00:00Mas binigyan din ng Administrasyon ni Pangulong Ferdinand R. Marquez Jr.
00:04ang pagpapahalaga sa mga kontribusyon ng healthcare workers sa bansa.
00:08Ito'y matapos aprobahan ng Department of Budget and Management
00:11ang dagdag na pondo para sa kanilang Health Emergency Allowance.
00:16Karagdagang 6.7 billion pesos na pondo para sa naturang beneficyo ng mga kwalifikadong health
00:22and non-healthcare worker ang inaprobahan ng DBM.
00:25Ay linsunod ang mga hakbang na ito sa Direktiba ng Pangulo na bayaran na
00:30ang balanse ng Health Emergency Benefits and Allowances Claims mula 2021 hanggang 2023.
00:37Sakop ng nasabing pondo ang may kabuang 1,411,546 na claims mula sa LGUs,
00:45private health facilities, state universities at iba pang institusyon.
00:49Ang pagre-release ng special allotment order ay para sa Department of Health
00:54na nagpapahalaga o nagbibigay pagpapahalaga sa sakripisyo ng healthcare at non-healthcare workers
01:01lalo noong panahon ng pandemya.
01:03Noong 2024 ay naglabas na rin ng 1,21.3 billion pesos ang DBM para sa Health Emergency Allowance.
01:11Nagpasalamat naman ang Department of Health sa DBM para sa maagap na tugon at pagrelease ng karagdagang budget.