00:02Tumitindi pa rin ang tensyon sa West Philippine Sea pero ang mga content creator welcome daw sa pag-asa ang
00:12pinakamalaking isla sa Kalayaan Group of Islands sa Spratlys para raw masaksihan nila kung paano mamuhay ang ating mga kababayan
00:24doon.
00:24July 20 sa BRT Sierra Madre na outpost ng Pilipinas sa Ayungin Shoal sa West Philippine Sea na mataang lumalapit
00:37ang walong tauhan ng Chinese Coast Guard at nang nilapitan sila ng Philippine Navy sakay ng rubber boat.
00:47Ang mga Pilipinong sundalo walang habas na pinagahampas ng baton ng mga Chino.
00:56May dalawang sugatan doon, yung isa tinamaan sa ulo, it required four stitches at yung isa naman may mga galo
01:03sa kamay sa braso na nabigyan naman kaagad ng first aid.
01:06Sampung taon na mula ng pagtibayan ng International Arbitral Tribunal ang karapatan ng Pilipinas sa West Philippine Sea.
01:15Pero kung nasa atin ang batas, bakit hanggang ngayon kailangan pa rin natin itong ipaglaban sa sarili nating karagatan?
01:29Nasa West Philippine Sea ang mahigit dalawang daang mga isla, mga reef, shoal at atol.
01:36Bagamat iilan lang sa mga ito ang pwedeng tirhan ng tao.
01:41Sa Kalayaan Island Group o KIG sa Spratlys, ang pinakamalaki ang Pag-asa Island.
01:4937.2 hectares ang laki nito, bagamat sa mapa, parang tuldukla.
01:59Taong 1989, nang una kong tangkaing puntahan ang Pag-asa Island.
02:06Pero naligaw ang aming eroplano na noon wala pang gaanong navigational equipment.
02:12Muntik din itong maubusan ng gasolina.
02:15Mabuti na lang at nakalapag pa kami sa isla ng Ramos sa dulo ng Palawan.
02:20What could have been another tragedy? I'm very happy to be back and to have been given what I think
02:26is a second chance to live.
02:29At makalipas ang tatlong buwan, nakabalik kami sa Pag-asa Island.
02:34Sa wakas, natagpuan din namin ang Pag-asa.
02:37At do'y nasaksihan ko ang kagandahan at kalungkutan ng isa sa mga islang tilit nating idinidipensa bilang atin.
02:45Eleksyon noon at nasaksihan ko ang pagboto ng mga sundalo na nadeploy doon.
02:52Taong 1999, makalipas ang isang dekada, bumalik ulit ako ng pag-asa para sa isa pang dokumentaryo.
03:00Ang opisyal na tawag ng ating gobyerno sa mga islang ito ay Kalayaan Island Group.
03:07Ito'y upang ipahihwating na rin ang ating official claim.
03:15Tatlong dekada ang nakalipas. Napakarami ng pagbabago.
03:20Welcome na sa isla ng Pag-asa.
03:23Ang ilang content creators.
03:27We're here at Pag-asa Island.
03:30Inimbitahan ng Armed Forces of the Philippines o AFP nitong July 15
03:35para makita rin daw nila kung paano namumuhay doon ang ilan nating mga kababayan.
03:41Mga kabataan under Project Hopecaster or Pagbibigay ng Pag-asa.
03:45This is part of communications and our transparency initiative
03:48to be able to inform ating mga kababayan and the international audience.
03:52We need to civilianize yung issue sa West Philippine Sea.
03:55Hindi lamang ito issue na hinaharap ng militar o ng Defense Department.
03:59Dapat makialam ang bawat Pilipino.
04:01What's up mga kalanggo?
04:03Dalawa sa mga naimbitahan,
04:05ang content creator na si Luis Ann Nagal na mas kilala bilang si Lance.
04:11Chris is live!
04:12At ang young Filipino patriot na si 1st Lieutenant John Hernan Perez.
04:18West Philippine Sea, atin to.
04:21Mula sa headquarters ng Philippine Air Force sa Villamore Air Base sa Pasay,
04:26sumakay sila ng C-130.
04:29Ayan na, laki ng aircraft natin.
04:31Wow!
04:32Pansamantala rin lumapag sa Antonio Bautista Air Base sa Puerto Princesa City sa Palawan para mag-refuel.
04:40It's 23 na, so nag-grab off lang tayo, tapos na rin mag-refuel.
04:44Papunta na tayo sa Pag-asa.
04:46Sa flight pa lang, papunta sa Isla ng Pag-asa.
04:50Si Lance, hindi na iwasang maging emosyonal.
04:53Naiyak na ako dito kasi narealize ko yung responsibility na sobrang tumago sa puso ko.
05:03Inabot ng halos isa't kalahating oras ang flight, papunta sa Pag-asa Island.
05:08Mula sa ere, halos sakupin na ng airstrip ang kalahati ng isla.
05:13Pagkalapag ng pag-asa, ang bumungad sa kanila, paraiso.
05:17Grabe, nandito na tayo sa Pag-asa Island.
05:20Makikita po natin, napakalinis po ng ating dagat.
05:23Nagulat po ako na napakaganda po pala talaga ng Pag-asa Island.
05:30Payak pa rin ang buhay sa isla.
05:32Pero kung dati, wala gaanong facilities.
05:35Ngayon, meron ng munisipyo at multipurpose hall.
05:39Wala paroong ospital.
05:42Pero meron ng eskwelahan para sa mga bata mula grade 1 hanggang grade 12.
05:48Everything is accessible sa paglalakad lang, ma'am.
05:50Kaya niyo pong lakarin niyo ng 15 to 20 minutes, end-to-end, ganoon na po siya kaliit.
05:54Mayroon din tayong mga troops, may bases.
05:57Kasi ang goal naman ay hindi tayo makipag-away.
05:59Sa ibang bansa, pinaka-goal natin is maipaalam sa kanila,
06:03hindi natin isusuko yung parte ng bansa natin na ito.
06:06At kung dati, puro mga sundalo lang ang naroon.
06:11Ngayon, meron na roong limandaang mga residente o mga sibilyan.
06:16Isa na silang komunidad.
06:18The people there are very hospitable.
06:20Welcome to Pag-asa Island!
06:23Masaya rin kahit nasabihin na para kami bilanggo dito, ay wala namang punta-puntahan.
06:28Asama natin si Sir Romeo Malagat.
06:30Isa sa mga nakilala ni Lance, ang manging isdang Sir Romeo.
06:352016, simula kami ng isda.
06:36Maarin niyo po ba kaming kwentuhan po nung naging efekto nung pagpunta po dyan,
06:41mga vessel po ng galing ng bansa po?
06:43Malaking efektor sa amin.
06:45Kasi dati, walang uras kami pwede manging isda.
06:48Makahuli kami kaagad.
06:49Ngayon, mahirap na yung kumalis ako kanina, 5.30.
06:53Huwi ako, 10 na siguro yun.
06:54Ang nahuli ko, dalawang piraso lang.
06:57Masalimut man daw ngayon ang buhay ng mga manging isda rito.
07:01Sa nag-iisang eskwelahan, ramdam ang pag-asa.
07:05Yan, nakikita natin yung kabataan natin, di ba?
07:08Kabataan ang pag-asa ng bayan.
07:10Estimated more or less 150 students yung nag-aaral dito ngayon.
07:14Maliban sa content creators, inimbitahan din ng AFP
07:19ang chef mula sa Puerto Princesa City na si Chef Zaldi
07:24para naman magturo sa mga residente at mga sundalo ng food preservation.
07:29Ang tinuro ko sa kanila is iba't ibang klaseng isda
07:32na pwedeng gawing sardines at pwedeng gawing lamayo.
07:35Ba't maganda yung kutsilo sa'yo?
07:37Sobrang isila ng experience ko dito pero napakasaya
07:41kasi na-meet ko yung mga locals na naandito
07:44at nagbabantay sa ating mga isla sa pag-asa ay.
07:48Simple at payak pa rin ang buhay sa isla
07:51pero dapat protektahan at idepensa
07:54lalo na sa mga tangkang agawin ito.
07:58Nais din nilang kunin yung pag-asa
08:00sapagat ito ang main garrison natin sa West Philippine Sea.
08:03Number one, strategic because it will afford China
08:06through the Chinese Communist Party a buffer.
08:08Kung sakaling may conflict, hindi basta-basta makadikit
08:11ang mga kalaban because kontrolado nila ang waterway na ito.
08:14Pangalawa, yaman, dagat, natural resources.
08:17Gas and oil deposits, fishing rights, kasama lahat yan.
08:21Yan yung 1970s oil crisis kasi.
08:23At nakita natin na yung pinaka-maari nating mapagkukunan ng langis
08:27ay nandun sa area na yun.
08:29Hanggang ngayon, hindi pa rin tinatanggap ng China
08:33ang ruling ng International Court noong 2016
08:37para igawad sa Pilipinas ang karapatan nito sa West Philippine Sea.
08:43Pinawalang visa ng International Court
08:46ang pag-angkin ng China sa mga teritoryo ng Pilipinas
08:50sa ating EEZ o Exclusive Economic Zone
08:54sa pamagitan ng pagtalaga nito ng 9-Line Claim.
08:58Sa kanila daw yan, base sa kasaysayan,
09:01pero napatunayan natin na walang basihan.
09:05And as a matter of fact, bago lamang yung claim na yan.
09:09So lahat ng mga argumento nila tungkol doon
09:11ay napawalang visa dahil sila rin ay lumagda
09:15doon sa UN Convention on the Law of the Sea, yung unklos,
09:19na batas international para nga sa lahat ng karagatan.
09:22Time! Stop! It's an arbitrary!
09:23Kaya hanggang ngayon, panay ang girian
09:27sa pagitan ng Pilipinas at ng China.
09:30Kung hindi man dito sa Spratly o Kalayaan Islands,
09:34pati na malapit sa Ayungin Shoal
09:37kung saan nakasadsad ang BRT Sierra Madre ng Pilipinas
09:41at kahit pa sa Scarborough o Panatag Shoal
09:45malapit sa Zambales.
09:47Yung China ayaw sundin ang international law.
09:51Ayaw din niyang kilalanin yung mga karapatan ng Pilipinas
09:54doon sa sarili niyang katubigan.
09:56Kung gusto talaga nating proteksyonan ang Pilipinas,
10:00kailangan iisa lang ang posisyon natin
10:02pagdating dyan sa West Philippine Sea.
10:04Yung development ng pag-asa,
10:06we should be able to integrate them closer
10:08to mainland Palawan, mainland Luzon
10:10para ang mga tao doon will not feel isolated.
10:13Ang pag-asa, ang Ayungin, ang Scarborough,
10:16ang Northern Islands are part and parcel
10:20of Philippine territory.
10:21Hindi tayo pasisi-il.
10:22We are among the fiercest warriors
10:24that history has ever seen.
10:27Ating mga kababayan,
10:28they may not be in the uniformed service,
10:30pero being there, bayani po sila, ma'am.
10:32Mahal na mahal nila yung bansa natin
10:34that they are willing to stay there
10:36despite the ongoing issue.
10:38Ang West Philippine Sea,
10:41pipingsaksi sa paghamon ng ibang bansa
10:45sa ating karapatan.
10:47Hindi man tiyak kung hanggang kailan
10:50kailangang ipaglaban.
10:52Huwag natin ipamigay, nakakapanghinayang.
10:55Huwag tayong mawalan ng pag-asa.
10:59West Philippine Sea,
11:00Thank you for watching, mga kapuso.
11:05Kung nagustuhan niyo po ang videong ito,
11:07subscribe na sa GMA Public Affairs YouTube channel
11:11and don't forget to hit the bell button
11:14for our latest updates.
11:16Thank you for watching, mga kapuso.
Comments