Skip to playerSkip to main content
Aired (September 7, 2026): Baha pa rin ang problema ng mga residente sa Brgy. San Pablo, San Simon, Pampanga matapos ang mga nagdaang bagyo at Habagat. Umaabot sa dibdib ang baha at ilang pamilya ang napilitang lumikas sa evacuation center. Kaya naman hatid ng Unang Hirit ang Serbisyong Totoo para sa mga Kapusong apektado. Panoorin ang video. 

Hosted by the country’s top anchors and hosts, 'Unang Hirit' is a weekday morning show that provides its viewers with a daily dose of news and practical feature stories.


Watch it from Monday to Friday, 5:30 AM on GMA Network! Subscribe to youtube.com/gmapublicaffairs for our full episodes.


#GMAPublicAffairs #GMANetwork


GMA Network promotes healthy debate and conversation online. Any abusive language that does not facilitate productive discourse will be blocked from this post.


GMA Network upholds ethical standards of fairness, objectivity, accuracy, transparency, balance, and independence.
Walang Kinikilingan, Walang Pinoprotektahan, Serbisyong totoo lamang.


#GMAPublicAffairs #KapusoStream #GMANetwork


Subscribe to the GMA Public Affairs channel: https://www.youtube.com/user/gmapublicaffairs
Visit the GMA News and Public Affairs Portal: http://www.gmanews.tv


Connect with us on:
Facebook: http://www.facebook.com/gmapublicaffairs/
Twitter: http://www.twitter.com/gma_pa

Category

🎈
Fun
Transcript
00:00Ito mga kapuso, magdala po ng payong dahil ayaw po sa pag-asa-asahan pong magiging maulan nyo yung araw
00:06at linggo.
00:07At di na talaga tayo tinantana ng ulan, kaya tuloy may mga lugar na hindi pa rin humuhupa ang baha.
00:14Ang unang hirit po, hindi titigil sa pag-atid ng kwento ng ating mga kababaya.
00:19Marami na po tayo na bisita at nabigyan kahit papaano ng tulok.
00:23At ito po ngayong umaga, bibisita po tayo sa San Simon, Pampanga.
00:26Isa po yan sa mga bahang lugar pa rin hanggang ngayon.
00:30At diyan nga po marami rin na-stop sa traffic last week.
00:33Balikan natin dyan si Mars. Marice Mars, kamusta ang mga residente dyan?
00:37Hi Miss M, ingat ka.
00:39Ingat Mars.
00:42Beautiful ladies, beautiful double S, Mars, Suzy, and Shira.
00:47Alam nyo ang mga residente rito, kahit nakalunos-lunos ang kanilang sitwasyon,
00:52eh sila pa rin po ay api or happy. Walang age sa Pampanga.
00:57O diba tignan nyo naman ang mamuka nila.
00:59Talagang, oo, tinan nyo nakangiti pa rin sila kahit nalubog po sila dito sa baha.
01:05Ayan po makikita natin, talagang sumikat na ang araw, mataas na ang sikat ng araw,
01:11mataas din po ang baha rito. Hindi humuhupa dito ang baha.
01:15Tingnan mo hanggang tuhod ko pa rin po, hanggang hita na nga halos.
01:18Kaya makikita po natin, ito pong barangay San Pablo dito po sa San Simon, Pampanga.
01:22Isa po ito sa pinaka-apektado dito sa Pampanga.
01:25At makikita natin, tingnan nyo, yung lying-in clinic nila, lubog sa baha.
01:29Yung mga lahat ng mga tahanan dito, ang sabi sa atin ng kagawad,
01:3295% na mga residente dito, lubog sa baha.
01:36Pati yung mga tindahan nila, yung mga negosyo, lubog sa baha.
01:39Kaya po dito natin napili na magbigay ng servisyong totoo.
01:42At yan po mga kapuso.
01:44Ito nga po yung mga galing na relief packs mula sa Kapuso Foundation
01:48para maipamahagi natin sa mga residente dito.
01:53Kahit pa paano, mother, kahit na hindi naman sobrang dami po nitong mga laman nito,
01:59pero ito po ay makapaghatid tayo ng kaunting tulong po sa kanila.
02:05Laman po nito, bigas, very important, yung mga noodles, and of course, mga canned goods
02:12para maitawid po yung gutom.
02:14Ayan, si baby, tingnan mo, talagang naghintay po siya rito.
02:20So, yung iba po ay patuloy pong bibigyan ng ayuda.
02:24Subukan po natin pumasok dun sa...
02:27Ay, ano, merong sumabit sa paako?
02:29Dali.
02:29Ay, ayan, subukan po natin pumasok dito sa loob ng kanilang evacuation center.
02:38Ayan, medyo meron po kasing challenge dito dahil pasok po tayo rito.
02:45So, mga kapuso, ito yung sinasabi ko po sa inyo na evacuation center nila,
02:51dito po sila lumikas, mga 200 na mga residente yung lumikas po rito.
02:57Pero kahit yung mismong pinaglikasan nila, ay lubog din po sa baha.
03:02Kanina nga po, mga kapuso, namigay din po tayo ng mga relief goods dun po sa mga residente,
03:09dun sa may dulong bahagi nitong barangay po na ito.
03:16Ayan, so, ngayon po ay papasok po tayo sa loob ng eskwelahan.
03:22So, ito po mga kapuso, yung kanila pong first floor, dahil umabot po rito yung baha,
03:28nagsiakyatan po yung mga residente, pero makikita natin yung mga alagang manok nila,
03:32nandyan din po, no?
03:34At, ito, akyat po tayo sa second floor.
03:37May mga alagang manok pa po dyan na nilagay po sila dyan.
03:42At, dito po sa second floor, karamihan po ng mga residente na nanatili para hindi po sila abutin ng baha,
03:52no?
03:53At, tanungin lang po natin, ito, kumustayin lang natin, ate.
03:58Baby mo to?
03:59Opo.
03:59Oo, so, nabalitaan po po na kaka-opera lang sa kanya.
04:04Opo, kaka-opera lang po na itong July po.
04:06Ano nangyari ba?
04:07May, ano po siya, may sakit po siya sa bituka na walang nerves po.
04:10So, meron siyang bag?
04:13Yung colostomy bag.
04:14Opo, colostomy bag po.
04:15Okay.
04:16So, kahit na ganun yung sitwasyon niya dito kayo sa evacuation center,
04:19kumusta naman ang sitwasyon niya dito?
04:22Medyo okay naman po, kaso ano,
04:24dikit-dikit po.
04:25Dikit-dikit po, tapos maingay.
04:27Oo.
04:28O sige, sana kahit paano, talagang maging healthy pa rin si baby ha.
04:32Ingat ka ha.
04:32Opo, ingat kayo.
04:33Ayan mga kapuso, mamimigay po tayo ng mga relief goods din dito para sa kanila.
04:40Mother, kaya ba nito?
04:41Hawakan mo na rin para kay Mother.
04:42Ayan po, mga kapuso.
04:43So, patuloy po tayo na mamamahagi po ng mga relief goods at mga malinis na tubig.
04:50Ayan.
04:51Ibigay din po natin yan.
04:53Kuya, punin nyo na po.
04:55Ayan.
04:56Pagpapatuloy po natin yung pamimigay natin ng relief goods sa ating mga kapuso.
05:02So, samantala po, sa mga nais naman pong magpaabot ng tulong sa mga nasalanta na nga habagat,
05:09dahil marami pa po ang mga nangangailangan,
05:12eh maaari po kayong magdeposito sa aming pong bank accounts o magpadala sa Cebuana Loilier.
05:18Pwede rin po kayong magbigay ng inyong donasyon via QR code ng Gcash at PalawanPay
05:27o magdonate po online sa Gbayanihan, Globe Rewards at Metrobank Credit Cards, Lazada at Shopee.
05:33Tuloy-tuloy lang po tayo sa pamamigay ng servisyo sa ating mga kapuso
05:36dito po sa Barangay San Pablo sa San Simon, Pampanga.
05:41Kaya tutok lang kayo mga kapuso sa ating Pambansa Morning Show kung saan laging una ka, unang hirit.
05:50Ikaw, hindi ka pa nakasubscribe sa GMA Public Affairs YouTube channel?
05:54Bakit? Mag-subscribe ka na dali na para laging una ka sa mga latest kwento at balita.
06:00I-follow mo na rin ang official social media pages ng unang hirit.
06:04Salamat kapuso!

Recommended