00:00Mga kapuso, ngayong maulan pa rin ang panahon dahil sa Bagyong Luis, ingat po tayong lahat.
00:07At ingatan rin ang mga anak natin na nagtatampisaw sa labas.
00:12Sa Quezon City, isang bata na kaladkad ng sasakyan.
00:16Sa video, makikita mga batang nagtatampisaw sa ulan sa isang parking area.
00:22Ang batang lalaki na may suot na grey t-shirt, kumiga pa sa kalsada,
00:26na nambiglang, naku, diretsyong pumasok sa parking area ang isang sasakyan.
00:32Hanggang nabangga at nakaladkad nito ang biktima.
00:36Lumapit ang isa niyang kalaro at sumenyas na umatras ang sasakyan.
00:41Bumaba ang driver at itinayo ang nakaladkad na bata, pero agad ding umalis.
00:47Hirap ngayon sa paglakad at pagkilos ang bata dahil sa tinamong mga gasgas at sugat.
00:53Ang driver ng sasakyan, sumuko na rin.
00:57Ang insidente niyan, ating pag-uusapan, ask me, ask Atty. Gabby.
01:09Atty, nakadapa ang bata sa kalsada.
01:12Maaaring hindi napansin ng driver ang bata, pero nang makita, eh, tinakbuhan niya.
01:17Ano po ang sinasabi ng batas sa ganitong insidente?
01:20Naku, siguro yung iba dyan, inisip agad, eh, bakit naman kasi nakahiga ang bata sa kalye?
01:27May punto naman kayo dyan, pero mamaya na natin pag-uusapan ang isyo na yan.
01:32Kasi ako, may mga isyo ako sa mga driver na tulad niyan, unang-una.
01:37Kailangan natin isipin ang gusto kung meron bang negligence o kubabayaan sa panig ng driver.
01:43Hindi sapat na sabihin, hindi ko siya nakita.
01:46Ano ba ang mga posibleng indikasyon na nagkulang sa tama o sapat na pag-iingat ang driver?
01:53Well, unang-una, wala sa pampublikong kalye ang mga bata.
01:56Pero nasa loob sila at naglalaro at nagtatampisaw sa loob ng bakura ng simbahan ayon sa mga balita.
02:04Pangalawa, meron din ibang bata na malapit sa batang to na dapat ay nakita ng driver dahil sila ay nakatayo.
02:11Isang senyales na dapat ay nag-ingat na siya ng lubos.
02:15Bilang lisensyadong driver, may tungkulin siyang magmaneho ng may sapat na pag-iingat,
02:20lalo na sa mga lugar na maaaring may mga tao o bata.
02:24Sa ilalim ng Article 365 ng Revised Penal Code,
02:28Reckless Imprudence Resulting in Physical Injuries,
02:31maaaring managot ang isang tao dahil sa kanyang kapabayaan na may nasaktan.
02:35Of course, para sa kaso na ito, hindi naman simple negligence o pagpabaya lamang ang tinitingnan.
02:42Kailangan mawari kung ito ay pagpapabaya na tinatawag nating almost criminal in character.
02:48Pangalawa, mas nakakabahala ang nangyari.
02:51Matapos na siyang nanyang sagasaan at kalad ka rin ang bata,
02:56ano ba ang ginawa niya?
02:57E matapos na itayo ang bata at itabi sa gilid,
03:01abay kung maripos na nantakbo at umiskapuna.
03:03Ang mga hit and run na tulad nito, definitely nakakabigat po ng kaso
03:08by one penalty higher in degree ang magiging parusa ng kulong.
03:13At hindi po biru yan, yung one degree na yan.
03:16Halimbawa, kung lamang ang penalty ay presyon correctional which is six months and one day to six years,
03:23kapag sinabing one degree higher,
03:26nagiging presyon mayor which is six years and one day
03:29na hanggang 12 years na ang posibleng maximum na kulong.
03:34So, hindi po biru ang epekto ng mga guilty ng hit and run.
03:37At iyang pagiging dead ma or walang pakialam sa inyong biktima,
03:41maaari maging separate na kaso for abandonment of one's own victim.
03:46Sa ilalim naman ng Article 275 ng Revised Penal Code,
03:50na may posibleng kulong na hanggang anim na buwan.
03:52Nagiging krimen ng pagiging dead ma kung meron nga tayong nasugatan o nasaktan
03:57by way of an accident at hindi natin tutulungan.
04:01So, sa ilalim din ng Art ng Section 55 ng RA 4136,
04:06obligation po ng isang driver na huminto magbigay ng kinakailangan na tulong sa biktima.
04:12So, paano nga kung nakahiga?
04:14Ito na nga, kung nakahiga yung bata sa kalye,
04:17eh hindi naman siya dapat nandoon.
04:19Kasalanan pa rin ba ng driver?
04:20Yan siguro ang tinatanong iba.
04:22Well, tulad ng sinabi natin, palaging may responsibilidad ng isang driver na mag-ingat,
04:27lalo na kung may pagkakataon pa sanang maiwasan ng aksidente.
04:32Kumbaga, meron siyang last clear chance of avoiding the incident.
04:36Kahit na masasabi natin na may tinatawag na
04:38contributory negligence ang biktima,
04:41hindi nito otomatikong inaalis ang obligasyon ng driver na mag-ingat,
04:45maaaring mabawasan ang liabilidad niya,
04:48pero mas malaki pa rin ang kanyang dapat panagutan.
04:51Of course, isang panawagan pa rin nga sa mga bata at ang kanilang mga magulang
04:56na palaging mag-ingat at umiwas ng gusto sa kapahamakan,
05:00lalo na at ngayon umuulan at baka walang klase sa inyong lugar.
05:05Ang mga usaping batas, bibigyan po natin linaw.
05:08Para sa kapayapaan ng pag-iisip,
05:11huwag magdalawang isip,
05:12Ask Me, Ask Attorney Gabby.
Comments