mga sasakyan ang isang truck sa Antipolo.
10:16May spot report si Marisol Abduraman.
10:24Banay ng takbo ng mga sasakyan ito habang binabagtas ang sumulong highway sa Antipolo City Rizal kaninang umaga.
10:31Pero pagdating sa old checkpoint, sa barangay Santa Cruz,
10:34inararo ng dalawang truck ang mga sasakyan sa kanang linya
10:41at sumalpok sa poste.
10:45Sa kuha ng CCTV, isang SUV na papatawid sa intersection ang napuruhan.
10:53Damay din ang kasunod nitong motorsiklo.
10:56Sa lakas nag-impact, totally wrecked ang harapan ng truck na ito.
11:00Mistulang nayuping lata ang mga sasakyan.
11:02Ang mga motorsiklo nagkanda pirapiraso.
11:05Ang posing binanga na buwal at tinanggal kalaunan.
11:09Patay ang rider na binanga ng truck.
11:11Nagkuna po siya ng severe blood loss.
11:13Panagutan nila yung nangyari sa papa ko po.
11:16Dead on arrival naman ang driver ng truck
11:18habang sugatan ang kanyang pahinante
11:20na nakatalon bago sumalpok ang truck sa poste.
11:23Mayroon po siyang tinamong maabrasyon sa lower extremities.
11:28Unlike naman ang first patient siya, okay naman siya.
11:32Nakakalakad.
11:32Sa kabuuan, tatlo ang patay at tatlo ang sugatan sa aksidente
11:37na nagugat daw nang mawala ng preno ang truck na may kargang buhangin.
11:41Nagbusina na po siya.
11:42Narinig po nung kasamahan niyang truck na nasa unahan.
11:46Na yun nga po, emergency, ano na po yung ganong pagbubusina na sunod-sunod.
11:51Ang ginawa po nung kasamahan niyang driver na truck din,
11:54huminto po siya para malesin po yung impact.
11:58Kaso nga lang po.
11:59Sabihin, para siya nalang magkain?
12:00Yes po.
12:01Pero nagtuloy-tuloy daw na dumaos-dos ang dalawang truck.
12:05Nag-full brake din po siya.
12:07Kaso hindi po talaga kinaya.
12:09Loaded po silang dalaw eh.
12:11Loaded po sila ng buhangin, ma'am eh.
12:14At tas, pababa din po yung kalsada.
12:16May possibility po na ganun po.
12:18Nag-lose brake, ma'am.
12:19Isa pong factor po din, ma'am, madulas po yung daan.
12:22Para sa Automobile Association of the Philippines,
12:25may mga pagkakataong posibleng mawala ng preno ang mga sasakyan.
12:28Pero, maaari naman daw ma-mitigate ang pinsala kung alam ng driver ang dapat gawin.
12:33Dapat ang ginawa nung nasa driver sa unahan,
12:36bumusina para yung mga tao nasa unahan,
12:39tumabi.
12:40Imbis na sinalo niya yung truck sa likod.
12:42So, ang nangyari, parang dalawang truck yung sumagata sa mga tao.
12:46Wala ko dapat.
12:47Ang magiging dapat na reaction na lang ng driver para mamitigate.
12:52O, pag-aanap siya ng paraan para mabawasan yung mapapatay niya.
12:57Sa totoo na, masakit ng pakinggan, ano?
13:00Kasi titili na yan.
13:01Kung alibawa,
13:02hiyang pasinta pa din sa unit on sada para tumigil.
13:06Marisol Abduraman,
13:09nagbabalita para sa GMA Integrated News.
13:12Ilang bahagi ng Cebu ang nalubog sa baha dahil sa Bagyong Verbena.
13:17Libo-libong pasahero naman ang stranded sa Batangasport matapos kansalahin ang mga biyahe.
13:23May report si Femery Dumabok ng GMA Regional TV.
13:30Rumagasa ang matinding baha sa barangay Poblasyon, Cacar City, Cebu.
13:36Umapaw ang tubig sa Nilias Bridge na nagpabaha sa National Highway.
13:40Nalubog din sa baha ang malaking bahagi ng Poblasyon 2.
13:44Kabilang ang Cebu Provincial Hospital,
13:46isang 18-anyos na lalaki naman ang nalunod.
13:49Sa datos ng Cacar City DRRMO,
13:52mahigit sandaang pamilya,
13:54katumbas ng mahigit 400 individual,
13:56ang apektado ng baha.
13:58Nakatulong daw sa zero casualty and injury
14:00ang ipinatupad na pre-emptive evacuation.
14:03Umapaw naman ang Santa Ana River sa bayan ng Barili.
14:07Apektado ang mahigit isandaang pamilya
14:09mula sa anim na barangay.
14:10Sa barangay San Rafael,
14:12inano ng ilang sasakyan.
14:17Isang lalaking senior citizen
14:19ang nawalan ng balanse
14:20at nahulog sa Pacuan River.
14:22Nangunguha raw noon ng panggatong
14:24ang biktima ng tangayin ng Agos.
14:26Patuloy siyang hinahanap.
14:28Naramdaman din ang epekto ng bagyong verbena
14:30sa Cortez Buhol.
14:32Maging sa mga bayan ng tubigod,
14:34loon at maribuhok.
14:35Stranded naman sa Batangas Port,
14:37ang mahigit sanlibong pasahero
14:39at mahigit sandaang sasakyan.
14:41Kinansila ng Philippine Coast Guard
14:43ang lahat ng biyahing pandagat
14:44bilang pag-iingat sa bagyo.
14:49Bumuhos din ang malakas na ulan
14:51sa Victoria Oriental, Mindoro.
14:52Kaya pinagbawalan na rin
14:54ang pagbiyahin ng mga sasakyang pandagat
14:56sa mga pantalan doon.
14:58Femarie, dumabok ng GEMI Regional TV.
15:01Nagbabalita para sa GEMI Integrated News.
15:04Inaasahang magla-landfall
15:06sa ikapitong pagkakataon
15:08ng Bagyong Verbena
15:09sa northern portion ng Palawan
15:11ngayong gabi.
15:12Sa 11pm bulitin ng pag-asa,
15:14nakataas ang signal number 2
15:16sa Kalamian Islands
15:17at extreme northern portion
15:19ng mainland Palawan.
15:21Signal number 1 naman
15:22sa Occidental Mindoro,
15:24Oriental Mindoro,
15:25southern portion ng Romblon,
15:27northern at central portions ng Palawan,
15:29kabilang Angcuyo
15:30at Cagayansilio Islands.
15:32Huling namataan ang sentro ng bagyo
15:35sa karagatang sakop
15:36ng Linapakan, Palawan.
15:38May lakas ng hangi nga abot
15:39sa 75 kmph
15:41at buksong nga abot
15:42sa 105 kmph.
15:45Patuloy itong kumikilos
15:46pa northwest
15:47sa bilis na 15 kmph.
15:50Sa forecast track ng pag-asa,
15:52posibleng nasa West Philippine Sina
15:54ang bagyo bukas
15:54at maaaring makalabas na
15:56ng par sa Huwebes.
15:58Bukod sa bagyo,
16:00nagpapaulan din ang shear line
16:01o yung salubungan
16:03ng malamig na amihan
16:04at mainit na hangin
16:05galing sa Pacific Ocean.
16:11Inumaga na ang pagbabalikbansa
16:12ni Miss Universe 3rd runner-up
16:14Atisa Manalo,
16:15pero mainit pa rin siyang
16:17sinalubong ng fans.
16:18Thank you, thank you.
16:19Lalo sa mga nandito,
16:20umaga na.
16:21Salamat sa paghihintayin nyo
16:23kahit naso ka.
16:24Na-achieve na rao ni Atisa
16:26ang kanyang ultimate destination
16:27sa pageant industry.
16:28Ito na rao ang huling pageant niya
16:31matapos ang 18-year journey
16:33bilang kontesera.
16:34Kaya nang tanungin sa sentiment
16:36ng netizens tungkol sa resulta
16:38ng pageant.
16:39Whatever the result is,
16:40we have to accept it.
16:41That's what the organization
16:42announced out there.
16:46Ako mahilig ako mag-hike talaga.
16:48Kylie Padilla may very surreal
16:51and out-of-this-world experience
16:52sa Mount Pulag.
16:54All smiles ang Encantadia star
16:56sa gypsy top-load ride.
16:58Sa mahabang lakaran
16:59sa kabila ng malakas na hangin
17:01at ulan.
17:02Siyempre malakas!
17:04Yan yung palaban natin.
17:05At sa pag-abot sa summit
17:07kahit makapalang fog.
17:09Athena Imperial
17:10nagbabalita
17:11para sa
17:12GMA Integrated News.
17:13Tatlong Pinay
17:18ang nag-uwin ng medalya
17:19sa isang
17:20International Aerial Arts Competition.
17:22Ang kanilang winning performance
17:24pusuan sa report.
17:25Di Sandra Aguinaldo.
17:31Tatlong Pinay
17:32ang literal na umangat
17:33sa katatapos na
17:34International Aerial Arts Competition
17:36sa Malaysia.
17:37Dito nagtagisan
17:39ang mga aerialist
17:40mula Taiwan,
17:41Russia,
17:42Malaysia,
17:42Thailand,
17:43Japan,
17:44Vietnam,
17:44Hong Kong,
17:45at Pilipinas.
17:46Nakakuha ng gold
17:47at best in choreography
17:48sa aerial hoop
17:50amateur category
17:51ang OFW
17:53na si Juana Batyoko.
17:55Happy lang ako
17:55nag-perform.
17:56Ganon.
17:57And then I din
17:57expect na
17:58makakagold pa
17:59nung tinawag yung name ko.
18:00Nakakuha rin ng gold
18:02sa professional
18:02open category
18:03aerial moon
18:05ang isa pang Pinay
18:06na si Bernadette Carpio
18:07at si Earl Ravenjoy
18:09Pardiglia,
18:10silver medalist
18:11sa aerial hoop
18:11amateur category.
18:13Dalawang buwan lang daw
18:14ang naging preparasyon nila
18:16pero araw-araw daw silang
18:17nage-ensayo sa bar
18:19kung saan sila
18:20nagtatrabaho.
18:21Nag-umabawantuan nila
18:23sa pagkakataong maitaas
18:24ang watawat ng Pilipinas
18:26sa international stage.
18:29Sandra Aguinaldo
18:30nagbabalita
18:31para sa
18:31GMA Integrated News.
18:33Bago ngayong gabi
18:37fake news
18:38ayon kay dating
18:39presidential spokesman
18:40Harry Roque
18:41ang mga balitang
18:42na-aresto na siya.
18:44Sa panayam
18:45ng Maharlika
18:46kay Roque
18:46sinabi niyang
18:47walang umaresto
18:48sa kanya
18:49at malaya raw siya.
18:51Sa Europa raw
18:52ay may rule
18:53na kung anong bansa
18:54ang nag-issue ng visa
18:55ay siya
18:56ang poprotekta sa iyo.
18:57Sa kanyang kaso
18:58Austria raw
18:59ang nagbigay
19:00ng kanyang visa
19:01kaya raw nag-desisyon
19:03ng The Netherlands
19:04na dapat Austria
19:05ang magbigay
19:06sa kanya ng proteksyon.
19:09At yan po ang
19:10State of the Nation
19:11para sa mas malaking misyon
19:13at para sa mas malawak
19:14na paglilingkod sa bayan.
19:16Ako si Atom Araulio
19:17mula sa GMA Integrated News
19:19ang News Authority
19:20ng Pilipino.
19:22Huwag magpahuli
19:23sa mga balitang
19:24dapat niyong malaman.
19:25Mag-subscribe na
19:26sa GMA Integrated News
19:28sa YouTube.
19:31Go
19:34TV
19:352020
19:372019
19:37ются
19:38School
19:38
19:39ival
19:40eeeees
19:40Co
19:42Co
19:44Co
19:44Co
19:45Co
19:47Co
19:48Co
19:50Co
19:51Co
19:51Co
19:53Co
19:53Co
19:55Co
19:59Co
20:00Co
20:00Co
20:00Co
20:01Co
20:01Co
20:01Co
Be the first to comment
Add your comment

Recommended