Skip to playerSkip to main content
  • 10 hours ago
Narito ang mga nangungunang balita ngayong May 29, 2026

- Sen. Padilla, sinampahan ng PNP-CIDG ng reklamong obstruction of justice dahil sa pagtulong umano kay Sen. Dela Rosa na makaalis ng Senado noong May 14 | PNP-CIDG, iginiit na may dala silang arrest warrant noong pumunta sa 4 na lugar na pinaniniwalaang pinagtataguan ni Sen. Dela Rosa | PNP, patuloy sa paghahanap kay Sen. Dela Rosa para isilbi ang ICC arrest warrant | Order of revocation para sa lisensiya ng mga baril ni Sen. Dela Rosa, isinilbi ng PNP

- Deadline kay VP Duterte para sumagot sa summons ng impeachment court, sa June 1 na

- Ikaanim na labi, narekober sa gumuhong gusali sa Brgy. Balibago | May-ari at contractor ng gumuhong gusali, nakipag-ugnayan na sa Angeles City LGU

- Presyo sa Commonwealth Market: Manok - tumaas; baboy - bumaba; gulay - walang paggalaw

- Mga kasunduan tungkol sa depensa, buwis, pamumuhunan, agrikultura, at iba pa, nilagdaan ng Pilipinas at Japan | ASEAN Chairmanship ng Pilipinas ngayong taon at kandidatura sa non-permanent seat sa U.N. Security Council, suportado ng Japan | PBBM: Hindi lang kaibigan, kundi katuwang at kakampi ng Pilipinas ang Japan | Mga proyekto kaugnay sa modernization, healthcare, at iba pa, pinag-usapan ni PBBM at presidente ng JICA | P56.3B investment para sa electronics at ship building sa Pilipinas, resulta ng business meetings ni PBBM sa Japan kahapon | Mga kasunduan kaugnay sa artificial intelligence, digital marketing, at iba pa, nilagdaan ng mga pribadong kompanya


Unang Balita is the news segment of GMA Network's daily morning program, Unang Hirit. It's anchored by Arnold Clavio, Susan Enriquez, Ivan Mayrina, and Mariz Umali, and airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 5:30 AM (PHL Time).


For more videos from Unang Balita, visit http://www.gmanetwork.com/unangbalita. For Kapuso abroad, subscribe to GMA Pinoy TV (http://www.gmapinoytv.com/) for GMA programs.

Category

🗞
News
Transcript
00:00Indigenous Englishこ
00:07nga mga nangunan balita ngayong Biyernes. Dalawang
00:16linggo na mula nang makohana ng CCTV sina Sen.
00:19Bato de la Rosa at Sen. Robin Padilla noong umalis
00:23sa Senado. Ang makuha
00:24ng CCTV ang naging basehan ng PNPC-IDG
00:27Sa in-refer nitong reklamong obstruction of justice sa Department of Justice,
00:32pangunahin sa kanilang inirecommendang kasuhan ay si Sen. Robin Padilla.
00:37Kinumpirma ni Prosecutor General Richard Padulion na nakuha na nilang reklamo ng CIDG bago mag-alas 5 ng hapon.
00:44By indispensable cooperation, it will not happen without him.
00:48Ayon sa CIDG, kabilang din sa pinakakasuhan ang babaeng security officer ni Padilla na nakunan din sa CCTV.
00:55Hindi po yun incidental. It's not a mere hitch ride. It is plano, well-planned, well-coordinated kasi may backup
01:09vehicle pa.
01:10Gayon din ang isang pinsa ni Padilla na may-ari umano ng pickup na nagsilbing backup vehicle sa pag-alis
01:16na De La Rosa.
01:17Do you know kung ano ang dahilan kung bakit nagkakaroon ng backup? It will serve, to serve a security and
01:24ensure na makaalis yung main vehicle.
01:29Hindi rin daw iisang backup vehicle noong gabing yun, pero hindi na nagbigay ng detalya ang CIDG.
01:35Sinusubukan pa rin ng GMA News na makuha ang panig ng kampo ng mga pinakakasuhan.
01:39Ayon sa source ng GMA News, pitong personalidad ang pinakakasuhan ng CIDG, kabilang ang isang babaeng staff ni Padilla, isang
01:47kaanak ng Senador, at apat na John at Jane Doe.
01:51Iginit naman ni Major General Morico na merong hawak na warrant of arrest para kay De La Rosa ang mga
01:57operatibang nagpunta sa apat na lokasyon kung saan pinaniniwala ang naroon ng Senador, taliwa sa sinabi ng asawa ni De
02:03La Rosa na si Nancy.
02:04We have our warrant of arrest na pinakita namin if it's needed and very cooperative naman po yung local officials
02:13doon and the owners of the house.
02:17Yes, it's an ICC warrant.
02:18Sa isang post sa social media, pinakita ng asawa ni Senador De La Rosa na may mga polis mobile sa
02:24ancestral home ng Senador sa Davao del Sur.
02:27Sabay-sabing siguruhin daw na lahat ng ginagawa ng mga otoridad ay naayon sa batas dahil kung hindi, dasal daw
02:34niyang mag-self-destruct na sila.
02:36Sa isang text message, sinabi ni DILG Secretary John Vic Remulia na tingin daw niya ang presensya ng mga polis
02:43doon ay para ma-recover ang mga baril ni Senador De La Rosa na kinansila na ang mga lisensya at
02:48hindi opisyal na paghahanap sa Senador.
02:51Armed and dangerous daw na may tuturing ng mga otoridad si Senador Bato De La Rosa.
02:55Pero paniniguro ng PNP hindi nito mababago ang rules of engagement nila sa pag-aresto sa isang taong pinagahanap ng
03:03batas.
03:03It's obvious that he's armed, 117, but it does not change that the PNP will seek all peaceful means of
03:12apprehending Senador Bato De La Rosa.
03:14What will change if he ever will be considered as armed and dangerous is yung ating preparedness, tactical preparedness, as
03:22well as the number of personnel that will be deployed in apprehending Senador Bato De La Rosa.
03:26Ayon sa PNP Regional Office 11, naiserve na ang order of revocation para sa mga baril ni De La Rosa.
03:33Sabi ng abogado ni De La Rosa, maghahain sila ng motion for reconsideration para rito.
03:38Senador De La Rosa has not been convicted of anything here in the Philippines and there is no Philippine court
03:46which issued any order against him.
03:48So to our humble mind, baka nagkamali lang yung PNP.
03:54Ito ang unang balita. Marise O'Malley, GMA News.
04:12Sa lunes, June 1, ang deadline ng kampo ni Vice President Sara Duterte para sumagot sa summons ng Senate Impeachment
04:19Court.
04:19Sa summons, pinaharap ang Vice Presidente sa Senate Impeachment Court at pinasasagot sa apat na Articles of Impeachment.
04:27Kapag sumagot na ang Vice, bibigyan naman ng limang araw ang House Prosecution Team para tumugon.
04:34Mula May 2 hanggang 15, may travel authority ang Vice na bumiyay sa The Netherlands, South Korea, Belgium, Germany at
04:42United Kingdom.
04:43Wala pa abiso ang kanyang tanggapan kung nakabalik na siya sa bansa.
04:48Nakahamba si House Prosecutor Lord Dan Suwan na baka maapektuhan ang impeachment trial ngayong may tensyon sa pagitan ng Senate
04:55Majority at Minority.
04:57Nauwi sa walkout nitong martes ang pagtutol ng Senate Minority sa motion payagan dumalo sa sesyon via online ng mga
05:05senador.
05:06Tutol din ang ilang miyembro ng House Prosecution Team na payagan dumalo online, ang Senate Judges sa paglilitis kay BP
05:14Duterte.
05:18Nakipagugnayan na sa Angeles City LGU ang may ari at contractor ng gumungusali sa barangay Balibago.
05:24Samantala, isang katawan pa ang na-recover sa buho kanina madaling araw.
05:28Live mula sa Angeles Pampanga, may unang dalita si Bea Pinla.
05:32Bea, na kuha na yung sa pangbangkay?
05:38Yes, Maris, mag-aalauna kaninang madaling araw nang maretrieve ang isa pang bangkay mula sa gumungusali dito sa Angeles City,
05:45Pampanga.
05:46Ito na po yung ika-anim na kumpirmadong nasawi sa pagguho.
05:53Sa ilalim ng makapal at mabigat na tipak ng semento at iba pang debris,
05:58natunton ang isa pang biktima ng pagguho ng gusali sa barangay Balibago, Angeles, Pampanga, bandang alas 9 kagabi.
06:04Meron po silang naaamoy ng panibagong ano, kaya stop operation na naman po at kailangan nilang pasukan ulit at i
06:13-search and rescue po yung biktima.
06:14Pahirapan ang pagkuha sa biktima mula sa patong-patong na debris.
06:19Gumamit ng iba-ibang aparato ang rescue team.
06:21Mag-aalauna kaninang madaling araw, naretrieve ang katawan.
06:25Ito ang ika-anim na kumpirmadong namatay sa trahedya.
06:28Itinurn over ang bangkay sa City Health Office para maproseso at makilala.
06:32Sa huling tala ng mga otoridad, may labing apat pang pinaniniwala ang natabunan ng guho.
06:37Basa yan sa listahan ng forma ng gusali.
06:39Hindi pa kasama sa bilang ang mga iba pang posibling na damay sa disgrasya.
06:44Panawagan ko lang po eh, sana po masagip sila at buhay po sila.
06:47Hindi pa rin po kami nawawalan ng pag-aasan. Kung buhay sila eh, mas maayos.
06:53Ayon sa Angeles LGU, nakipag-ugnayan na sa kanila ang may-ari at kontraktor ng gumuhong gusali
06:58na Golden Years Construction at Steelworks Corporation.
07:02Galing pa umano sila sa Japan, kaya natagalan bago harapin ang lokal na pamahalaan.
07:07Sa ngayon, nakipag-ugnayan na po sila sa atin at nagpahayag po sila ng suporta para kung ano man kakailanganin
07:15natin,
07:15mga dokumento, permits, reports, o ano man mga kaugnayan dito po sa trahedyang nangyari, makikipagtulungan po sila sa atin.
07:26Nakatakda rin daw humarap sa publiko ang may-ari at kontraktor ng gumuhong gusali.
07:30Para po, ilatag ko po sa inyo ang mga may-ari at mismo ang kontraktor na naging bahagi po ng
07:39trahedyang ito.
07:40At ina-assure ko po ang publiko na magkakaroon ng katarungan at malalaman din po natin ang katotohanan sa trahedyang
07:50ito.
07:57Maris, tuloy-tuloy pa rin ang search, rescue, retrieval at clearing operations na ginagawa dito sa gumuhong gusali.
08:03Yan ang unang balita mula rito sa Angeles, Pampanga.
08:06Bea Pinlock, GMA News.
08:18Ilang araw na lang, balik ka eskwela na.
08:21Dumidiskarte na sa budget ng ilang magulang para sa abot kaya at masustansyong baon ng kanilang mga anak.
08:26Live mula sa Quezon City, may unang balita sa James Agustin.
08:30James, good morning.
08:36Maris, good morning. Ngayon pa lamang ay pinagahandaan na ng mga nakausap kong magulang dito sa Commonwealth Market sa Quezon
08:41City.
08:42Kung ano ba yung mga ipapabao nilang pagkain sa kanilang mga anak sa darating na pasukan.
08:46Ang good news para sa mga kapuso nating consumer ay bumaba ang presyo ng karneng baboy at stable po yung
08:52presyo ng mga gulay habang bahagyang tumaas ang presyo ng manok.
09:00Bunsong anak na lang ni Jasmine na nag-aaral na grade 9 na sa darating na pasukan.
09:04Ngayon pa lang pinagahandaan na niya ang listahan ng mga pagkaing ipapabaon sa anak.
09:08Pagkatapos noong last year nilang pasukan, araw-araw po nagtatabi po kasi yung asawa ko ng yung coins na 20.
09:15Para pagdating na pasukan, hindi kami mabigla.
09:17Ano ko karno yung pinababaon nyo sa anak niya?
09:31Araw-araw din nagbabaon ng pagkain ng dalawang anak ni Ethel na grade 4 at grade 9 na sa darating
09:36na school year.
09:37Sinisiguro rao niya na masustansyang pagkain ng baon ng kanyang mga anak.
09:41Ano lang naman binabaon nila ay pagkain talaga.
09:43Hindi ako nagpapabaon ng pera sa mga anak o para di sila masanay sa pera.
09:56Sa commonwealth market sa Quezon City, bagyong tumasang presyo ng manok.
10:00180 pesos hanggang 190 pesos per kilo depende sa parte ng manok.
10:04Habang ang buong manok ay 170 pesos per kilo.
10:07Pag tumatas ang manok, wala masyadong, lalo ngayong pasukan, wala masyadong bumibili.
10:14Wala, matumal kami ngayon.
10:16Matas kasi ang manok ngayon sa, kuha daw nila sa farm eh.
10:19Bumaba naman ang presyo ng karneng baboy.
10:21Mabibili ang laman gaya ng pork chop at kasim sa 300 pesos per kilo.
10:25360 pesos per kilo ang liyempo, habang 280 pesos per kilo ang pata at buto-buto.
10:30Stable naman ang presyo ng gulay.
10:32Mabenta ang mga hiwanang gulay na perfect pang chop suy.
10:35Mabibili sa 40 pesos per kilo.
10:37Habang yung pampakbe ay 50 pesos per kilo.
10:39Okay naman po, stable naman po.
10:43Wala naman po nung tumaas, wala rin naman po bumaba.
10:45Kumusan naman bentangan?
10:47Medyo matuman naman pa.
10:49Pero okay naman, nakakasurvive naman.
10:57Samatala Maris, kung may budget para dun sa prutas, maaaring idagdag sa listahan ng mga magulang na ipapabawang sa kanilang
11:03mga anak.
11:04Yung mga maliliit na mansanas na mabibili sa 15 pesos kada peraso dito sa Commonwealth Market.
11:09Habang yung orange naman po ay nasa 25 pesos ang kada peraso.
11:13Ngayon ang unang balita mula rito sa Quezon City.
11:15James Agustin, Jemay News.
11:18Bukos na naunang 3.4 billion US dollars o mahigit 200 billion pesos na halaga ng mga investment mula sa
11:24business leaders ng Japan,
11:26nakakuha pa ng mahigit 55 billion pesos na investment si Pangulong Bombo Marcos mula sa kanyang business meetings kahapon.
11:34At live mula sa Tokyo, Japan, ang unang balita.
11:37Kasama natin si Ivan Nairina.
11:38Ivan, ohayo gozaymas!
11:43Ohayo gozaymas!
11:45Magandang umaga, Maris, mula dito sa Tokyo, Japan, kung saan ika-apat at tuling araw na ng state visit ni
11:50Pangulong Bongbong Marcos.
11:52At kagabi nga po, naganap ang one-on-one o bilateral meeting nila ni Japan Prime Minister Takaichi Sanai.
12:00Sa kanilang sabay na pagharap sa joint press conference pagkatapos sa kanilang pulong,
12:05unang binanggit ng parehong leader ang pag-angat ng diplomatic relations ng Pilipinas at Japan sa mas pinalawak na comprehensive
12:12strategic partnership.
12:13Kung baga sa mga level na ugdayan ng mga bansa, yan na po yung pinakamalalim.
12:18Makakasundo ang pansiguridad ang kabilang sa mga inanunsyo nila.
12:21Sisimula na raw ang formal na negosasyon para sa General Security of Military Information Agreement.
12:27Mamadaliin din ang paggawad sa Pilipinas ng Abukuma-class destroyer mula sa Japan.
12:33Makakatulong daw ito sa defense cooperation at magpapanatili ng rules-based maritime order sa gitna ng tumataas na tensyon sa
12:39regyon.
12:40Sa kalakalan naman at pamumuhunan, isang tax convention ang pinirmahan para maiwasan ng double taxation sa pagitan ng dalawang bansa.
12:47Makakatulong daw ito sa pagpapaganda ng business environment at cross-border investment sa pagitan ng Pilipinas at Japan.
12:53Suportado rin ang Japan ng chairmanship ng Pilipinas sa ASEAN ngayong taon.
12:57Ngayon din ang kandidatura ng Pilipinas para sa non-permanent seat sa United Nations Security Council.
13:03May mga kasunduan din kaugnay na mas maigting na kooperasyon sa agrikultura at fisheries, health services, human development, space development
13:11at artificial intelligence o AI.
13:14Bago yan, Maris, nagtalumpati naman si Pangulong Marcos sa joint session ng National Diet.
13:19Ito yung Kongreso ng Japan.
13:21Ipinaalala ng Pangulo ang lumalalim paugnayan ng Japan at Pilipinas mula ng magbalik normal,
13:26ang diplomatic relations ng dalawang bansa, 70 taon na ang nakararaan.
13:31Anya hindi lang kaibigan kundi katuwang at kakampi ang Japan na sumusuporta sa Pilipinas kaugnayan ng tensyon sa South China
13:38Sea.
13:38Kinilala rin ng Pangulo ang mahalagang bahagi ng Japan sa economic journey ng Pilipinas.
13:43Kabilang sa mga nakapulong niya, ang presidente ng Japan International Cooperation Agency o JICA na si Dr. Tanaka Akihiko.
13:51Ang JICA ay isang ahensya ng pamahalaan ng Japan kung saan idinadaan ang mga overseas development assistance.
13:57Ilang beses nang nakinabang ang Pilipinas dyan.
13:59Ang Metro Manila Subway Project halimbawa, pinondohan niya ng ODA mula sa JICA.
14:04Ang pagpupulong ni Marcos at ng JICA chief ay para pag-usapan ng mga ongoing at mga iba pang proyekto
14:10para sa pagsulong ng infrastructure modernization, healthcare at iba pang inisiyatibo para sa development ng bansa.
14:18Magkakasunod ang business meetings ng Pangulo kahapon.
14:20Tulad nga ng nabanggit mo Maris, ayon sa Malacanian, nagresulta yan sa P56.3 billion pesos na pangakong investment
14:26sa larangan ng electronics at shipbuilding sa Pilipinas.
14:30May gitsampung libo raw ang malilighang trabaho dahil sa mga pamumuhunang ito.
14:35Hiwalay pa dyan ang naunang 3.4 billion US dollars o 210 billion pesos
14:40sa pangakong investment na bunga ng mga pulong sa mga business leaders ng Japan.
14:44Nasaksiyan din ang Pangulo ang paglagda ng mga kasunduan ng mga pribadong kumpanya
14:48para sa pag-develop ng AI-powered smart city sa Makati.
14:51Meron din para sa digital finance at digital marketing.
14:54May hiwalay pang kasunduan para palawakin ang operasyon na isang kilalang e-wallet platform
14:59dyan sa Pilipinas at nampakinabang dyan ng mga mamamayan.
15:03Ayon sa DTI, mas mabilis at mas maginhawang transaksyon para sa mga negosyante at consumer.
15:09Balik Pilipinas na ang Pangulo.
15:11Maris, mamayang gabi pero bago yan,
15:13haharap muna siya sa isang press conference kasama ang Malacanang Press Corps.
15:18Maris.
15:18Ivan, doon sa mga investment commitment ng mga Japanese businessmen,
15:24ano ba yung assurance natin na mag-i-invest nga sila sa Pilipinas
15:27at hindi lang ito basta-basta pledge?
15:28May time frame ba?
15:29At kailan mangyayari, magmamaterialize yung mga trabaho,
15:33karagdagan trabaho para sa mga Pilipino?
15:38Yes, Maris, magandang punto dahil kailangan i-point out natin
15:43na dalawa yung ginamit na word ng Presidential Communications Office
15:47para ilarawan itong mga investments na ito.
15:50Yung una, yung P210 billion ang sinabi investment commitment.
15:55Ito namang kahapon, yung P56.3 billion investment o expected investment.
16:01Yung commitment mukhang binding.
16:03Pero hindi rin natin sigurado kung ito ba talagang binding at sigurado na
16:06o ito ay sinabi lang nila na mag-i-invest sila pero wala pang kasiguruhan.
16:10Yan ang isa sa mga kailangan nating linawin.
16:13Pero hanggang hindi nagmamaterialize yung mga investments na yan,
16:16they are promises at pwedeng asahan,
16:20magandang i-look forward to siyempre,
16:22pero hindi pa natin siya talaga maasahan na para bang siguradong-sigurado na.
16:27Ivan, anong bago sa defense agreement ng Pilipinas at Japan
16:30at anong implikasyon nito doon sa kinakaharap nating tensyon sa West Philippine Sea?
16:38Information sharing, basically, Maris,
16:41yung Protection of Military Information Agreement sa pagitan ng Pilipinas at Japan.
16:47Amang allies, malaking bagay yan.
16:48Siyempre, alam din naman natin malaki o malakas ang military capability ng Japan
16:54kung i-hahambing siyempre sa Pilipinas.
16:56At on the receiving end ng Pilipinas,
16:58siyempre, sa kakayahan ng Japan sa puntong yan militarily.
17:02Pero siyempre, like any agreement,
17:05meron din namang give or take yan.
17:06Kung ano ang magiging obligasyon ng Pilipinas under the agreement,
17:11yan ay magiging bahagi ng negosyasyon
17:14na sa sabi nga ng dalawang leader kagabi,
17:16ay sisimulan na as soon as possible.
17:19Alright.
17:20Arigato gozaimasu.
17:21Maraming salamat.
17:22Ivan Mayrina, live mula sa Tokyo, Japan.
17:28What's that?
Comments

Recommended