00:00Nababahala ang Health Department kasunod ng pabata ng pabata na tinatamaan ng sakit na HIV.
00:09Kaya naman, puspusad na ang mga akbang para ito'y matugunan.
00:13Gaya na lang ng libre anti-retroviral drugs at mas mabilis na pagpapaskedule para sa konsultasyon.
00:22Si Bien Manalo sa Sentro ng Balita.
00:27Kailangan na, now na, kailangan na.
00:29Ito ang tugon ni Health Department Secretary Ted Herbosa sa mungkahing gawin ng National Public Health Emergency ang HIV
00:37dahil sa patuloy na paglobo ng kaso nito sa Pilipinas na tumaas pa ng mahigit 500% sa nakalipas na 15 taon.
00:46Ang nakakabahala rito, pabata ng pabata ang tinatamaan nito.
00:50Karamihan sa mga naiulat na nagkaroon ng HIV ay pawang mga kabataan edad 15 hanggang 25 taong gulanga,
00:58habang labing dalawang taong gulang naman ang pinakabatang na-diagnosa na may HIV mula sa probinsya ng Palawan.
01:05We have to act, we have to work, we have to keep educating people, we have to keep testing people,
01:11we have to give ARVs to those that are living with HIV, we have to talk to, ano, deaf ed.
01:17Dahil dito, pinaigting pa ng Department of Health ang pagbibigay ng libring antiretroviral drugs para sa mga person living with HIV.
01:25Maaaring na rin magpaschedule ng antiretroviral medicine refill ang mga PLHIV sa San Lazaro Hospital na isa sa pangunahing treatment center sa Metro Manila
01:35sa pamamagitan yan ng patient appointment system o PASA.
01:40Layo nito, napabilisin ang pagpapaschedule ng konsultasyon.
01:44Mas mahihikayat din ang mga PLHIV na regular na magpa-check up, maging maayos at tuloy-tuloy ang pag-inom ng gamot.
01:51Gamit lamang ang iyong cellphone o computer, maaaring ka nang mag-book ng appointment online.
01:57Bisitahin lang ang website ng patient appointment system.
02:01Kasama sa konsultasyon ang pre- at post-counseling para gabayan ang mga pasyente sa kanilang pagpapagamota.
02:07Buko dito, maaaring na rin magpa-appointment para sa libring screening.
02:12Sa ngayon, aabot na sa halos 3,000 PLHIV ang tumatanggap ng antiretroviral therapy sa San Lazaro Hospital.
02:20Aabot naman sa 200 hanggang 300 pasyente ang nagpapakonsulta sa San Lazaro Hospital HIV AIDS Department kada araw.
02:29Karaniwang umaabot sa mahigit 1,000 piso ang presyo nito kung bibilihin sa butika.
02:34Pero sa San Lazaro Hospital, libre itong ibinibigay para sa mga enrolled patient.
02:39That entails a whole-of-government approach to the problem of 500% increase ng new cases of HIV.
02:47So meron ng executive order in the Philippine National AIDS Council that controls yung mga programa sa HIV.
02:54That's why I'm suggesting a declaration of public health emergency of national concern.
03:01BN Manalo para sa Pambansang TV sa Bagong Pilipinas.