Skip to playerSkip to main content
Aired (December 7, 2025): MAMAHALING RELO NA INIREGALO NI DATING PANGULONG FERDINAND MARCOS, SR. SA KAALYADO SA POLITIKA AT LIHAM NI MANUEL QUEZON KUNG SAAN NIYA INAMIN ANG PANGANGALIWA SA KANYANG MISIS, IPINASUSUBASTA SA AUCTION HOUSE SA MAKATI!

Luxury vintage watch, ipinasubasta sa isang auction house sa Makati. Ang relong ito, iniregalo ni dating Pangulong Ferdinand Marcos, Sr. sa kaalyado niya noon sa politika na si Gil Puyat. Kasama rin sa mga ipinasubasta ang isang liham ni Manuel Quezon para sa misis niyang si Donya Aurora kung saan niya inamin ang pangangaliwa niya diumano rito.

Magkano kaya maibebenta ang mga ito at ano kaya ang mga nakapaloob na kuwento sa mga gamit na ito patungkol sa ilan sa mga naging pinakamakapangyarihang lider ng bansa?

Panoorin ang video. #KMJS

"Kapuso Mo, Jessica Soho" (One at Heart, Jessica Soho) is the Philippines' top-rating news magazine program, hosted by one of the most-awarded broadcast journalists in the country, Jessica Soho. It features human interest stories, food, news personalities, travel, trends and pop culture.'KMJS' airs every Sunday, 8:15 PM on GMA Network. Subscribe to youtube.com/gmapublicaffairs for our full episodes. #KMJS

Category

😹
Fun
Transcript
00:00Mayroon na namang bagong auksyon o subasta para sa mga gamit na may kaugnayan sa dati nating mga pangulo at mga bayani.
00:12Ano kaya ang ikukwento ng mga ito tungkol sa ating nakaraan?
00:18At syempre, ang pinaka-inaabangan, magkano ang bentahan?
00:23Let's go!
00:25Tila naghahabol ng oras ang mga bidder sa auksyon house na ito kamakailan sa Makati.
00:31Pataasa na kasi ng bid para sa isinusubastang item.
00:36Isang luxury watch na gawa sa 18 carat na ginto.
00:41Nagkahalaga daw yun ng mga 2,000 pesos at a time.
00:44That's also probably price ng kotse din at a time.
00:47Ang starting bid, 900,000 pesos.
00:51Pero ang final offer ng winning bidder,
00:54Sold for at 9 million pesos.
00:579 million pesos.
00:59Para lang sa isang lumang relo?
01:03Ang relo kasi, isa sa 12 luxury watches na ibinigay ni dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr.
01:10sa labing dalawang pinakamakapangyarihang opisyal ng militar at ng gobyerno noong Martial Law,
01:17ang binansagang Rolex 12.
01:21Yung labing dalawang general na yan,
01:22yan yung supposedly nakakalam ng mga plano para sa proclamation ng Martial Law
01:27bago pa ito ipatupad noong 1972.
01:30So, usapan lang yung mga relo na yan na pinamibigay.
01:32Wala tayong nakikitang parang sampo.
01:35At ang patunay na legit o totoo ito,
01:39ang naka-engrave o nakaukit na pirma ng dating Pangulo sa likod mismo ng relo.
01:46Itong piece na ito, galing sa family, sa isa sa mga nakatanggap ng relo,
01:51nag-design silang ibibenta nila.
01:52At kahapon lang, may mga gamit ulit na isinubasta.
01:57Isa pang lumang relo na regalo rin ni Marcos Sr. sa dati niyang kaalyado.
02:05Meron ding lumang magazine na ang cover si dating Pangulong Manuel L. Quezon.
02:11Naroon din ang kontrobersyal niyang love letter sa kanyang may bahay na si DoƱa Aurora.
02:19Ano kaya ang mga kwentong nakapaloob dito?
02:22At ano ang sinasabi ng mga ito tungkol sa ilan sa pinakamakapangyarihang leader sa ating kasaysayan?
02:29Ang vintage luxury watch na ito, simple lang sa unang tingin.
02:39Pero huwag ka, gawa ito sa white gold, likha ng isa sa pinakapristiyosong Swiss luxury watch brand.
02:48So ang Patek Philippe, alam mo natin yun yung Rolls Royce sa mga relo.
02:51It was from an earlier period, probably a thousand pesos.
02:55Pero at that time, isang kotse din yun.
02:57Ang original na may-ari nito, ang negosyante at dating presidente ng Senado, si Hill Puyat.
03:03Kung kanino ipinangalan ang sikat na kalsada sa Makati at Pasay.
03:08It's from the family.
03:09They want auction.
03:10Isang paraan na ma-honor mo yung mga ninuno mo and to bring them back in the public consciousness.
03:16Ang relo, regalo ng dating Pangulong Marcos Sr. at ni dating First Lady Imelda Marcos para kay Puyat sa kanyang birthday.
03:26Personalized din ito.
03:28Meron pang nakaukit na dedication.
03:31May nakasulat doon to Hill with esteem Ferdinand and Imelda.
03:36And then there's a date 1967 and I think it coincides with his birthday.
03:40Si President Ferdinand Marcos may sense of style.
03:44Gusto niya hindi basta-basta yung iregalo niya sa mga bisita niya at kaibigan niya.
03:49Pero may ilang haka-haka na ang relo, hindi lang daw simpleng regalo.
03:54Di o mano, meron itong kapalit.
03:56Si Puyat kasi makailang beses nagtangkang tumakbo noon sa pagkapangulo.
04:04Sa kanyang unang sabak noong 1957 presidential elections, tinalo siya ni Carlos P. Garcia.
04:11Balak din niya raw sanang tumakbo ulit sa pagkapresidente noong 1965.
04:16Pero ang naging manok ng kanilang partido, ang kaibigan niyang si Ferdinand Marcos Sr.
04:22na kalaunan nga, naging Pangulo ng Republika.
04:26Si Senator Hill Puyat, siya po ang huling Senate President bago i-proclaim ang martial law.
04:31From 1967 to 1972, pwedeng sabihin na pinapahalaghan ni Pangulong Marcos
04:36yung relationship ng executive at saka yung legislature.
04:41Sa anthropology, pag ikaw ay binigyan ng regalo, may konsepto tayo na reciprocity.
04:45Parang may expectation na ibabalik mo yan, kahit hindi eksakto,
04:49pero yung konsepto nga ng utang na loob.
04:51Ang starting bid para sa vintage luxury watch ni Senator Puyat,
04:57400,000 pesos.
04:59I would prepare a government run like hell by Filipinos
05:02to one run like heaven by Americans.
05:06Kasama rin sa mga isinalang sa auction,
05:09ang ilan sa mga memorabilya ni dating Pangulong Manuel El Quezon.
05:14Kabilang na ang 1935 issue ng Time Magazine,
05:18kung saan ang nakaimprinta sa cover ang kanyang mismong portrait.
05:23I think this is the first time na naglagay sila ng Pilipino
05:26sa cover ng Time Magazine.
05:28Big time yun.
05:29Ibig sabihin, international news tayo.
05:32Dahil nagsisimula na nga na tayo ay maging independent country
05:36sa mata ng mundo.
05:37I signed this bill with the utmost confidence
05:40that it will bring to the Filipino people.
05:44Meron din ditong banner o bandila na may selyo ng Commonwealth.
05:49Pero ang pinaka-controbersyal daw na gamit ni Quezon
05:52na isusubasta ang 12 pages na love letter niya
05:57sa kanyang missis na si DoƱa Aurora.
06:00Itong letter na ito, it came from a collector of documents also.
06:04Tinatago niya for a very long time.
06:06It's very easy to compare the handwriting of President Quezon
06:10to other documents that are in the National Library.
06:13Ang sulat-kamay na liham,
06:14nasa papel na may seal o tatak ng Malacanang,
06:18ang nakasaad na pecha.
06:19January 25, 1937.
06:22O dalawang taon matapos siyang mailok-klok na Pangulo ng Pilipinas.
06:27My beloved sweetheart,
06:29I am fast off the ship.
06:31And while Baby and Nini are having their breakfast,
06:35I am writing to you.
06:36Nakikita mo doon, super charming siya.
06:39Nag-umpisa siya na inaalaga niya yung dalawang anak na babae niya.
06:43Basta huwag ko lang malaman na may anak ka sa iba.
06:47Pero sa mga sumunod na pahina,
06:49tilang mapapansin na nagkatampuhan ang mag-asawa.
06:53Binanggit kasi ni Quezon sa liham ang paglalayas daw ni Aurora
06:57na nagbigay sa kanya ng kahihiyan sa Malacanang.
07:01You left for Baguio without saying goodbye to me.
07:04You placed me in an embarrassing position.
07:07Di ba lumaya si DoƱa Aurora?
07:09Nagtampuhan about the ballerina.
07:11Siya lang hindi nakakaalam na umali siya sa Malacanang.
07:15So I guess may halo ng sama ng loob talaga doon at pahiya.
07:19At kaya raw ito kontrobersyal.
07:21Dahil ang chismis sa naturang liham daw inamin ni Quezon.
07:26Kay DoƱa Aurora.
07:27Ang kanyang pagiging marupo.
07:30If you really think that I love you less,
07:33please don't doubt me.
07:34I have my weaknesses as you know.
07:37And you know also that accepting the case of that ballerina,
07:41my weakness in this respect have not been serious.
07:44Ito ay isang pagpapatunay na ng isang bagay
07:48na matagal ng alam at bulong-bulungan ng taong bayan.
07:52Pero wala lang tayong parang direct quote from him.
07:54Dito makikita mo primary source.
07:57May pag-amin na mahina nga ako sa ganito.
08:00Tapos ang dami niyang binanggit ng mga insidente.
08:02Maliban sa ballerina na di umano na karelasyon ni Quezon,
08:07may isa pang babaeng binanggit sa liham.
08:10When you insinuated later that I was in illicit relation
08:14with a girl that was a government pensionada,
08:17I resented the insinuation.
08:19We don't know kung sa UP yun o sa abroad.
08:21Kasi sometimes yung term ng pensionada,
08:23na ibig sabihin pinadala ka pa sa US.
08:26So iilan lang yun.
08:27Nakipag-ugnaya ng aming team sa Apo
08:30ni dating Pangulong Quezon na si Ricky Quezon Abancenya
08:33para magbigay ng komento sa nilalaman
08:36ng kontrobersyal na love letter
08:39ng kanyang lolo sa kanyang lola.
08:41Itong sulat na ito,
08:44tinanong ko nga doon sa mga kapatid ko at pamilya namin.
08:47Totoo nga bang ang dating Pangulo, Playboy?
08:50With this fish, do I need to rate anyone?
08:54Ang tanong ngayon,
08:55magkano na ibenta ang nakakaintrigang love letter?
09:00From the private luxury president,
09:02E ang luxury watch ni dating Senate President Puya,
09:06ng ilang milyones inabot.
09:11Wala tayong sasayanging oras
09:14dahil magkakaalaman na
09:17sa aming pagbabalik.
09:23Kahapon lang,
09:25isinubasta sa Makati
09:26ang ilang mahahalagang mga gamit
09:28na pagmamayari
09:29ng ilan sa mga prominenteng personalidad
09:33sa ating kasaysayan.
09:34Kabilang na,
09:35ang 12 pages na love letter
09:38ni dating Pangulong Manuel L. Quezon
09:41para sa kanyang misis
09:42na si DoƱa Aurora.
09:44If you really think
09:45that I love you less,
09:46please don't doubt me.
09:48Sinasabing kontrobersyal
09:50ang love letter
09:51dahil inamin dito ni Quezon
09:53ang kanyang pagiging marupo
09:55sa kanilang relasyon.
09:57I have my weaknesses,
09:58as you know.
09:59And you know also
10:00that accepting the case
10:02of that ballerina,
10:03my weakness in this respect
10:05have not been serious.
10:07Lahat nung nakilala ko naman,
10:08nung ano pa,
10:10bata pa ako,
10:10yung mga nakilala siya,
10:11mga kasabayan sa politika lahat,
10:14eh talagang babae rin.
10:15Dahil gwapo,
10:16may dating,
10:17ang talong,
10:17maingat siya
10:18or baka talagang flirt lang siya
10:21or yung ginagamit niya
10:22yung persona niya na ano.
10:24Pero I don't think
10:24it was such a big thing
10:25even with my mother
10:26and alam niya,
10:27kung yung lolo niyo,
10:27ang daming tagahangan.
10:28Sabi na natin,
10:29iba talaga yung karisma
10:30ng lolo mo.
10:31Maraming tagahangan na women.
10:33With this fish,
10:35do I need to rape anyone?
10:36Dito mo makikita
10:37how powerful
10:39in many ways
10:40doon niya ako kawas.
10:41Ang dating nga sa akin,
10:43takusa,
10:44si Manuel Quezon.
10:45Takot sa asawa.
10:45Marami din nakokollect niyan.
10:47Tinatawag na natin yan
10:48ng mga collectors of Ephemera.
10:50Napapenta talaga sila.
10:51Ang starting bid
10:52para sa love letter ni Quezon,
10:5550,000 pesos.
10:56Hanggang sa May nanalo na
11:00ng pinakamataas na bid.
11:03So 50,000,
11:07it went all the way
11:08to 600,000
11:09and the winner
11:10was an online bidder.
11:11Sunod namang isinubasta
11:13ang vintage luxury watch
11:15ni dating Senate President
11:17Hill Puyat
11:18na regalo raw sa kanya
11:19ng mag-asawang
11:20Ferdinand
11:21at Imelda Marcos.
11:23Ang starting bid,
11:24400,000 pesos.
11:262.2 million.
11:28Naibenta ito ng
11:29their watch,
11:31their choice,
11:32and
11:33Oh, 2.2 million.
11:40Congratulations to the union.
11:42Well done.
11:43Again, it was an online bidder.
11:44Watches as a whole.
11:45Only like a few brands
11:47maintain value.
11:48Well, we always expect
11:49for the best
11:49and we prepare for that.
11:50That's why everything is cataloged.
11:52Ang nakahalagahan kasi
11:53sa auction is that
11:54nakikita sa lahat.
11:55Like kung
11:56nababenta pa ito
11:57ng private,
11:58walang makaalam nito.
11:59And also,
12:00naging fair din siya
12:01sa seller
12:02kasi nakukuha nila
12:03ang the best value.
12:05May thirst,
12:06may hunger talaga
12:06for Filipino history.
12:08So it's very important
12:09that they see
12:10the symbols
12:11of our past.
12:12We need to understand
12:13na kapag public official ka,
12:15you must live
12:16a simple life.
12:16Even,
12:17you must
12:18not engage
12:19on gift giving.
12:21Kaya nga may no gift policy
12:22sa mga government agencies.
12:24Kasi nga,
12:24there's a cultural aspect of it eh.
12:27Na parang malabo
12:28yung usapan
12:29pagdating sa ano ba yung
12:30corrupt at hindi.
12:32Ano ba yung panunuhol
12:33at hindi.
12:34Ang mga lumang gamit
12:36ng dating mga
12:37makapangyarihan
12:38sa ating lipunan,
12:40may sariling mga kwento
12:42na ngayon lang
12:43nabubunyag.
12:44At dahil sa mga kwentong ito,
12:47hanggang ngayon,
12:48patuloy pa rin
12:49hinahatulan
12:50ng
12:51kasaysayan.
12:53Alangga po,
13:07ikaw ako.
13:08Alangga ako man,
13:09kaula.
13:10Huwag ka nang siman.
13:12Maharap ko ito eh.
13:14Para kayo lola dun.
13:16Hindi ko na huwalam,
13:17hindi ko na yung itindihan
13:18kung ano nang nangyari
13:19sa kanya.
13:20Mara ka siguro
13:21kayong gagawin namin
13:22ng lahat para sa kanya.
13:24Wala ka ba talaga
13:25nakita atin yan?
13:26Wala ka narinig?
13:28May gumagalan
13:29na verbalang dito sa atin.
13:38Ang mga nangangambang
13:40usog-isip,
13:41ginagamit yan ng demonyo
13:42para kumapit
13:44sa kaluluwa ng tao.
13:45Alam mo,
13:46kung sino yung dapat
13:47mong ipagdasal
13:48na hindi mo makita?
13:52Si Pochong.
13:56Kumakain ng patay,
13:57may matalang pusa,
13:58may pakpak ng pangyuki,
14:00lumalakas kapag
14:01kapag kapilugan
14:02ang buwan.
14:05Pag-iingat ka sa
14:06masusunob sa sabihin.
14:12You know about the Pochong?
14:14Please repent
14:15from talking about
14:17Pochong.
14:18Ito ka patralkit
14:19sa tensyon.
14:20Father X,
14:23yan po bang
14:23pinakamatinding sanig
14:24na naharap ninyo?
14:28Hindi ako titig
14:30hanggang hindi
14:31ako nakapalingin.
14:33Tingin tayo papatali.
14:35Kakampilati ng Diyos.
14:37Mag-iingat sa atin!
14:39Ha?
14:40Mayusunod ang kalulungan mo,
14:42Sintiyar mo!
14:44Papatawad ng Diyos
14:45sa lahat ang lumalamin
14:46sa atyo!
14:47Weh!
14:50Ito po si Jessica Soho
15:01at ito
15:02ang Gabi
15:03ng Laging.
15:04Thank you for watching
15:17mga kapuso!
15:18Kung nagustuhan nyo po
15:19ang videong ito,
15:20subscribe na
15:21sa GMA Public Affairs
15:23YouTube channel
15:24and don't forget
15:25to hit the bell button
15:27for our latest updates.
15:29Thank you so much for watching.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended