00:00Mga kapuso, magpapaalala lang po ako sa inyo.
00:04Nako, ingat lang po.
00:06Sa Magalang Pampanga, caught on cam ang pagbagsak na isang basketball goal sa isang covered court
00:12kung saan patay ang isang binatilyo.
00:16Ang trahedya nagsimula ng puntahan daw ng biktima at dalawang kasama ang court
00:21na ayon sa barangay ay hindi pa tapos at hindi pa nata-turnover sa kanila.
00:27Nakabakod pa umano ng yero ang court pero binuksan ng biktima at ng mga kasama nito.
00:33Ayon sa polisya, inakyat ng tatlo ang basketball goal at pumunta sa likurang bahagi ng backboard.
00:41Inalog umano nila ito habang ang isa rin biktima ay nakakapit sa ring.
00:46Ayon sa chain ng biktima, may mga tao nasa court nang pumasok ang biktima at sinusubukan lang ang ring.
00:53Patuloy pa rin ang investigasyon sa nangyari.
00:56Pag-usapan po natin ang insidente niyan.
01:00Ask me, ask attorney Gabby.
01:09Attorney, ano po ang sinasabi ng bata sa ganitong insidente?
01:12Lalo na't hindi pa pala tapos ng nasabing goal pero pinasok ng biktima.
01:18May habol po ba sila?
01:19Naku, tulad ng maraming mga insidente, tulad nito ang issue ay isang issue kung meron bang pagpapabayanan ang nangyari na
01:28dapat panagutan ng ibang tao.
01:30Pero napakaraming dapat suriin bago masagot natin ang tanong na ito.
01:35Of course, ang unang tanong ay, may potential liability ba sa mga ganitong klase ang mga insidente?
01:43Sino ba ang merong potential liability?
01:46At usually, ito nga ay ang gumagawa dito o yung contractor.
01:50Kasi kailangan natin tanungin, baka substandard ang materyales o maling pagkakagawa.
01:55Pero ito nga ang issue dito dahil hindi pa naman daw talaga tapos ang construction.
02:00Kaya't nakabakod pa ng yero pero binuksan ng biktima at ng mga kasamahan niya.
02:05Ang isa pang may posibleng pananagutan ay ang may-ari.
02:09In this case, ang barangay daw po.
02:11Sa bawat proyekto, ang nagmamay-ari ng property kung saan nangyari ang sakuna
02:16ay palaging may posibleng liability dahil meron silang obligasyon na panatiliing ligtas ito
02:22at siguraduhin na ang kontrakto nila ay gumagawa ng tamang hakbang para ma-secure ang premises.
02:28Ang ilan naman dapat natin tingnan sa pag-aaral ng issue nito ay kung may pagpapabayaman o hindi.
02:35Ay isa na dyan ang kailangan natin tanungin, ano ba talaga ang edad ng mga biktima?
02:40Ilang taon nga ba sila talaga?
02:42May discernment na ba o maturity na ang mga ito?
02:45Siyempre, the older they are, mas alam nila dapat kung delikado o hindi ang ginagawa nila.
02:52Kasi kung obvious naman na delikado ang ginawa nila, pero inakyat pa rin at kung ano-ano pa ang ginawa,
02:58maaaring gawing argumento na in-assume nila ang risk o peligro ng mga ginawa nila.
03:04Importante din malaman na sa ilalim ng batas,
03:07meron tayong kinikilalang doktrina na tinatawag na attractive nuisance doctrine.
03:12Kahit pasabihin natin na may trespassing involved sa bahagi ng biktima,
03:17kinikilala ng batas na merong mga ilang mga bagay,
03:21tulad ng mga swimming pool at siguro isama na natin ang basketball court
03:26na maaaring maging kaakit-akit sa mga bata o mga minor na edad,
03:31kaya't merong extra obligasyon ang may-ari o ang kontraktor
03:35na siguraduhin na may sapat at matibay na harang upang sila ay mapigilan at hindi maakit na pumasok dito.
03:42Isa pang kailangan aralin, meron bang mga warning signs? May lock?
03:47Meron bang mga warning?
03:49Dahil kung meron nga nito pero sa dyan naman binaliwala,
03:53maaaring depensa ng kontraktor o ng barangay na ginawa na nila ang lahat
03:58para hindi pasukin ang construction area ng basketball court.
04:03At parang ito nga ang sinasabi nila dahil meron man daw bakod na yero
04:07pero pinasok pa rin ang biktima.
04:09Of course, kailangan nating tingnan dahil marami naman daw ang nakapasok na
04:13so baka hindi naman talaga secure.
04:16So kailangan talagang suriin at aralin of course
04:19kung talagang nakatiwangwang ang delikadong unfinished basketball court.
04:24Walang bakod, walang harang, walang warning signs
04:27at nahulugan lang bigla ang biktima,
04:29eh madali sanang husgahan kung nagkaroon ng pagpapabaya
04:32kasi napaka-obvious nga.
04:34Pero kung meron naman bakod o baka nakalak pa at may warning signs
04:39at inakyat pa at nagpalambitin-bitin pa ang mga biktima,
04:44well, pwede rin nating sabihin baka mawala ng liabilidad ng may-ari at ang kontraktor
04:48or mabawasan ang kanilang liabilidad
04:51dahil sa sariling pagpapabaya
04:53o tinatawag nating contributory negligence ng biktima.
04:58In any case, dapat lagi mag-ingat lalo ng nga huwungayon.
05:02Maputik, basa, madulas, ang lakas ng ulan at hangin.
05:06Ay naku, lahat ng bagay.
05:07So ingat-ingat lang po.
05:09Keep safe and dry.
05:11Ang mausaping batas, bibigyan po nating linaw
05:13para sa kapayapaan ng pag-iisip.
05:16Huwag magdalawang isip.
05:18Ask me.
05:19Ask Atty. Gabby.
Comments