Skip to playerSkip to main content
Aired (August 9, 2026): The forest may seem quiet, but every call, chirp, and sound from wildlife carries a message. Discover how scientists use bioacoustics to record and study animal sounds and identify wildlife, even without seeing them.

Meanwhile, thousands of flying foxes fill the skies of Davao Occidental. Learn why these giant bats are important to the forest and what threatens their survival.

Watch the video for the full story!

‘Born to be Wild’ is GMA Network’s groundbreaking environmental and wildlife show hosted by resident veterinarians Doc Nielsen Donato and Doc Ferds Recio. #BornToBeWild #GMAPublicAffairs #GMANetwork

Watch it every Sunday, 9 AM on GMA
Network. Subscribe to youtube.com/gmapublicaffairs for our full episodes.

Category

🎈
Fun
Transcript
00:01Bought huni.
00:06Bought kaluskos.
00:09Bought tawa.
00:13May mensahe.
00:20Ang ingay at musika sa kagubatan ay tanda ng buhay at malusog ang ating aligasan.
00:26The question is, how do we understand it?
00:39Let's try it if we can make a filter by acoustic methods.
00:52Ang mga bakawan hindi lang tanggulan laban sa alon. Para sa mga flying foxes, isa rin itong ligtas na pahingahan.
01:04Pero may mga naniniwalang nagdadala raw ito ng katatakutan.
01:13Hindi naman daw ito kayang madepensahan ang sarili kapag ginawa na raw itong target ng mga tao.
01:21Pasag yung liver niya.
01:22Ang sakit-sakit siguro ng abdomen niya pero pinilit niyang umuwi dito sa roasting site niya.
01:39Akala mo, tahimik ang gubat.
01:48Pero hindi.
01:51Bawat huni.
01:55Bawat kaluskos.
01:59Bawat tawa.
02:03May mensahe.
02:05Ang tanong, kaya ba natin itong maintindihan?
02:20Akala mo, tahimik ang gubat.
02:26Pero kung makikinig ka ng mabuti,
02:35Maririnig mo ang tila isang secret group chat ng mga hayop araw at gabi.
02:42Kapag simikat na ang araw, ang mga ibon ang bida sa kantahan.
02:49Sa bawat huni nila, hindi lang basta kanta.
02:52Para itong tawag ng kaibigan.
02:56Babala sa panganib ng teritoryo.
03:13Sa lawang ito, ang ingay ng Philippine Ducks.
03:17Ang kanilang pagkwak.
03:19Parang malaking reunion.
03:23Ito ang paborito nilang kahingahan.
03:26Tignan nyo.
03:28Para silang mga bata.
03:30Paulit-ulit na sumisisi.
03:37Hindi sila galaro.
03:40Naliligo pala sila.
03:47Tulad natin, kailangan din nilang maglinis ng katawan.
03:51Dahil nagkakaputo rin sila.
03:55Kaya sa mabilis na paglubog at pagbasa ng kanilang sarili sa lawa,
04:00natatanggan nila ang kuto at dumi na pwedeng
04:03maging sanhin ng pangangati at pagkasira ng kanilang balahibo.
04:08Gusto ng mga Philippine Ducks ang tahimik at ligtas na lugar na parang sarili nilang playground.
04:14Isa ito sa binabantayang lugar ni Naian,
04:17isang technical writer ng Protected Area Management Office
04:21ng Mahagnaw Volcanic Natural Park sa Leyte.
04:24Itong Lake Malagson po,
04:26it is one of the three lakes dito sa Mahagnaw Volcanic Natural Park.
04:29Tapos ito po yung resting areas ng mga Philippine Ducks.
04:34Kailan nyo nalaman na may mga Philippine Ducks na pala dito?
04:38So, based po sa accounts ng mga locals,
04:40before magiging protected area ang lugar na to,
04:43nag-i-exist na po yung mga Philippine Ducks.
04:45Every month po, every 20th day of the month,
04:48may ginagawa kaming
04:50Philippine Duck monitoring using our drone.
04:53So,
04:54pinapadad namin yung drone tapos
04:57pinapadad namin.
05:07Taon-taon, dumarami ang Philippine Ducks dito.
05:10Kapag nakikita kasi ng mga pato na marami silang kumakain sa lawa,
05:15tingin nila masarap at sagana ang pagkain dito.
05:20Mas maraming mata at tayo nga rin ang nagbabantay kung may paparating na panganib.
05:25Teamwork sa pagprotekta sa isa't isa.
05:36Ang ingay sa kagubatan,
05:38hindi lang nanggagaling sa mga lalaking hayop.
05:44Nagmumula rin ito sa maliliit na ipak
05:46ng mga nila lang na halos hindi na natin mabilang ang mga paa.
05:57Tignan nyo ang dalawang milipid o sing-sing pani na ito.
06:01Hindi sila makatawid dahil sa biglang paglakas ng agos ng tubig.
06:08Mukhang naghahanap sila ng merienda sa tabing inog nang biglang umapaw ang tubig.
06:16Hindi nila alam,
06:18hindi lang ang tubig ang kalaban nila.
06:23May nagihintay rin pala.
06:26Sa mga tuyong dahon naman,
06:29may nakamaksin sa kanila
06:31ang Mindanao corn truck.
06:34Merienda sana niya ang mga milipid
06:36kaso naramdaman niyang may nakatingin din sa kanya.
06:41Agad itong malis.
06:43At sinundan ang huni ng kanyang mga kaibigan palaka.
06:50Kaya ng mga palaka na magtawag ng malayo na parabang nakawokitoki.
07:02Maririnig nila ang isa't isa.
07:08Kahit nasa dulo sila ng isang Olympic size ng pool.
07:12Okay, what I'm holding here is the Mindanao horned frog.
07:16So by its team meron yung palang sa pilik mata niya para siyang may sungay.
07:20Kung titignan mo yung kulay, parang dark brown.
07:23Kung makakita ka ng mga tuyong dahon,
07:25so paborito nila magtago doon sa mga tuyong dahon,
07:30yung mga dahon na nalaglag at natutuyo na.
07:33Kaya nagbe-blend in yung kulay niya doon.
07:35Very strong legs.
07:36Pagsapit ng gabi, eto na.
07:43Parang may battle of the bands.
07:46Handa na ang mga palaka sa kanilang concert.
07:49Nakikita nyo kung paano lumolobo ang kanilang vocal sac
07:53para itong built-in speaker o megaphone na nagpapalakas ng kanilang boses.
08:00Sa mundo ng mga palaka, mga lalaki ang mahili kumanta.
08:04Mas malakas ang boses, mas sikat sa pakay nilang kapareha.
08:09Dahil sa lupit ng boses ng mga palaka,
08:12paborito silang pag-aralan ng mga biologist.
08:16Ito ang misyon ni Dr. Elvin Sansona, isang bioacoustic researcher.
08:21Mahigit sampung taon na niyang pinag-aaralan ng huni ng mga palaka at ibon.
08:26Ang bioacoustics became science in the 1900s
08:29when scientists use microphones and recording materials
08:33to study how animals produce skulls.
08:36May mga hayop na magkamuka pero kapag pinakinggan mo ang boses, magkaiba pala.
08:42Bioacoustics is a protocol, a taxonomic protocol,
08:46to delineate cryptic species from a certain mother species.
08:51Ang cryptic species is like a species hiding in the morphology
08:56or pagbumuka ng isang species.
08:58But when you look closer with all the taxonomic protocols,
09:02you will find out na iba pala siya.
09:04Gamit ang smartphone, pwede na natin i-record ang boses nila.
09:08Andito tayo ngayon sa Tinago Falls.
09:11And then magre-record tayo ng bird calls at saka sound ng amphibians.
09:16So kailangan natin ng very quiet for around 30 minutes
09:20para makarecord tayo ng best call.
09:23Itatry natin if makaya ba itong makuha o ma-filter ng ating bioacoustic methods.
09:29Ang galing, di ba?
09:31Tinatawag din itong non-invasive monitoring.
09:34Ibig sabihin, hindi na kailangan hulihin ang hayop para malaman ang kanilang species.
09:42Pagkatapos ma-i-record ang mga tunong, ipapasok ito sa computer gamit ang isang app.
09:48Dito lumalabas ang spectrogram.
09:51Isa itong picture o drawing representation ng boses ng hayop.
09:56Ito ang pagtaas at baba ng linya ng frequency depende sa tinis ng huni.
10:02So we are now on the processing side of our calls.
10:07So using Udacity, you open the whole recording, then you listen.
10:12From there, you'll have now the isolated call of the target species.
10:19From here, you have now your visualized call.
10:23Mula sa kanyang mga narecord, natukoy nito ang huni ng Asian Gloss Starling na ibon.
10:29At palaka, katulad ng small disc frog.
10:32In conservation, a cryptic species occurs only in a particular island, in a particular habitat.
10:39And it needs a site-specific sa ka-appropriate conservation measure.
10:43Especially now that in reality, the Philippine environment is declining.
10:48It's degrading.
10:50And it's a race against time.
10:52So it's really important to conserve all the species, known species of the Philippines.
10:59Because once we lost one, it's nearly impossible to revive it.
11:06Ang ingay at musika sa kagubatan ay tanda ng buhay at malusog ang ating kalikasan.
11:12Ang bawat huni ng mga hayop may sariling kwento.
11:18Kung hahayaan natin silang ligtas sa kanilang tirahan,
11:23mas matagal pa natin silang makakasama at mapakikinggan.
11:28At kung darating ang panahon na wala na tayong marinig,
11:32hindi lang mga huni ang nawala.
11:35May mga hayop nang tumahimik at hindi na natin makikita at maririnig magpakailanman.
11:49Pagsapit ng dilim.
11:52Parang may mga ulap na bunga-baba mula sa langit.
11:56Pero hindi ito ulad.
12:02Libong-libong higanting panike ang sabay-sabay na lumalabas.
12:21May mga naniniwalang nagdadala raw ito ng katatakutan.
12:30Pero sa mga sentipiko, iba ang nakikita nila.
12:44Ang mga bakawan hindi lang tanggulan laban sa alon.
12:49Para sa mga flying foxes, isa rin itong ligtas na pahingahan.
12:58Maririnig ang paghampas ng dagat.
13:02Isa ito sa mga matatag na depensa laban sa nagtataas ang mga alon.
13:09So unang tingin, para silang mga nila lang sa pelikula.
13:15Malalaking pakpak, matatalas na kuko, at mukhang handa sa pag-atake.
13:22Amazing din itong mga vampiros dahil they really look like vampires.
13:30Pero sa katotohanan, isa sila sa pinakamahinghing hayop sa kagubatan.
13:36Ito ang large flying foxes.
13:39Tinawag silang flying foxes dahil ang muka nila'y kahalintulad ng isang soro o fox.
13:48Kasama rin ito sa mga bakawan ang itsurang pinaliit na panda na tinubukan ng pakpak,
13:55ang mga island flying foxes.
13:59Sa lugar na ito, may co-roosting sa dalawang uri ng mga paniki.
14:05I can see them like on top of my head, two species.
14:10Ganda, makikita mo.
14:13Very active pa sila. Ang ganda nilang obserbahan.
14:20Sa kabila ng kanilang nakakatakot na anyo,
14:24hindi sila mandaragit.
14:27Mga prutas, nectar at bulaklak ang kanilang pagkain.
14:32Pinaniniwalaan ng mga mananaliksik na posibleng dumaan ang mga paniki sa saranggani
14:39bago nakarating sa Dabao Occidental.
14:43Batay ito sa mga naitalang populasyon ng kaparehong uri sa mga lugar na ito.
14:52I hear them.
14:56Narinig ko na yung mga large flying foxes, yung mga root bats.
15:04What's interesting is, ngayon pa lang siya na naproprotektahan at pinag-aaralan.
15:10Milya-milya na raw ang narating ng mga paniki.
15:14Makahanap lang ng tirahan ayon sa biologist at guro na si Lizelle.
15:21We're standing just a few meters here and hindi sila disturbed.
15:26These flying foxes actually, they root in large colonies.
15:31Okay, and then they hang upside down if you take a look at this.
15:36Upside down.
15:37And then, they eventually, this mangrove area, dito talaga sila.
15:44Gusto nila.
15:45Hindi kasi disturbed dito masyado kasi we only have a few households.
15:50These bats came from Southeast Asia.
15:53So, ang pinakamalapit sa amin is the Indonesia.
15:56Galing sila ng Sarangani, pero galing yan sila ng Southeast Asia.
16:00Na-disturb na sila doon, then they flew here at Sarangani.
16:04And then, disturbed na naman sila sa Sarangani.
16:06And then, they came here.
16:12Ang mga sinasabing dayuhan sa Jose Abad Santos,
16:16ang mga paniking ito,
16:18Dati na lang naidokumento sa kanilang pag-aaral sa Sarangani taong 2018.
16:25Pero, noong 2020, wala na raw na mata ang panikiroon.
16:31Pero, kung ligtas nga ba ang kalambagong tahanan,
16:35isang tanong rin ang gustong sagutin ng mga mananaliksik.
16:41Dahil sa ilalim ng mga punong ito, may mga natagpuan silang hindi muning makakalipad.
16:47Yung last time na study namin, merong isa na nahulog
16:52because yun nga yung natira doon.
16:56Injury.
16:57Saan po ang tama niya?
16:58Dito po, near sa liver.
17:00Kasi basag yung liver niya when we checked.
17:03Sa bawat paglipad nila,
17:06libu-libong buto ang kanilang nadadala.
17:09At, sa bawat butong maihulog,
17:11may pagkakataong may isang bagong pulong sisibol.
17:15Oh, grabe. Ang dami nila.
17:18Nagmistul ang gwardyaman ito ng mga bakawan.
17:22Hindi naman daw ito kayang madepensahan ang sarili
17:26kapag ginawa na raw itong target ng mga tao.
17:30Hindi siya namatay sa lugar kung saan siya tinamaan.
17:34Pinili pa rin niyang umuwi sa kanyang kawit-kawit na tahanan sa mga bakawan.
17:40Doon na rin siya tuluyang nalagutan ng hinyanga.
17:44Mawawa naman. Parang ang sakit-sakit siguro ng abdomen niya
17:48pero pinilit niyang umuwi dito sa roasting site niya.
17:51Kaya mahigpit yung ano ni Menro ngayon na campaign for yung wildlife act
17:56na kailangan talagang i-educate yung mga tao sa community.
18:01Kapag malago ang mga bakawan,
18:04tumutulong din ito para masala ang mga basurang inaalon sa dagat.
18:11Sa ngayon, wala pang direktang koneksyon kung nakukonsumo at nakaka-apekto
18:18sa mga paniki ang microplastic na nakuha at pinag-aaralan nila.
18:24Unstudied pa po yung direct relationship ng microplastic sa mangrove ecosystem.
18:30Kung nakaka-apekto ba ang microplastic sa species na present doon sa mangrove ecosystem.
18:40Ang mga paniki saan man mapadpad sa mundo, hindi mawala na banta sa kanilang kaligtasan at tirahan.
18:49At habang hinahanap pa ng mga sentipiko ang kabuhuan ng kanilang paglalakbay,
18:56mahalagang mabigyan ito ng dagdag na proteksyon para masigurong magawa nila ang kanilang higanting misyon.
19:05Ako si Doc Nielsen Donato. Ako si Doc Fertz Resyo.
19:09Born to be Wild.
19:12Maraming salamat sa panonood ng Born to be Wild.
19:15Para sa iba pang kwento tungkol sa ating kalikasan, mag-subscribe na sa GMA Public Affairs YouTube channel.
19:22Maraming salamat sa panonood ng Born to be Wild.
19:25Para sa iba pang kwento tungkol sa ating kalikasan, mag-subscribe na sa GMA Public Affairs YouTube channel.
Comments

Recommended