Skip to playerSkip to main content
-Menor de edad na tumatakas sa mga kumuyog sa kanya, nabundol ng motorsiklo


-PAGASA: Shear Line, nagpapaulan sa ilang bahagi ng Visayas at Mindanao


-Senior citizen, patay matapos mabangga ng van sa Brgy. San Miguel; isa, sugatan


-Pagdinig ng LTFRB sa fare hike petitions, sisimulan sa susunod na linggo


-LTO: Temporary certificates of registration muna ang ibibigay dahil kulang ang supply ng security paper na gamit sa official document


-Acting Sec. Vida: Hindi pinayagan ng DOJ si dating DPWH Sec. Bonoan na umalis sa Pilipinas; kailangan niyang magpaalam sa korte


-Cellphone sa isang tindahan sa Brgy. Poblacion 3, tinangay ng nagpanggap na customer


-Bangkay ng lalaking nakabalot sa sako at lona, natagpuan sa tabing-ilog


-Cassy Lavarias, sinabing dream come true ang pagganap bilang Gaiea sa "Encantadia Chronicles: Sang'gre;" marami raw dapat abangan


-VP Sara Duterte, idineklarang tatakbo siya sa pagka-presidente


-SUV, bumangga sa ilang concrete barrier sa EDSA


-Kumpol ng mga lobong nilipad sa pagsalubong sa Chinese New Year, sumabog


-Locker room ng isang supermarket, ninakawan; 2 empleyado, nawalan ng cellphone at iba pang gamit


-Asong nakatali sa umaandar na tricab, nakaladkad


-Mga guro mula Bulacan at Pampanga, nag-oathtakng matapos ma-promote bilang bahagi ng Expanded Career Progression Program


-Usec. Castro: Ipinauubaya ng Pilipinas sa ICC ang pagdinig sa kasong Crimes against Humanity ni FPRRD sa pamamagitan ng R.A. 9851


-Sen. Bong Go, hindi raw natatakot sakaling may warrant of arrest siya mula sa ICC; iginiit na wala siyang kasalanan


-Lalaking lumabas mula sa nasusunog na convenience store, nasilaban ang kasuotan; kaha ng tindahan, nawawala


-Ikaapat na impeachment complaint laban kay VP Sara Duterte, inihain ng isang abogado


-INTERVIEW: REP. GERVILLE LUISTRO, CHAIRPERSON, HOUSE JUSTICE COMMITTEE


-Biker, sugatan nang mabundol ng pickup sa Brgy. Banilad


-Ph tennis star Alex Eala, pasok sa Dubai Tennis Championships Quarterfinals


-GMA Network, TV Station of the Year sa 11th Platinum Stallion National Media Awards 2026 ng Trinity University of Asia


-Julie Anne San Jose, naka-duet si Josh Groban sa isang concert sa Pasay


-Batang pinalaro ng "Pick Your Favorite Person," si Lolo ang laging pinipili


For Kapuso abroad, subscribe to GMA Pinoy TV (http://www.gmapinoytv.com/) for GMA programs, including the full version of Balitanghali.

Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time).

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
Transcript
00:30Huli ka ang pagkakabundol ng motorsiklo sa isang lalaki sa Maynila.
00:34Ang lalaki po ay minor de edad pala na tumatakas mula sa mga kumuyog at sumaksak sa kanya.
00:41Isinuko naman sa barangayang nanaksak na isa ring minor de edad.
00:45Balita natin di Jomera Presto.
00:52Kita sa CCTV ang pagbundol ng motorsiklo sa lalaking nakaitim sa G2L streets sa Sampalok, Maynila nitong linggo.
01:02Sa isang cellphone video, may kita ang galit na driver ng motor na biglang sinakal ang lalaking nakaitim.
01:08Natumba kasi ang sinasakyan niyang motor matapos biglang tumawid sa kalsada ang lalaki.
01:12Ang lalaki na isa palang minor de edad, napagalaman kalauna na may saksak sa katawan mula sa tinakasang pagkuyog sa
01:19kanya.
01:23Bago mabundol, may kitang 15 anyos na biktima habang kinokompronta ng tatlong lalaki na kapwa niyang minor de edad.
01:29Maya-maya, bigla siyang tinadyakan at ilang beses sinuntok ng lalaking nakaputing sando at tumulong na rin ang iba.
01:36Isang lalaking nakapulang hoodie naman na may hawak na patalimang nanaksak sa braso ng biktima.
01:40Tinabol pa ng mga lalaki ang biktima na nooy nakatakbo pa.
01:43Doon na siya nabundol ng motorsiklo.
01:51Tumaka sa mga minor de edad na nanakit.
01:53Isinugod sa ospital ang biktima.
01:56Ayon sa XO ng barangay 546, isinurender sa kanila ang lalaking nanaksak na anak daw ng isa sa mga tanod
02:03nila.
02:04Nakita namin talaga nandun sa kanto.
02:06Naka-alerto naman kami pag may hawai.
02:08Ang ibang kasama ng lalaking nanakit, dayo lang daw at hindi na nila mahagilap.
02:12Ayon sa nanay ng lalaking nanaksak, binanggit ng kanyang anak na naunaan niyang manakit ang biktima.
02:18Maraming rin ang sabi na parang gumanti lang po ang aking anak dahil po pinagsasampal, maraming po nakakita.
02:25Hindi ko lang po alam sir kung kailang nangyari, kung ilang weeks o ilang days.
02:30Aminado naman siyang ilang beses nang naipabarangay ang kanyang 15-anyos na anak dahil sa pakikipag-away.
02:36Humingi siya ng paumanhin sa biktima at mga magulang nito.
02:39Sinagod naman ang motorcycle rider na nakabundol ang pagpapagamot sa biktima na nakalabas na ng ospital.
02:47Jomer Apresto nagbabalita para sa GMA Integrated News.
02:57Pinaalerto ang ilang taga-Bisayas at Mindanao sa maulang panahon ngayong Huwebes.
03:02Ayon sa pag-asa, apektado ang Karaga, Davao Region, Northern Mindanao, Soxargen, Eastern Samar, Samar, Biliran, Leyte, Southern Leyte, Cebu,
03:13Bohol, Basilan, Sulu at Pawi-Tawi.
03:17Shear line o ang pagsasalubong ng manamig na amihan at ng mainit na easterlies ang magdadala ng ulan doon.
03:23May bantarin na posibleng pagbahaulan slide sa mga nasabing lugar.
03:27Ang Luzon kasama ang Metro Manila at ilan pang panning ng Visayas, apektado naman ang surge ng amihan.
03:34Naitala ngayong araw ang 13.4 degrees Celsius na minimum temperature sa Baguio City, habang 22.5 degrees Celsius dito
03:42sa Quezon City.
03:45Ito ang GMA Regional TV News.
03:51Mainit na balita mula sa Luzon, hatid ng GMA Regional TV.
03:55Patay ang isang babaeng senior citizen matapos mabangga po ng isang van dyan sa Kalasyao, Pangasinan.
04:02Chris, may detalya na ba tayo sa nangyari?
04:06Pony, tumatawid sa kalsada ang biktima kasabay ang isa pang babae nang mabangga sila.
04:12Sa video, kita ang mga biktima na nakahandusay sa kalsada sa barangay San Miguel habang nirerespondihan ng mga otoridad.
04:19Sugata ng babae kasabay, nakasabay ng senior citizen.
04:23Wala sila sa pedestrian lane nang tumawid.
04:25Ay sa driver ng van, hindi niya napansin ang pagtawid ng dalawa kaya hindi siya nakaiwas.
04:32Maharap siya sa reklamong reckless imprudence resulting in homicide and serious physical injury.
04:37Tumangging magbigay ng pahayag ang pamilya ng mga biktima.
04:43Sisimulan na sa susunod na linggo ang paggadinig ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board
04:49sa mga petisyong taas-pasahe sa mga pampublikong sasakyan.
04:53Kasunod ito ng seri ng taas presyo sa mga produktong petrolyo at lumalaki umanong gasto sa maintenance.
04:59Ayon sa LTFRB, magsasagawa rin ng public consultations.
05:03Kukonsulta rin sila sa ilang ahensya ng gobyerno.
05:06October 2023, huling inaprubahan ang pansamantalang pisong taas-pasahe sa mga PUV.
05:12Wala pang tugon ng LTFRB sa mungkahing fuel subsidy sa mga driver.
05:18Abiso naman mula po sa Land Transportation Office,
05:21temporary certificates of registration muna raw ang ibibigay para sa mga irerehistrong bagong sasakyan.
05:28Kulang daw kasi ang supply nila ng security paper na ginagamit sa opisyal na dokumento.
05:33Nagkaroon daw kasi ng delay sa delivery nito.
05:36Bagay na inaayos na raw ng LTO sa lalong madaling panahon.
05:40Sako po na mga i-issuehan ng pansamantalang certificates of registration,
05:45ang motor vehicles, motosiklo at trailers.
05:48Makikipag-ugnayan daw ang LTO sa mga may-ari ng sasakyan kapag available na
05:53ang official version ng certificate of registration.
06:02Nilinaw ng Department of Justice na hindi sila o hindi nila pinayagang umalis ng Pilipinas
06:06si dating Department of Public Works and Highway Secretary Manuel Bonoan.
06:10Ito'y matapos sabihin ni Bonoan itong lunes na nagpaalam siya sa DOJ
06:14na babiyahay pa Amerika kung saan nagpapagamot ang kanyang misis.
06:18Kinumpirma ni Acting DOJ Secretary Frederick Vida na nagsabi nga sa kanila si Bonoan
06:23pero dapat nagpaalam ang dating kalihim sa korte.
06:27Naglabas ng Precautionary Hold Departure Order ang Manila Regional Trial Court laban kay Bonoan,
06:32gayon din kay Sen. Jingo Estrada at sa tatlong dating opisyal ng DPWH.
06:38Inaimbestigahan ng limang personalidad dahil sa mga reklamong plunder, graft at bribery
06:42kaugnay sa questionableing flood control projects.
06:46Sinisika pa rin kunin ang pahayag ni Bonoan kaugnay ng Precautionary Hold Departure Order.
06:54Huli ka ang pagpasok ng lalakingan sa isang tindahan sa barangay Poblasyon 3 sa Hamtik Antike.
07:01Kinuha niya ang cellphone na nasa mesa.
07:04Bago lumabas, pinatong niya yan sa lalagyan ng mga panindah.
07:07Ilang sandali, bumalik siya at doon na kinuha ang cellphone at saka umaliks.
07:12Ayon sa may-ari ng tindahan, nagpanggap na customer ang suspect para maging abala sila at gawin ang pagnanakaw.
07:18Inaalam pa kung kasabwat ng suspect ang isang mga lalaking nakunan ng CCTV.
07:23Aabot sa 10,000 piso ang halaga ng natangay na cellphone.
07:27Pinaghanap na ng pulisya ang mga lalaking nakunan ng CCTV.
07:34Pasintabi po sa mga kumakain.
07:37Naaagnas na po ang bangkay ng isang lalaki na nakabalot sa sako at lona ang natagpuan sa tabing ilog po
07:43dyan sa Rodriguez Rizal.
07:45Ayon sa pulisya, posibleng sa ibang lugar itinapon ang bangkay at inanod na lamang sa ilog.
07:51Balitang hatid ni EJ Gomez.
07:55Sa gilid ng ilog sa barangay San Jose Rodriguez Rizal, natagpuan ang bangkay ng isang lalaking nakabalot ng sako at
08:04lona.
08:05Ayon sa pulisya, isang residente ang unang nakakita nito at ipinagbigay alam sa barangay sa kainireport sa pulisya.
08:14Natuklasan po natin na ang laman ng sako ay isa pong tao po.
08:19Nasa state of decomposition na po, lalo-lalo yung mukha, hindi na siya makakilala.
08:24Ang lalaki, nakasuot ng itim na t-shirt at itim na shorts.
08:28May mga tatu sa braso, hita at tiyan.
08:32Posibleng tama ng baril ang sanhinang pagkamatay ng lalaki ayon sa pulisya.
08:38Hindi natin inaalis yung posibleng na tama ng bala, yung nasa noob.
08:41Four confirmatory pa rin po yan sa SOCO report kasi under pa naman ng technical investigation.
08:49Maaring sa ibang lugar daw itinapon ang bangkay at inanod lang sa ilog patungong Rodriguez Rizal.
08:55Yung lugar ma'am ng pinagtagpuan ng bangkay ay medyo isolated po siya.
09:02Tabing ilog, walang CCTV na naka-install, bibihira po ang taong dumadaan doon.
09:08Inaalam pa na mga otoridad ang pagkakakilanla ng biktima.
09:12Kung meron mga kaanak o mga kakilala na may nawawalan ng mga kamag-anak,
09:18ay agad na magtungo sa himpila ng polisya ng Rodriguez Rizal Police Station upang ma-resolva agad itong klaseng insidente
09:27neto.
09:27E.J. Gomez, nagbabalita para sa GMA Integrated News.
09:37We're best latest mga mari at pare.
09:40Expect the unexpected.
09:42Yan ang sabi ni Cassie Lavarias na gumaganap bilang Gaya sa Encantadia Chronicles Sangre.
09:49Kabilang daw sa mga dapat abangan ng Encantatics kung ano ang magiging mahalagang papel ni Gaya para sa mga Sangre
09:56at sa Encantadia.
09:58Kwento ni Cassie Dream Come True para sa kanya ang role niya na nasawi para bigyang daan ang pagsilang kay
10:04Tera, played by Bianca Umali.
10:06Sa pagpanaw ni Tera, curious tuloy ang marami kung ano na ang mangyayari kay Gaya.
10:15Gandaan namin pong mangyayari. Unexpected things ang mangyayari po doon sa role ko doon.
10:20Kaya abangan niyo po yun.
10:21Marami po siyang gagawin para mabuhay.
10:23Tutulong po siya para po mas gumanda ang Encantad.
10:28Sa pag-anunsyo ni Vice President Sara Duterte na tatakbo siya sa pagkapangulo, humingi rin siya ng tawad sa naging
10:36ambagdao niya kaya nanalo si Pangulong Bongbong Marcos.
10:40Bumwelta naman dito ang Malacanang sabay-sabing may mga bagay na dapat unahing ihingi ng tawad ng Vice President.
10:48Balitang hatid ni Ian Cruz.
10:52May ikit dalawang taon pa bagong eleksyon 2028.
10:56Ako si Sara Duterte. Tatakbo bilang Pangulo ng Pilipinas.
11:04Nagdeklara na si Vice President Sara Duterte na tatakbo siya sa pinakamataas na posisyon sa bansa.
11:10I offer my life, my strength, and my future in the service of our nation.
11:23Mga kababayan, ibalik natin ang tapang at malasakit para sa Diyos, sa bayan, at para sa bawat pamilyang Pilipino.
11:37Kasabay niyan, humingi siya ng paumanhin sa mga Pilipino sa naging ambag niya sa pagkapanalo ni Pangulong Bongbong Marcos.
11:45Tumakbo sila bilang magkatandem noong 2022.
11:49Mga kababayan, humihingi ako ng paumanhin.
11:59Patawad kung tinulungan ko mahalal si BBM bilang Pangulo ng ating bansa.
12:09Sa kanyang talumpatik, ipinaliwanag ng vice ang umanoy mitya ng lamat sa pagitan niya at ng dating katandem sa Uniteam.
12:18Sa unang mga buwan ng aming mga termino, nakita ko na ang kawalan ng katapatan ni Bongbong Marcos Jr.
12:32sa mga pangakong binitawan noong kampanya, pati na sa kanyang sinumpaang tungkulin para sa bayan.
12:45Dahil hindi ko kinaya na maging bahagi ng 2025 national budget na tad-tad ng katiwalian,
12:59pinili kong umalis sa kabinete.
13:03Kahit alam ko na mula pa noong 2023 na ang magiging kapalit ay ang aking impeachment.
13:18Patawad kung hanggang ngayon ay marami pa rin Pilipino ang nalulunod sa baha ng dahil sa malawakang korupsyon.
13:34Matapos ang anunsyo, hindi na muna pinaunlakan ang mga gustong magtanong sa vice.
13:39Tugo naman ang palasyo sa plano ng vice.
13:42Good luck!
13:43Yan din daw mismo ang sabi ng Pangulo.
13:46Can you describe to us how he said that ito po ba ay may good luck po kasi na sincere,
13:52may good luck na sarcastic?
13:54Kapag po kasi nagsasabi si Pangulo ng good luck, nakangiti naman siya eh.
13:59So kung sarcastic to o hindi, hindi ko masasabi.
14:05Nagbigay rin ang komento ang Malacanang sa paghingi ng paumanhin ni Vice President Duterte sa pagkakahalal sa Pangulo.
14:12Ang taong bayan ang naghalal kay Pangulo Marcos Jr. Kung ano man po ang natulong niya, pareho naman po silang
14:20nagtulungan dahil ito ay uniteam.
14:21Kaya huwag niya pong solohin ang kredit kung nanalo man ang Pangulo.
14:26Kasunod nito, ang mahabang listahan ng mga mas dapat daw ihingi ng tawad ng vice Presidente.
14:32Pinag-uusapan po ba ang korupsyon, ang katiwalian?
14:36Siguro po dapat mauna muna na ihingi niya ng tawad kung ano man ang mga isyo ng korupsyon at katiwalian
14:45at di o man ang paglulustay ng confidential funds ng kanyang dalawang opisina at the time, OVP at ng DepEd.
14:53Dapatin daw humingi ng tawad ng vice para sa extrajudicial killings sa pagwabanta sa buhay ng Pangulo,
15:00sa pagpapakalat ng fake news, sa palpak daw na pamamalakan sa DepEd at ang paninira raw sa administrasyon.
15:08Sinagot din ang palasyo ang mga banat ng vice na lubog sa bahaang bansa.
15:12Pagay na nangyari rin naman daw noong panahon ng kanyang ama.
15:16Inanunsyo ng vice ang desisyon nitong tumakbo sa pagkapangulo sa gitna ng kinakaharap na impeachment complaints
15:23at halos isang linggo bago ang confirmation of charges hearing sa kaso ng amang si dating Pangulong Rodrigo Duterte sa
15:31International Criminal Court.
15:32Ian Cruz nagbabalita para sa GMA Integrated News.
15:38Nasalpok ng isang SUV ang concrete barrier sa bahagin ng EDSA sa Kaloocan.
15:43Pasado alas 12 kasi ng madaling araw, wasak ang harapang bahagin ng SUV.
15:48May nawasak din concrete barriers.
15:50Wala namang nasugatan sa insidente.
15:52Ayon sa driver, may iniwasan siyang motorsiklo kaya siya sumalpok sa mga barrier.
15:57Ayon sa MMDA, aabot sa mahigit 21,000 pesos ang halagaan ng pinsala sa mga barrier.
16:05Isang CCTV footage yung inilabas ng pulisya kaugnay sa chop-chop na katawan sa isang drum na natagpuan itong linggo
16:10sa Maynila.
16:12Sa video, makikita ang isang Chinese national na itilutulak ang drum papasok ng elevator.
16:17Pumingi siya ng tulong sa isang security guard.
16:20Isinakay nila yan sa isang utility van na nasa baba ng kondo.
16:24Ayon sa pulisya, nagsumbong ang may-ari ng utility van matapos nilang mapanood sa TV ang ulat tungkol sa drum
16:30na may lamang pira-pirasong katawan ng tao.
16:33Kwento ng driver ng van, lipat-bahay ang sinabi sa kanila ng mga umarkila.
16:39Doon na pinasok ng pulisya ang tinukoy na kondo unit at na-aresto ang lalaking kumontrata sa utility van.
16:45Wala siyang pahayag.
16:47Tinutugis ng Chinese national na nakunan sa CCTV na itinutuling na principal suspect.
16:58Sumabog ang kumpol ng mga nilipad na lobo sa gitna ng pagsalubong sa Chinese New Year sa Binondo, Maynila.
17:04Ayon sa uploader, saglit na nagkagulo ang mga tao dahil sa pagsabog.
17:08Ayon sa isang opisyal ng barangay, wala namang nasaktan sa insidente.
17:12Inaalam pa ang sanhinang pagsabog ng mga lobo.
17:15Paalala mga kapuso, flammable o madaling maglihab ang hydrogen na isa sa mga ginagamit na gas para mag-inflate ng
17:22floating balloons.
17:22Mas nigtas na alternatibo para sa safety experts ang helium gas na hindi naglilihab sakaling pumutok ang lobo.
17:31Viral ang video ng asong nakaladkad habang nakatali sa umaandar na tricab sa Villanueva, Misamis, Oriental.
17:39Kuha ang video sa crossing dayawan.
17:42Ayon sa pulisya, ipinatawag nila ang may-ari ng aso na sinabing kamag-anak niya ang driver ng tricab.
17:47Hindi raw sinasadya na makaladkad ang aso dahil hindi na malayan ang driver na nakatali pala sa tricab ang aso
17:55bago siya bumiyahe.
17:56Agad naman daw tumigil ang driver ng masabihan mga nakakitang motorista.
18:01Sinuri na raw ang aso at maayos ang kondisyon nito maliban sa mga sugat sa paa.
18:06Naibalik na ang aso sa mga amo nito na nangakong hindi na mauulit ang insidente.
18:11Hindi na sila sinampahan ng reklamo.
18:16Daang-daang guro mula sa Bulacan at Pampanga ang sabay-sabay nanumpang ngayong umaga para sa kanilang promotion.
18:22Sa ilalim po yan ang Expanded Career Progression Program.
18:25Detali po tayo niya sa ulot on the spot ni Ivan Mayrina.
18:29Ivan?
18:31Magandang pahali ko ni nasa halos dalawang libong guro mula sa Bulacan at Pampanga ang napromote.
18:37Wala nang may sabatasang career progression program para sa mga guro.
18:41Sinasihan ni Paolongbongbong Marcos ang mass oath-taking nila dito sa San Jose del Monte sa Bulacan.
18:47Ang mga guro ay yung mga ilang dekada na sa servisyo pero niminta hindi nakatikip ng promotion.
18:53Pero ngayon na-promote bilang o sa ilalim na career progression program na naisabatas dito na karang taon lang.
18:59Ang programang ito ay nagtagda ng structured at competency-based na sistema kung saan ang mga guro ay may malinaw
19:06na teaching at leadership track at may kaakibat na pag-angat sa ranggo at sa benepisyo.
19:12Akilang sa mga nakusunod natin, Connie, para tira na ngayon taon at tatlong dekada ng Teacher 1 pero ngayon, promoted
19:18na sa Teacher 4.
19:19May mga principal din na napromote sa ilalim ng programa.
19:23Malaking bagay daw ito para sa kanilang moral at dignidad bilang guro at nakaramdang sila ng pagkilala sa kanilang servisyo.
19:29Sa kanya naman talong pati yung ginihiti sa Ulungbongbong Marcos, ito ay pagkilala sa malaking papel ng mga guro sa
19:35paghubog ng mga kamataan at sinabukasan ng bayan.
19:38Kaya naman anya isinulong niya ang pagsasabatas na ito dahil hindi raw siya papayag na may magre-retirong guro na
19:44Teacher 1 pa rin ang ranggo.
19:46Muli niyang sinabi na ang nalalabing taon ng kanyang termino, ilalahan sa edukasyon.
19:50At ngayong 2026 nga, anya ay mahigit 1.3 triliyon peso sa inilaan sa edukasyon.
19:57Present Connie sa seremonya si Education Secretary Tani Angara at mga lokal na opisya ng Pampanga at Bulacan.
20:04Sa bilang si Pampanga 2nd District Representative Gloria Macapagal-Arroyo, sinubukan namin kunan ng pahayag ang dating Pangulo
20:10tungkol sa pagdeklarang tatakbong Pangulo si Vice President Sara Duterte na kanyang saalyado pero hindi siya nagpa-unlock.
20:16Magyan Pangulo, sinubukan natin tanungin tungkol sa pagtakbong ng D.P. Sara pero kumawain lamang siya.
20:22Balik sa'yo Connie.
20:23Maraming salamat, Ivan Mayrina.
20:27International Criminal Court is now in session.
20:31Rodrigo Roa Duterte.
20:41Hindi dadalo si dating Pangulong Rodrigo Duterte sa confirmation of charges hearing
20:45simula sa Lunes, February 23, para sa kaso niyang Crimes Against Humanity sa International Criminal Court.
20:52Batay sa sulat ni Duterte sa Free Trial Chamber 1,
20:56sinabi niyang ipinauubay na niya sa kanyang defense team ang pagkwestiyon sa ebidensya ng prosekusyon.
21:01Hindi pa rin niya kinikilala ang horisdiksyon ng ICC.
21:07Pinerza lang daw siyang madala sa The Hague Netherlands na niya ay paglabag sa konstitusyon at sovereignty ng Pilipinas.
21:13Tinawag niyang pagkidnap ang kanyang pagkakaaresto na pinumunuan daw ni Pangulong Bongbong Marcos.
21:20Isa rin daw malaking kasinungalingan na pinangasiwaan niya ang pulisya para sa extrajudicial killings.
21:27Tinagamit lang daw ito ng mga kalaban niya sa politika.
21:30Hindi raw niya gugustuhin pumunta sa pagdinig saan niya'y malilimutan lang din niya sa loob ng ilang minuto.
21:36Matanda na raw siya, pagod at mahina.
21:41Hiling niya respetuhin ang korte ang kanyang kapayapaan sa loob ng kanyang serda.
21:48Kaugnay sa pahayag ni Duterte na pagkidnap ang pagaresto sa kanya,
21:52sabi ni Palace Press Officer Undersecretary Claire Castro
21:55na ipinuubay na raw ng gobyerno ng Pilipinas sa ICC ang pagdinig sa kaso ni Duterte
22:00sa pamamagitan ng Republic Act 98510 o ang Philippine Act on Crimes Against International Humanitarian Law,
22:07Genocide and Other Crimes Against Humanity.
22:09Sa ilalim kasi nito, ititigil na raw ng Pilipinas ang pag-iimbestiga
22:14kung tinidinig na ito sa isang international tribunal o court.
22:20Sa gitna ng pagtawag sa kanya ng ICC prosecution na co-perpetrator
22:25umano sa Cas and Crimes Against Humanity ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.
22:29Tuloy pa rin si Senator Bongo sa kanyang trabaho sa Senado.
22:33Sakaling ma-issuhan siya ng arrest warrant mula sa ICC,
22:36hindi raw siya matatakot dahil wala siyang kasalanan.
22:40Balitang hatid ni Joseph Morong.
22:45Limang araw mula na ang pangalanan ng Office of the Prosecutor ng International Criminal Court
22:50bilang co-perpetrator umano ni dating Pangulong Rodrigo Duterte sa Crimes Against Humanity.
22:56Dumalo sa sasyon ng Senado si Senador Bongo.
22:58Anya, hindi siya natatakot ma-issuhan ng warrant of arrest
23:01dahil inosente raw siya sa mga ipinaparatang sa kanya.
23:05Importante rito, dapat bear po.
23:08Dumaan sa tamang proseso, hindi naman po ako takot dahil wala naman po akong kasalanan.
23:14So hindi kayo mawawala sa Senet? Hindi po kayo absent or anything?
23:17Kaya nga ako nandito eh.
23:19Tuloy raw siya sa pagtatrabaho sa kabila ng ANI ID patas na paratan ng ICC Office of the Prosecutor.
23:25I firmly dispute the allegations in that document which are entirely unfounded at one-sided at napaka unfair naman po
23:36yun sa party ko.
23:38Ang aking trabaho ay naayon sa batas ng tao at naayon sa batas ng laws.
23:44Ang Senate minority na kinabibilang ang na Senador Goh, may binubong resolusyon tungkol sa pagrespeto sa mga korte ng bansa.
23:52Ang spirit ng ating konstitusyon ay kung may problema, pwede kang tumakbo sa Philippine Courts.
23:58So hindi naman pwede na pag sinabi ng ICC o kahit anong international court na may arrest, dadamputi mo na
24:05lang dito, dadalin mo sa ibang bansa.
24:08Kung ganun ang interpretasyon, napaka-delikado.
24:10Hindi raw dapat otomatik ang pagpupatupad ng arrest warrant ng ICC.
24:15Sira ang ating constitutional framework and the concept of sovereignty.
24:19Kung ang ating local courts ay gagawin nilang powerless, nababawasan ba yung human rights kung yung isang tao ay nakakatakbo
24:27muna sa korte?
24:29Dati nang sinabi ng Malacanang na ngayong lumabas na ang pangalan ng mga co-perpetrator umano.
24:33Sa war on drugs, handa silang makipagtulungan sa Interpol.
24:37Gaya na nangyari nung arestuhin si dating Pangulong Rodrigo Duterte Marso ng nakaraang taon.
24:43Hindi raw ito pagsuko ng soberanya kundi pagtupad sa obligasyon ng bansa sa Interpol.
24:482019 nang kumalas ang Pilipinas sa ICC.
24:51Ayon kay Senate President Tito Soto, di pa na pag-uusapan ang posibilidad ng ICC warrant labang kay Go
24:58at kay Sen. Bato de la Rosa na isa rin sa pinangalan ng co-perpetrator.
25:02Ang tanong muna, is there an arrest? I'll cross the bridge when I get there.
25:07Are there members who would want a caucus? Then I'll call the caucus.
25:11Hindi pa pero hindi ko pang umunahan.
25:13Si de la Rosa tinanggal na bilang miyembro ng Senate Luribon Committee.
25:18Nobyembre pa siya huling pumasok sa Senado.
25:20Pumalit sa kanya si Sen. Robin Padilla.
25:22Ang DOJ hinihintayang desisyon ng Korte Suprema sa petisyon ng mga dotete na kumikwestyon
25:28sa legalidad ng pag-aresto sa dating Pangulo at pagdala sa kanya sa dahiga.
25:34The DOJ takes the position that it will be prudent to wait the resolution of the Supreme Court
25:39before it acts upon any alleged warrant should one be issued.
25:46Pero meron din daw tinatawag na executive prerogative o otoridad ng ehektibo na pinamunuan ng Pangulo.
25:52Meron po tayong batas either through extradition or surrender.
25:57Ito pong matter na ito ay executive prerogative.
26:00Kunwari, may warat na po.
26:02Executive prerogative po to either file for extradition, assuming na merong extradition treaty,
26:08and lastly to surrender or in the alternative to surrender the individual.
26:13Yun po yung kapangyarihan ng Estado.
26:15Makita po natin yan sa ilalim ng batas.
26:17Ayon pa sa DOJ, meron din responsibilidad ang Pilipinas sa international community.
26:22If in the Philippines being part of a community of nations,
26:27if we do not comply with this obligation,
26:30sa mga pagkakataon po kunwari na tayo naman po humingi ng tulong sa Interpol,
26:35hindi po tayo ganung kadali pagbibigyan.
26:37Primary consideration here is our deference to the Supreme Court.
26:42Sa petisyon ng mga anak at agasuporta ni Duterte sa Supreme Court,
26:46iligal umano at walang due process ang sapilitan umano ng pagkuha kay Duterte
26:50at pag-surrender sa kanya sa ICC.
26:53Wala umano na ipakitang official and sealed copy ng warrant of arrest
26:57mula sa ICC ang mga opisyal ng gobyerno.
27:00Wala rin umano itong akses sa legal counsel noong panahon na yun.
27:03Sinabi naman ng Office of the Solicitor General sa memorandum nito sa Supreme Court itong Enero
27:08na nerespeto nito ang karapatan ni Duterte sa buong proseso ng pag-aresto at pag-surrender dito.
27:14Joseph Morong nagbabalita para sa GMA Integrated News.
27:22Huli ka ang magpagsiklab ng sunog sa isang convenience store sa Thornton, Australia.
27:27Ilang sandali kitang tumatakong palabas ng gusali ang isang lalaking na silaba ng suot na damit.
27:32Ayot sa mga polis ng New South Wales,
27:35maliit lang ang naging pinsala sa tindahan pero napagalamang nawawala ang kaha sa loob.
27:40Hindi pa malinaw kung paano nagkasunog sa tindahan.
27:43Dalawang tao ang tinutugis ng mga otoridad.
27:46Kaugnay sa insidente.
27:50Sinampahan po ang ikaapat na impeachment complaint si Vice President Sara Duterte
27:54ilang oras matapos niyang i-anunsyo na tatakbo siya sa pagkapangulo.
27:58Ang reklamo ay inihain sa attorney Nathaniel Cabrera sa House Secretary General.
28:04Sina Manila 6th District Representative Benny Abante at House Deputy Speaker Paulo Ortega V
28:09ang nag-endorso sa impeachment complaint.
28:12Kabilang po sa mga batayan ng reklamo, ang pagdustay umano sa confidential funds,
28:17pagbabanta umano sa buhay ng Pangulo at hindi umano pagdeklara ng lahat ng ari-arian sa kanyang statement of assets,
28:25liabilities and net worth o sal-end.
28:27Dati nang itinanggi ng vice ang mga paratang, sabi ng defense team ni VP Duterte na gaya ng naunang impeachment
28:34complaints,
28:36sasagutin nila ang lahat ng aligasyon ng buo at sa tamang panahon alinsunod sa konstitusyon.
28:41Para sa ilang mong babatas, ang anunsyo ng vice na tatakbo siya sa pagkapresidente ay posibleng taktika
28:47para ilihis ang usapin ng impeachment proceedings laban sa kanya.
28:53Malinaw na kalkulado yung timing ng announcement bago isa lang at lumarga yung impeachment complaint laban sa kanya sa kongreso.
29:04Kapag kinunbik si VP Sara, magagalit yung kanyang supporters, which is about 30 plus percent ngayon,
29:15baka mag-gather pa ng public sympathy, baka kahit sinong Duterte ang lumaban, manalo.
29:23At kaugnay po sa ika-apat na impeachment complaint na inihain laban kay VP Sara Duterte at iba pang issue,
29:30kausapin po natin si House Justice Committee Chairperson at Matangas 2nd District Representative Jerviel Luistro.
29:36Magandang umaga at welcome po sa Balitang Hali, ma'am.
29:40Magandang umaga, Connie, and thank you for having me here.
29:43Ma'am, may mga nagsasabi sa timing daw ng pagkakahain ng ika-apat na impeachment complaint laban kay VP Sara
29:49Duterte,
29:50e baka magkakonekta ho yan kasi matapos nagdeklarang na nga, natatakbo siya bilang Pangulo sa 2028 elections.
29:57Ano ho ba ang tingin nyo dyan?
29:59Well, we cannot comment on that, no?
30:01And as far as the Justice Committee is concerned,
30:04ang trabaho namin is to wait kung kailan ma-transmit ito sa Justice Committee
30:11and to conduct the same deliberation and evaluation that we had.
30:18Similar dun sa nangyari ka sa impeachment complaint against the President, no?
30:24As to whatever is the motive about the filing of the fourth impeachment complaint,
30:29we are totally unaware of that.
30:32Okay, pero sa nakikita ho natin, parang yung unang tatlo at ito pong pang-apat
30:37ay parang pare-pareho lang halos yung kanila pong nandoon sa content
30:41ng kanila pong inihain for impeachment.
30:43Meron ho bang limitasyon o deadline sa bilang ho na maaari pang mag-high-end
30:49ng impeachment complaint laban kay VP, Sara?
30:53Under the rules, Connie, no?
30:55Wala naman kasing restriction kung ilan ang pwedeng ma-file na complaint
30:59for as long as it is being filed within the regulatory period, no?
31:04We have to remember, hindi naman nagbago yung Francisco Ruling,
31:08ang what operates initiation in as far as impeachment complaint is concerned
31:15is kapag ka may referral na sa Justice Committee.
31:17To this date, wala pang referral, no?
31:20I think the first three impeachment complaints were transmitted already
31:24to the office of the Speaker.
31:26However, ito namang pang-apat, eh, perhaps nasa office pa ng Secretary General,
31:31but since wala pang nare-refer sa Justice Committee
31:35at hindi pa rin naglalaps yung 10 session days
31:39when the office of the Speaker is supposed to include
31:42all this impeachment complaints in the order of business of the plenary,
31:46so I think pwede pa, pwede pa mag-file ng impeachment complaint, Connie.
31:50Okay, possibly ho ba daw na maka-apekto kaya sa gagawing pagtalakay
31:54ng Justice Committee sa impeachment complaint laban kay VP Sara?
31:57Yung kanyang maagang pag-anunsyo ng pagtakbo bilang Pangulo sa 2028 elections, ma'am?
32:04I hope it will not affect, no?
32:06Kasi sana ma-realize ng mga members ng Justice Committee
32:11that this is a constitutional duty that we really have to face, no?
32:15This is not a question of gusto ba namin o ayaw namin.
32:19This is not a question of pro-administration ba kami o pro-Duterte ba kami, no?
32:25This is a constitutional duty na kairangang harapin ng members ng Justice Committee
32:31and ultimately by the members of all the members of the House
32:35when we already approve or disapprove the committee report of the Justice Committee.
32:42Okay, para naman ho doon sa makabayan block,
32:44e taktika rao yung deklarasyon ni VP Sara
32:46para mapigilan daw yung pag-usad ng impeachment case laban sa kanya.
32:50Ganyan rin ho ba kaya yung nakikita ninyong sentimento ngayon sa House?
32:56Connie, I am very conservative, eh.
32:59My perspective is as chairperson of the Justice Committee, no?
33:04So regardless of the consequence of the pronouncement of the Vice President kahapon
33:10and regardless of the motive of the complainants behind this four impeachment complaints already, di ba?
33:19Eh, ang iniisip lang namin sa Justice Committee is for us to be able to do our duty
33:27in as far as the determination of probable cause supporting the impeachment complaint is concerned, Connie.
33:34Malino po yan at may mga karagdagang tanong pa po ang aking partner na si Rafi Tima.
33:40Magandang natang hali po.
33:41Kung ano na po yung update dun sa tatlong naunang impeachment complaint laban kay VP Sara?
33:45Nabanggit nyo kanina na transmit na sa opisina ni House Speaker Bojidi.
33:48Ano na po yung susunod na hakbang doon?
33:50Yes, so from the date of referral to the office of the speaker, no?
33:56I'm just checking, no?
33:57The first and the second complaint were referred to the office of the speaker on February 5.
34:04Tapos, itong third complaint naman, referred to office of the speaker on February 9, no?
34:12So counting from February 5, Rafi, no?
34:16The office of the speaker is a period of 10 session days within which to include the impeachment complaints in
34:22the order of business.
34:24At kailangan ito ma-observe strictly, ha?
34:26Because if we don't, mag-ooperate yung pronouncement ng Supreme Court in the recent resolution.
34:33That because of inaction of the House of Representatives upon the lapse of the regulatory period,
34:41considered or deemed initiated already ang impeachment complaint, no?
34:46So given these dates, no, Rafi, yung first and second complaint, unang na-refer, unang na-transmit sa office of
34:54the speaker, February 5.
34:56So from February 5, we should count 10 session days.
35:00And within that period, dapat ma-include na sa order of business either some or all of the impeachment complaints,
35:07if that is the desire of the office of the speaker.
35:10At ngayon, apat na po yung impeachment complaint laban kay VP Sarah.
35:14Ganun din po ba yung magiging order kung ano yung nauna o kung ano yung mauunang makarating po sa inyo
35:18galing sa opisina ng House Speaker?
35:19So yun ang una niyong tatalakayin?
35:22Well, we're supposed to tackle everything na marirefer sa amin, no?
35:26Just like what we did in the past impeachment deliberation against the President, no?
35:31So ang ginawa naman kasi namin doon ay dine-liberate namin per impeachment complaint.
35:38And then we also deliberated upon per ground, di ba?
35:43So we will be following the same parameter, the same mode, the same deliberation.
35:48Pagdating dito sa impeachment process against the Vice President, no?
35:52But what is important, we should be mindful about that February 5, no?
35:56Kasi February 5, na-transmit sa office ni Speaker yung first two impeachment complaints.
36:02So very significant yung date na yun.
36:05Kasi from February 5, diyan tayo bibilang ng 10 session days within which dapat ma-include
36:11sa order of business ng plenary ang impeachment complaint.
36:15Not only those two, it may include also the third and the fourth.
36:19Basta yung 10 session days, it should be counted from February 5.
36:22Okay. Sa payag po ng Defense Team ni VP Sara, itutugun daw sila sa tamang panahon.
36:28Alinsunod sa konstitusyon, kailan po ba yung tamang panahon na dapat makatugun sila
36:33doon sa mga reklamo laban sa Vice Presidente?
36:36Well, since, Rafi, itong apat na impeachment complaints ay filed under the first mode, no?
36:42Sa pagka-endorsed ito by few members of the House, no?
36:48So I anticipate na ito lahat ay ma-re-refer sa Justice Committee.
36:54So the proper time when to file an answer will be after the determination of form and substance.
37:02Tune tayo sa step three, no?
37:04Remember, we summarized the process of the Justice Committee into five.
37:09One is the determination of sufficiency in form.
37:13Second is determination of sufficiency in substance.
37:16Third, kapag pareha sufficient in form and substance,
37:21bibigyan na natin ang notice si respondent
37:23for her to file an answer within the period of ten session days, no?
37:28Ten calendar days, no?
37:31And then from there,
37:32ay magpwede pang sumagot ang complainant by way of reply.
37:38And then the respondent may answer also by way of rejoinder.
37:42And then they may also consider the submission of all evidence,
37:47including the swearing in of the affidavit and counter affidavit.
37:52At kapag nakompleto niya,
37:54yan, that's the time that they will proceed to the detail
37:57whether there is sufficient basis to support the impeachment complaint.
38:01That is our step three, Rafi.
38:03After that, proceed tayo sa step four.
38:05Dito natin iimbitahin yung parties.
38:08Complainant, witness, and even the respondent.
38:11And again, palaging tinatanong ng mga tao,
38:14paano kung hindi pumunta yung respondent?
38:17It's actually her prerogative, no?
38:19Ito rin yung naging sagot ko.
38:21During the impeachment process against the president.
38:23Whether she comes or not,
38:26that's her prerogative.
38:27Because yung presence niya is part of due process.
38:30So kung hindi siya dadating,
38:32it will only be interpreted as her waiver
38:35of her right to be present during the hearing, no?
38:38And after that hearing, which is our step four,
38:41we proceed to step five.
38:42That is the determination of the existence of probable cause, no?
38:46Whatever will be the decision of the Justice Committee,
38:50isusulad namin yan sa committee report,
38:52if forward sa plenary,
38:54which will be subject to the vote of at least one-third
38:57of all the members of the House.
38:59Okay, medyo mahaba-haba pa pala,
39:00pero magsisimula yan kapag natanggap na ninyo
39:02yung galing sa opisina ng speaker.
39:07Maraming salamat po sa oras na ibinahagi nyo po
39:09sa Balitang Hali.
39:11Thank you, Rafi.
39:12At maraming salamat po sa lahat ng mga viewers
39:14ng Balitang Hali.
39:15Yan po si House Justice Committee Chairperson,
39:17Representative Jervie Luistro.
39:23Huli kam sa Mandawe, Cebu.
39:25Nagbibisikleta ang babaeng yan sa barangay Banilad
39:27nang biglang mabundol ng kasunod na pickup.
39:31Tumilapon ng biker sa kalsada at natumba ang kanyang bike.
39:34Ang pickup naman hindi huminto at nagdere-derecho.
39:38Sugatan ang biker na na-discharge na sa ospital.
39:41Ayon sa Mandawe City Police,
39:43pinaghanap na ang driver ng pickup
39:44at nakikipag-ugnay na sila sa Land Transportation Office.
39:55Pasok sa quarterfinals ng Dubai Tennis Championship
39:58si Pinay Tennis star Alex Ayala.
40:00Nakalaban po niya sa round of 16
40:02si Sorana Cristea ng Romania.
40:05Sa first set, nakuha ni Cristea ang 5-4 lead
40:08hanggang mahabol ito ni Alex
40:11at natapos sa score na 7-5.
40:13Hot start naman ang second set ni Alex
40:16pero nahabol at nadikitan ito
40:19ng kalaban.
40:20Pero sa huli, panalo pa rin si Alex
40:22sa score na 6-4.
40:24Ang Rafa Nadal Academy
40:26kung saan nag-training si Alex
40:28nagpakita ng paghanga sa kanya.
40:30Nagpasalamat naman si Alex
40:31sa mga patuloy na sumusuporta sa kanya.
40:36The waves of support have really just made every single match
40:42all the more special
40:43and I can't, it's so difficult to describe.
40:49Kinilala ang GMA Network bilang TV Station of the Year
40:52sa 11th Platinum Stallion National Media Awards
40:552026
40:56ng Trinity University of Asia.
40:59Binigan din ang parangalang ilang kapuso,
41:00personalities at programs.
41:02Narito po ang aking report.
41:07Itinanghal na TV Station of the Year
41:09ang GMA Network
41:10sa the 11th Platinum Stallion National Media Awards
41:142026
41:15ng Trinity University of Asia.
41:18Kinilala rin ang ilang kapuso, programs at personality.
41:21Ito ang 24 Horas!
41:23Best TV News Program
41:24ang 24 Horas.
41:26Ang isa sa mga anchor nito
41:28na si Vicky Morales
41:29ang Best Public Service Program host
41:31para sa wish ko lang
41:32na Best Public Service Program.
41:35Si 24 Horas segment host Martin Abier
41:38ang Best TV Sports Program host
41:41para sa GMA Sports.
41:43Si State of the Nation anchor Atom Araulio
41:45ang Mail News Anchor of the Year.
41:48Best Regional TV Network
41:49ang GMA Regional TV.
41:52AM Radio Station of the Year
41:54ang Super Radio DZWB.
41:56Best Morning Show
41:57ang Unang Hirit.
41:59Best News Magazine Program
42:00ang Kapuso Mo Jessica Soho.
42:03Best Documentary TV Show
42:05ang Eyewitness.
42:06Ang GMA Prime
42:07ng mga batang riles
42:09ang Best Primetime Drama Series.
42:11Ang isa sa mga bida nito
42:13na si Miguel Tan Felix
42:14ang itinanghal
42:15na TV Actor of the Year.
42:17TV Actress of the Year naman
42:19si Rian Ramos
42:20para sa kanyang paganap
42:21sa Encantadda Chronicles Sangre.
42:24Ang co-stars niya
42:25sa series na sina Kelvin Miranda
42:26at Angel Guardian
42:28ang Best Primetime Drama Series
42:30Actor at Actress.
42:32At ang It's Showtime
42:34ang Best Noontime Show.
42:37Aubrey Carampel
42:38nagbabalita para sa
42:39GMA Integrated News.
42:45Naka-duet ni Asia's Limitless star
42:47at Sparkle Artist
42:48Julian San Jose
42:50ang multi-awarded singer-songwriter
42:52na si Josh Groban
42:53sa kanyang concert sa Pasay.
43:07Goosebumps!
43:08Si Yan ang duet version
43:09ni na Julie at Josh
43:11ng Both Sides Now
43:12nagkanta ni Josh.
43:13Nag-thank you si Josh
43:14sa experience na maka-duet
43:16on stage si Julie.
43:18Full of gratitude naman si Julie
43:19at nagpasalamat sa audience.
43:21Sa kanyang IG
43:22sinabi ni Julie
43:23ng isang honor
43:24at inspirasyon
43:25ang maka-duet si Josh.
43:27Full circle moment daw ito
43:28dahil pinapakinggan nga lang
43:30noon ang mga kanta ni Josh
43:31habang nagsisimula
43:33ang kanyang musical journey.
43:41Ito naman
43:42habang naghihintay po ng sundo
43:44abay na uwi sa katuwaan
43:46ang pampalipas oras
43:47na isang pamilya
43:48dyan sa Plaridel, Bulacan.
43:50Kumasa sila sa online trend
43:51kung saan pipiliin
43:53ang bata
43:53ang kanyang favorite person.
43:55Ang resulta
43:56hindi na nila
43:58ikinagulat.
44:03Ayon!
44:05Kahit bagit ka rin
44:07paikutin
44:07at balasahin kasi
44:08ang choices
44:09para sa batang
44:10si Bagwis
44:11all roads lead
44:12sa kanyang Lolo bomb.
44:14Eh kahit nga
44:15alisin si Lolo sa equation
44:16eh dahil pa pa rin siya
44:17kina Lola,
44:18tita
44:18at mami niya.
44:20Haanap-hanapin pa rin
44:21si Grandpa
44:22na para bang
44:22only option.
44:24Kwento ni Mommy Micah
44:25certified
44:26Lolo's boy
44:27talaga si Bagwis.
44:29Kay Lolo kasi
44:29naiiwan ang bata
44:31kapag papasok na siya
44:32sa trabaho.
44:33Ang video
44:341.4 million
44:35na ang reaction
44:36at may
44:37mahigit
44:3838 million views.
44:40Aba!
44:41Trending!
44:42Ang sarap naman
44:43sa puso ni Loli.
44:45At ito po ang
44:46Balitang Hali
44:47bahagi kami
44:47ng mas malaking
44:48misyon.
44:49Ako po si
44:49Coady Season.
44:50Rafi Tima po.
44:51Kasama nyo rin po ako
44:52Aubrey Caramper
44:53para sa mas malawak
44:54na paglilingkod sa bayan.
44:55Mula sa GMA Integrated News
44:56ang News Authority
44:57ng Filipino.
44:58Mula sa Pino.
Comments

Recommended