00:00Nagpasalamat naman ang Department of Health sa Department of Budget and Management
00:03dahil sa inilabas nitong SARO o Special Allotment Release Order
00:08na nagkakahalaga ng 6.767 billion pesos.
00:13Ayon kay Health Secretary Ted Herbosa,
00:16ibibigay ang pondong ito sa mga healthcare workers
00:19na may natitira pang balanse o kulang pa ang natanggap ng health emergency allowance.
00:24Tiniyak naman ni Herbosa na makukuha agad
00:27ng mga healthcare workers ang kanilang health emergency allowance
00:30basta't sila ay nakarehistro.
00:33Pinaalalahanan din ni Herbosa ang mga local government units
00:36at mga pribadong ospital na ibigay agad sa mga healthcare workers
00:40ang kanilang allowance sa sandaling matanggap na nila ang pondong mula sa DOH.
00:46Ang HEA ay isang uri ng benepisyo na ibinibigay ng gobyerno
00:51sa mga healthcare workers na nagtrabaho noong panahon ng pandemic.