Skip to playerSkip to main content
Aired (October 5, 2026): Nauwi sa trahedya ang isang fun run sa Cauayan City, Isabela matapos makuryente ang ilang batang naglalaro sa bubble party. Dalawang bata ang nasawi habang apat pa ang naiulat na biktima. Ano ang maaaring pananagutan sa insidenteng ito? Alamin kay Atty. Gaby Concepcion. Panoorin ang video. 


Hosted by the country’s top anchors and hosts, 'Unang Hirit' is a weekday morning show that provides its viewers with a daily dose of news and practical feature stories.


Watch it from Monday to Friday, 5:30 AM on GMA Network! Subscribe to youtube.com/gmapublicaffairs for our full episodes.


#GMAPublicAffairs #GMANetwork


GMA Network promotes healthy debate and conversation online. Any abusive language that does not facilitate productive discourse will be blocked from this post.


GMA Network upholds ethical standards of fairness, objectivity, accuracy, transparency, balance, and independence.
Walang Kinikilingan, Walang Pinoprotektahan, Serbisyong totoo lamang.


#GMAPublicAffairs #KapusoStream #GMANetwork


Subscribe to the GMA Public Affairs channel: https://www.youtube.com/user/gmapublicaffairs
Visit the GMA News and Public Affairs Portal: http://www.gmanews.tv


Connect with us on:
Facebook: http://www.facebook.com/gmapublicaffairs/
Twitter: http://www.twitter.com/gma_pa

Category

🎈
Fun
Transcript
00:00Mga kapuso, usang-uso talaga ngayon ang mga fun run, lalo na at marami ang nasa fitness era.
00:08Pero wait, ingat po, isang masayang fun run event kasi ang nauwi sa trahedya matapos makuryente ang ilang mga bata
00:17na naglalaro sa bubble party.
00:19Dalawa ang batang nasawe na naglalaro sa bula matapos ang makulay na fun run sa Kauyan South Central School sa
00:27Kauyan City, Isabela.
00:30Isang grade 2 pupil na 7 years old ang dead on the spot at namatay naman sa ospital ang 8
00:36years old na lalaki.
00:38Nagtamu naman ang galos sa katawan ng dalawa pang mag-aaral habang inoobserbahan sa ospital ang biktimang 6 years old
00:46at nadischarge naman ang 9 years old na biktima.
00:49Ayon sa investigasyon, ang mga biktima ay naglalaro sa bahagi ng malalaking bula nang magkaroon ng electrical short circuit o
00:58grounding.
00:58Tinitingnan ng polisya ang kalidad ng extension wire na ginamit sa mga makina na naging sanhi ng pagkakuryente.
01:07Pag-usapan natin ang insidente niyan, ask me, ask Attorney Gabby.
01:19Attorney, ano ang sinasabi ng batas sa mga ganitong insidente sa school event?
01:24Lalo na na mga estudyante pa ang mga biktima.
01:27Well, sa ganitong mga sitwasyon, may legal na responsibilidad ang eskwelahan na siguraduin ang kaligtasan ng mga estudyante habang nasa
01:36ilalim sila ng kanilang supervision, instruction at custody.
01:41Hindi na kailangan pa na magpirmahan pa at magkaroon ng kontrata sa pagitan ng paaralan at ng mga magulang kapag
01:49in-enroll nila ang mga anak nila.
01:50As usual, ang mga issue na katulad nito ay umiinog sa issue ng kapabayaan at kung nag-exercise ba ang
01:58paaralan na required na degree of diligence.
02:02Sa pangyayaring ito, tubig at kuryente.
02:05Parang obvious naman na hindi magandang kombinasyon ng dalawang ito, lalo na kung maraming mga bata ang nasa vicinity.
02:13So parang obvious din na dapat ay nagkaroon ng karampatang pag-iingat ang mga guro, administrador, empleyado at siguro kung
02:22meron man third-party contractors ng paaralan.
02:26Alam na natin ang general rule sa ilalim ng Article 218 ng Family Code,
02:31ang mga paaralan ay nag-exercise ng special parental responsibility at authority sa mga bata habang mga ito ay nasa
02:39kanilang kustudiya.
02:40Once na iniwan ang mga magulang ang mga anak nila sa gate ng paaralan,
02:45ang expectation natin ay aalagaan nila ang ating mga anak na tulad ng pag-aalaga natin sa sarili nating mga
02:52anak.
02:53Kaya sa ganitong kaso, mahalagang tingnan kung may mga safety measure na dapat ipinatupad bago at habang isinasagawa ang event.
03:04Halimbawa, ligtas ba mga gamit at electrical connection?
03:08Nasuri ba mga equipment?
03:10May sapat bang supervision?
03:12At may precautionary measure ba para sa mga bata?
03:16Meron na rin mga desisyon ng Korte Suprema na nagsasabing kung alam ng eskwelahan na may potential risk ang isang
03:23activity,
03:24pero hindi ito naglagay ng kailangang safety measures or protective measures,
03:29talagang maaaring maging batayan yan para sa pagtukoy ng negligence o pagpapabaya ng isang paaralan
03:37na magiging kaso para sa pagbayad ng danyos para sa mga naging biktima.
03:42Gayat malaki talaga ang responsibilidad ng ating paaralan,
03:46hindi lamang naturuan ang ating mga anak,
03:48ngunit kasama na ang paniniguro ng safety ng mga ito.
03:52At sa mga pagkakatoon na ang isang menor de edad ay nasaktan o namatay habang nasa paaralan,
03:59nalilipat ang responsibilidad sa paaralan na ipakita na hindi sila ang nagkulang.
04:06Nasa kanila na ang burden of proof na patunayan na hindi sila naging pabaya under the circumstances.
04:13At ito na nga ang mga bangungot para sa ating mga magulang.
04:17Isama pa natin ang iba pang mga pangamba sa panahon ngayon.
04:21Tulad ng bullying sa eskwela, mga threat ng violence at iba pang mga nakakatakot na pangyayari sa mga paaralan.
04:29Sana'y matigil ng mga ito para ang mga paaralan ay maging mga lugar muli ng kapayapaan at karunungan.
04:38Ang mga usaping batas, bibigyan po nating linaw.
04:41Alam na po nino, para sa kapayapaan ng pag-iisip, huwag magdalawang isip, ask me, ask Atty.

Recommended