Skip to playerSkip to main content
Aired (June 21, 2026): PULONG BULKAN, LUMITAW SA GITNA NAMAN NG KARAGATAN SA BABUYAN ISLANDS

Ang lakas ng magnitude 7.8 na lindol na tumama kamakailan sa Mindanao, hindi lang bakas ang epekto sa lupa, pati na rin sa karagatan.

Dahil din sa pagyanig ng lupa, sa katubigan ng Babuyan Islands sa probinsya ng Cagayan sa Hilagang Luzon, may bigla raw sumulpot na isang… bulkan sa gitna ng dagat?!

Ito ang itinuturing ngayon na pinakabatang pulong bulkan sa Pilipinas, ang Didicas Volcano Island. Anong hiwaga ba ang bumabalot sa pulong bulkan ng Didicas?

Panoorin ang video. #KMJS
“Kapuso Mo, Jessica Soho” (One at Heart, Jessica Soho) is the Philippines' top-rating news magazine program, hosted by one of the most-awarded broadcast journalists in the country, Jessica Soho. It features human interest stories, food, news personalities, travel, trends and pop culture. 'KMJS' airs every Sunday, 8:15 PM on GMA Network. Subscribe to youtube.com/gmapublicaffairs for our full episodes. #KMJS

Category

😹
Fun
Transcript
00:00.
00:00.
00:00.
00:00.
00:00.
00:00.
00:03.
00:04.
00:04.
00:04.
00:04.
00:05.
00:05.
00:05.
00:05.
00:06.
00:06.
00:07.
00:07.
00:08.
00:09.
00:09.
00:10.
00:10.
00:11.
00:11.
00:11.
00:12.
00:13.
00:13.
00:14.
00:15.
00:15.
00:15.
00:16.
00:17.
00:17.
00:17.
00:17.
00:17.
00:18.
00:19.
00:19.
00:19.
00:20.
00:20.
00:21.
00:21.
00:22.
00:22.
00:23.
00:23.
00:23.
00:24.
00:24.
00:25.
00:26.
00:27.
00:27.
00:29Ang seabed na ito sa Davao Occidental, umangat ng dalawang metro.
00:36Kaya ang mga dating nakalubog na coral reefs sa dagat, lumitaw.
00:42Ang tawag sa pangyayaring ito, coastal uplift.
00:48Ito po ay dulot ng pag-rebound ng seabed mula doon sa malakas na earthquake na nangyari.
00:55Nangyayari raw talaga ang mga ganito sa tuwing may malalakas na lindol.
01:01Katunayan, sa katubigan ng Babuyan Island sa probinsya ng Cagayan sa Northern Luzon,
01:07sa gitna ng dagat, may biglaraw noong sumulpot.
01:12Hindi seabed, kundi isang vulkan.
01:16Yung lolo ko po, sabi nila sir, tumubulang.
01:20Noong una akong pumunta doon, mali pa. Parang buko na nakataob lang.
01:25Ito ang idinuturing ngayon na pinakabatang pulong vulkan sa Pilipinas,
01:30ang Didicas Volcano Island.
01:33Pero iilan pa lang ang nangangahas na dayuhin ang vulkan ito.
01:39Kung titignan kasi sa mapa, para lang itong tuldok sa laot.
01:44Maliban sa napakalayo, ang biyahing papunta roon, napakadelikado.
01:50Ilan ang nawala ng kapatid ko, dalawa, lumubog yung bangka kasi malakas ang halo.
01:54Anong hiwaga ba ang bumabalot sa pulong vulkan ng Didicas Volcano Island?
02:03Isa sa mga naglakas loob na dayuhin ito,
02:07ang content creator na si Seth,
02:09na ang mga pinupuntahan off the grid na mga lugar o yung mga bibihirang dayuhin ng mga turista.
02:16Yung mga pinupuntahan namin dati ay yung mga tourist attraction.
02:20Unti-unti na rin kaming naitulak doon sa mga liblib na lugar na may mga natatago ding ganda.
02:25Ang madalas niyang kasama sa kanyang mga biyahe,
02:28ang kanyang live-in partner na si Annabelle.
02:31Pinapakita ko po yung support ko po sa pagdivideo po.
02:35Una raw narinig ni na Seth ang kwento tungkol sa Didicas Island
02:39Nung nagpunta siya sa Babuyan, Klaro, isang active volcano sa Babuyan Group of Islands din sa Kalayan, Cagayan.
02:47Nakausap ko din yung mga kasabayan naming taga-PIVOX na banggit nila sa amin yung Didicas.
02:53Sa tala ng PIVOX, 1700s pa,
02:56nang namataan ang Didicas Volcano,
02:59pero nasa ilalim pa ito noon ng dagat.
03:02Isa itong underwater volcano or submarine volcano.
03:05Lumalaki po ito at lumalawak dahil patuloy po ang pag-usbong nito mula sa ilalim ng lipa,
03:12kung saan tinutulak po ng magma ang present na mga bato sa ilalim ng dagat.
03:19Unti-unti raw itong lumitaw sa ibabaw ng dagat taong 1856
03:24dahil sa napadalas din nitong pagsabog noon, 1978, nung huli itong pumutok.
03:31Palaisipan pa rin para sa mga taga-PIVOX kung ano yung latest na status ng Didicas.
03:37Kaya nagkaroon ako ng interest na subukang puntahan.
03:40Pero hindi raw basta-basta ang pagpunta roon.
03:43Mula late, apat na araw silang bumiyahe, Cagayan.
03:47Hindi pa kayo nakapunta doon.
03:50Malayo.
03:51Good morning, sir.
03:52Good morning, sir.
03:55Ang bangkerong kasama nila sa paglalayag si Alvin, born and raised sa Babuyan Island.
04:03Madalas, o karaniwan na, binabalot ng mga plastic yung mga dalang bagay ng mga pasahero para nga hindi mabasa ng
04:11alon.
04:14Hanggang narating nila ang pinakamalapit na bayan na nagsilbi nilang take-off point patawid sa pulong bulkan.
04:22Ang Kamigin de Babuyanes Island.
04:27Payak ang buhay sa isla.
04:30Pahirapan ang cellphone signal.
04:32Wala rin supply ng kuryente.
04:34Wala silang kongkretong kalsada, pero kita natin dito yung ilang mga bahay na gawa na sa kongkreto.
04:40Meron sila ditong solar setup na pinagkukunan ng kuryente.
04:45Ang sabi raw ng mga matatanda, barko.
04:48Ang sabi raw ng Ameritano, no, that's volcano.
04:51Pagamat sa Kamigin Island pala, tanaw na ang Didikas Island sa laon.
04:56Dahil malaki ang alon, lalo na kung merong bagyo, may ilang mga manging isda na raw na hindi pinalad nung
05:04tangkain nilang puntahan ito.
05:06Ilan ang nawalan ng kapatid ko, dalawa, lumubog yung bangka.
05:08Sa kabila ng mga banta, hindi pinanghinaan ang loob si na Seth na tumuloy doon.
05:14Lagi natin tatandaan, ang alon dito sa norte is live, may buhay talaga.
05:19Ang kanilang biyahe, pahirapan.
05:22Sa likuran na itong Didikas, malakas yung karen, itinutulak, pabalik yung bangka.
05:26Pagamat kinatatakutan ang bahaging ito ng dagat, sagana naman ito sa malalaking mga isda.
05:36Tiyo lang nga. Tingnan nyo naman kung gaano kalaki.
05:39Yung mga isdang ito ay talaga naman malalaki.
05:42Dahil daw sa init mismo ng tubig.
05:45Walang relasyon yung init ng tubig, no.
05:48Ang dahilan ng maraming isda doon, Babuyan Channel is a major fishing ground.
05:53Link ito sa dami ng pagkain na available.
05:57Makalipas ang halos dalawang oras, natanaw na ni Seth ang kanyang sadya.
06:02Sir, kaya natin? Makaan nating?
06:04Kaya natin, sir.
06:05Matapos ang halos dalawang oras na biyahe mula doon sa Kamigin Island,
06:09andito na sa harapan natin yung didikas.
06:15Dito, tila winelcom sila ng samlaksa mga ibon.
06:20Yes, thank you Lord.
06:23Hanggang sa matagumpay silang nakadaong sa pinakabatang pulong vulkan sa buong Pilipinas.
06:30Pagkababa ko pa lang dito sa bangka,
06:32muna kung napansin kagad ay yung mainit na buga na itong buhangin.
06:36So kailangan naming ilipat itong mga gamit.
06:39Kasi may mga baterya,
06:40so kailangan natin maghanap ng may malamig na part na buhangin.
06:44Hindi pa raw ligtas tirhan ang isla.
06:47Ang ilang bahagi ng vulkan,
06:49naglalabas pa ng steam o uso.
06:51Para ma-minimize yung init,
06:55yun, basain yung sombrero.
06:57Dahil sa init ng buhangin dito,
07:00ang mga patay na isda na inanod sa dalampasigan,
07:03natutuyo o mabilis na nabibilasa.
07:06Parang karton na yung tigas niya.
07:09Mayap maya rin dito kung mag-landslide.
07:12Maririnig din natin dito,
07:15yung parang kumukulong tubig sa ilalim.
07:18Ang guide ni Nasef na si Alvin,
07:20minsan na rin daw naakyat ang tuktok ng Didikas Volcano.
07:25Ang taarik mga katuks.
07:26Usually, lava o kaya magbabagang,
07:30mga asopre yung nakikita natin.
07:32Pero laking gulat ko kasi ang nakita po,
07:35ay marami na palang nabuhay na halaman sa loob,
07:39especially yung kogon.
07:40Masaya sa pakiramdam na ma-edocument mo,
07:43yung mga ganung lugar na bibihira lang natin makita sa social media.
07:49Ang delikado pong puntahan.
07:51Dahil ang lupa po nito ay hindi pa po siya compact.
07:55Loose pa yung mga pwede mong tapakan dito.
07:58At pag tumapa ka rin sa lupa doon sa Didikas,
08:01mainit po ito.
08:02Dahil nga po ito ay isang active volcano.
08:04Ang Didikas Volcano,
08:06bahagi ng Babuyan Volcanic Chain
08:09o grupo ng mga aktibong vulkan sa Babuyan Island.
08:13Kabilang dito ang gahiganting Smith Volcano,
08:16Babuyan Claro at Kamigin de Babuyanis.
08:20Nung narating namin yung Didikas,
08:22narealize ko na hindi pala lahat na andito sa Pilipinas
08:27ay alam na o nakita na ng mga kababayan natin.
08:30At dahil doon,
08:31ay mas na-inspire pa akong puntahan
08:33yung pinakaliblib pa na parte ng Pilipinas
08:36mapadagat man, gubat o bundok.
08:38Pagamat may ilang mga naglalakas loob ng sadyain
08:42ang Didikas Volcano Island.
08:44May paalala ang mga otoridad.
08:47Hindi advisable or ine-encourage ng municipal government
08:51ang pagpunta sa Didikas Volcano.
08:53Sa aming tourism circuit,
08:55hindi pa nakasama ang Didikas Volcano
08:57as our tourism attraction.
08:59On the part of the LGU,
09:01siguro we will enact a local policy
09:03prohibiting muna yung area.
09:05Mahigit 7,000 mga isla na
09:08meron ang ating bansa
09:10na pwede pa palang madagdagan
09:13lalot hindi natin alam
09:15na sa pusod ng ating mga karagatan
09:19sa malamang merong mga vulkan
09:21na naghihintay lang
09:23na mayanig at tumutok
09:26para lumitaw.
09:32Thank you for watching, mga kapuso!
09:35Kung nagustuhan niyo po ang videong ito,
09:37subscribe na sa GMA Public Affairs YouTube channel
09:41and don't forget to hit the bell button
09:44for our latest updates.
09:46you
09:46you
Comments

Recommended