00:00Nako, mabala po. Sensitibo ang mapapanood niyong video.
00:06Yan po ang huling sandali sa ospital ng isang 31-anyos na lalaki sa Laguna na nasawi dahil sa rabies.
00:15Nakunan ang video ng kanyang asawa ang lalaki na nagpupumiglas, naglalaway at nanlilisik ang mga mata.
00:23Isa pa raw sa mga sintomas na naranasan ay hirap sa paghinga.
00:28Nakukuha raw ng lalaki ang rabies virus mula sa isang aso na katali sa labas ng bahay ng kapatid niya sa Cavite.
00:36Pero August 2024 pa nakagat ang biktima.
00:40Nakapagbakuna agad ang lalaki pero hindi niya ito nakumpleto.
00:46Ano nga ba ang sinasabi ng batas tungkol dito?
00:49Ask Me, Ask Attorney Gabby.
00:58Attorney, ano po ba ang pananagutan sakaling magkaroon ng rabies ang alaga mo at makakagat ito?
01:04Nako.
01:05Ngayon pa lang, i-check nyo na po ang Republic Act 9482 o ang Anti-Rabies Act of 2007 dahil very specific ang mga responsibilidad ninyo bilang isang pet owner
01:17at kung ano ang mga dapat gawin in case na makakagat ang inyong alaga ng ibang tao.
01:24At walang kaduda-duda sa ilalim ng paragraph F ng section 5 ng batas na ito,
01:29klaro po na pananagutan ninyo ang lahat ng medical expenses ng biktima
01:34and all other incidental expenses dahil sa pagkakagat nito ng ibang tao.
01:41At kailangan nyo ang assistihan ang biktima immediately.
01:44Hindi excuse na, naku, hindi kasalanan ng aso ko yan.
01:48Kailangan tulungan nyo agad ang biktimang nakagat ng aso ninyo.
01:52Kailangan nyo rin i-report within 24 hours sa mga barangay officials sa limbawa
01:58kung nakakagat ang aso ninyo para ito maobserbahan either by a private veterinarian or ng government veterinarian.
02:06Kapag hindi nyo pinaobserbahan ang aso ninyo, may fine po yan na 10,000 pesos.
02:11Kung ayaw nyo bayaran ang medical expenses ng biktima dahil nga ito ay responsibilidad ninyo,
02:18may dagdag na fine na 25,000 pesos.
02:22At marami talagang responsibilidad ng isang pet owner, unang-una,
02:25dapat rehistrado ang aso ninyo.
02:28This is mandatory at dapat regularly vaccinated ang aso sa rabies
02:33at may registration card na kunsaan nakatala lahat ng bakuna
02:38na madaling maipakita kung kinakailangan.
02:41Para din sa protection nyo yan, para may ebidensya kayo na bakunado ang aso ninyo
02:46at may penalty agad pag ang isang aso ay hindi rehistrado at vaccinated against rabies.
02:52May fine na 2,000 pesos.
02:54Pangalawa, dapat kontrolado ninyo ang aso ninyo at all times.
02:58Hindi ito pwedeng palaboy-laboy sa mga kalye nang walang leash o tale.
03:03Hindi excuse na, ay, train ko naman ang aso ko, hindi yan kakagat.
03:07Dahil pag ito ay nakakagat o nang habol ng ibang tao at nada pa ang hinabol niya,
03:13nakupananagutan nyo rin po yan.
03:15Kailangan nyo bayaran at may fine na 500 pesos pag nahuling gumagala ang aso ninyo
03:21nang walang leash o tale.
03:23Attorney, ano man po ang habol ng biktima sakaling makagat ng alaga ng iba?
03:30Lahat po ng expenses ng pagpapagamot at pagbakuna laban sa rabies ay mahahabol.
03:36Pati na rin ang incidental expenses, hindi nakapagtrabaho halimbawa dahil sa insidente na ko.
03:42Dapat siguro ay i-compensate ang biktima for lost income.
03:47Hinabol ng aso, hindi lang nakagat, nahulog o nadapadin at nabalian,
03:52sagot nyo rin ang lahat ng expenses ng pagpapatreat at pagpapamedical expenses niyan.
03:59Kailangan mag-ospital, sagot nyo rin yan.
04:01Dahil hindi naman malalagay sa ganyang kondisyon kung hindi dahil sa inyong pagpapabaya
04:06at hindi paggawa ng responsibilidad bilang isang dog owner.
04:10Actually, kahit wala tayong Anti-Rabies Act,
04:13yun naman po talaga ang general rule sa ilamin ng Article 2183 of the Civil Code of the Philippines
04:19at sinabi rito na ang lahat ng possessor ng isang animal.
04:24Take note, not necessarily yung may-ari,
04:27pero kung nasa inyo ang possession or control ng isang animal o yung aso,
04:33papanagutan ninyo ang lahat ng damage na gagawin nito.
04:36Kahit na ito ay nakakawala o nawawala.
04:39Sabi lang din ang article na ito, walang liabilidad kung ang damage ay dahil sa kasalanan ng tao na nasaktan.
04:46So kung ang aso ay nasa loob ng kulungan na at ikaw ang kayo, yung biktima,
04:51nagpasok ng kamay sa loob, sabi ng Civil Code, hindi ito kasalanan ng may-ari.
04:56Pero dahil sa Anti-Rabies Law, kahit na nasa loob ng kulungan ng aso,
04:59pinasok ang kamay ng biktima, pero hindi bakunado ang aso,
05:04kailangan yung panagutan nito dahil ito nga ay labag sa Anti-Rabies Law
05:09na mandatory ang pagpapabakuna ng kanyang alaga.
05:13At take note, hindi lang yung rabies na yan, kahit pumadilaan kayo ng pusa o aso,
05:19basta may open wound, ay naku, baka doon din manggaling ang sakit na yan.
05:24In any case, di naman ako doktor.
05:25Pero sa mga usaping batas, bibigyan po nating linaw para sa kapayapaan ng pag-iisip,
05:32huwag magdalawang isip, Ask Me, Ask Atty.
Comments