Skip to playerSkip to main content
  • 2 days ago
Aired (July 27, 2026): Matapos ang magnitude 7.8 na lindol sa Mindanao noong nakaraang buwan, nagkaroon ng coastal uplift sa ilang baybaying bahagi ng Davao Occidental. Ano ang coastal uplift, bakit ito nangyayari, at ano ang posibleng epekto nito? Alamin sa video na ito.


Hosted by the country’s top anchors and hosts, 'Unang Hirit' is a weekday morning show that provides its viewers with a daily dose of news and practical feature stories.

Watch it from Monday to Friday, 5:30 AM on GMA Network! Subscribe to youtube.com/gmapublicaffairs for our full episodes.

Category

🎈
Fun
Transcript
00:01After the magnitude of 7.8% in Mindanao,
00:05there was a coastal uplift in the part of Davao Occidental.
00:10What is the coastal uplift?
00:12What is the effect?
00:13What is the effect of it?
00:15Let us know in the first special report.
00:24Minsan, hindi lang mga gusali ang nababago ng lindol.
00:29May mga pagkakataong ang mismong lupang tinatapakan o maangat.
00:37Sa ilang baybayin ng Davao Occidental,
00:40kapansin-pansin na mas malayo na ngayon ang dagat.
00:43Mga batong dati lubog sa tubig, ngayon ay tila nakalitaw na.
00:48Ang pangyayaring ito ay tinatawag na coastal uplift.
00:53Noong June 8, niyanig ng magnitude 7.8 na lindol ang ilang lugar sa Mindanao.
01:01Matapos humupa ang pagyanig,
01:03isa namang kakaibang pagbabago ang napansin sa baybayin ng Barangay Butulan sa Davao Occidental.
01:09Malinaw ang bakas ng pagbabago sa baybayin.
01:13Ang mga bato na dati nasa ilalim ng dagat,
01:16ngayon ay bahagi na ng dalampasigan.
01:21At para sa mga residente, isa itong tanawing hindi nila nakasanayang makita.
01:26Dito noon, dagat na talaga yung dito.
01:29Then, yung during low tide po.
01:32Dito yung mga tao pumupunta,
01:35kumukuha sila ng mga lamang dagat para pang ulam,
01:39then yung iba binibenta.
01:40Ngayon, wala na.
01:42Di na nila mapakinabangan
01:44kasi po yung area,
01:46di na naman napapasukan ng tubig,
01:48ng tubig dagat.
01:49Kaya yung mga lamang dagat din dito,
01:51wala na.
01:51Wala na din po.
01:53Bukod sa pagbabago sa kanilang kabuhayan,
01:55nagdulot din ito ng pangamba sa mga residente.
01:58May ilan pang nangambang,
02:00baka senyalis ito ng mas malaking sakuna
02:02o panibagong malakas na lindol.
02:04Natakot kami sir,
02:06kasi baka ang napansin namin sa dagat,
02:12umatras.
02:14Sa amin lang sir,
02:16baka ang pagbalik sa dagat is mag-tunami siya.
02:19Pero hindi lang mga residente ang naapektuhan ng coastal uplift.
02:23Pati ang Marine Protected Area sa Barangay Butulan
02:26mahagyang nasira dahil sa pag-angat ng lupa.
02:29Ang Marine Protected Area sa Barangay Butulan ay na-establish in 2018.
02:39Pinaprotektahan niya po yung mga major coastal habitat natin.
02:42Dahil sa coastal uplift,
02:43naging exposed na yung mga nasabing mga coastal habitats.
02:47Approximately,
02:48nasa mga 40% yung nasira sa nasabing area.
02:54Tinatawag na coastal uplift ang pag-angat ng bahagi ng lupa
02:57sa baybayin dulot ng malakas na lindol o paggalaw ng fault.
03:01Dahil dito,
03:02ang mga lugar na dati nasa ilalim ng dagat ay maaaring lumitaw sa ibabaw.
03:07Ayon sa FIVOX,
03:08tinatayang umangat ng humigit kumulang dalawa hanggang dalawat kalahating metro
03:12ang ilang bahagi ng baybayin sa Davao Occidental.
03:16Sa history o kasaysayan
03:18at sa mga pag-aaral,
03:20maaaring nangyari ito
03:22mula sa isang magnitude 7 pataas na lindol
03:25yung malakas talaga destructive na lindol
03:29tapos sapat yung lakas niya para ipaangat yung ating seabed.
03:36Dagdag pa na eksperto,
03:37nagkataon ng bahaging gumalaw ng Cotabato Trench
03:40ay nakaharap sa Sarangani Peninsula
03:42kaya ang mga baybayin nasa tapat nito
03:44ang siyang pinaka-apektado ng pag-angat ng lupa.
03:47Kabilang dito ang Glance Sarangani, Davao Occidental,
03:51at Balut Island.
03:52Permanent na po siya. Permanent na po siya.
03:55Yung makikita nilang umangat na yan,
03:58ganyan na siya. Permanent na siya.
04:00Ang magiging challenge lang dyan
04:02kasi kung buong marine platform,
04:04buong coral reef system ay umangat,
04:09it would take hundreds of years again
04:13para maging robust
04:15and yung malapad ulit na ganyan
04:19yung ating coral reef
04:21dyan sa butong lambong.
04:23Bilang bahagi ng rehabilitasyon,
04:25pinaplano ng Menro
04:26na magtatag ng mga panibagong coral nursery
04:29sa mga lugar na naapektuhan ang coastal uplift.
04:32Coral regeneration activities.
04:35Ito yung pagpal sa nursery
04:39at itatransfer natin sa safe floor
04:42para ulit makakabawi yung ecosystem sa nasabing lugar.
04:47Maaring tumagal na ilang taon
04:49ang pagbawi ng mga nasirang bahura
04:51pero umaasa ang mga eksperto
04:54na sa pamamagitan ng rehabilitasyon
04:56unti-unti muling sisigla ang karagatan.
Comments

Recommended