00:00Mga kapuso, second week pa lang po ng Balik Eskwela, pero heto, malungkot na balita agad ang pag-uusapan natin.
00:09Sa Cavite, sugatan po ang 7 grade 5 students matapos mag-wasiwas ng kutsilyo sa loob ng silid-aralan ang
00:17isang grade 8 student.
00:19Nasa ospital ngayon ang 7 estudyante matapos silang tamaan ng iwinawasiwas ng kutsilyo.
00:26Nasa meeting raw ang teacher nang mangyari ang insidente.
00:30Isinantabik agad ng polisya at ng City Hall ang anggulong bullying o away sa pagitan ng nanaksak at mga biktima.
00:39Hindi umano kilala ng mga biktima ang nagwasiwas ng kitchen knife na isang 14 anyos na transferee.
00:46Isinailalim naman ang lokal na pamalaan sa psychosocial intervention ang mga biktima, suspect at mga nakasaksi sa insidente.
00:56Ang insidente niyan, ating pag-uusapan, ask me, ask Atty. Gabby.
01:05Atty, ano ba ang sinasabi ng batas sa pagdadala ng kutsilyo o armas sa eskwelahan?
01:12Actually, meron po tayong Batas Pambansa No. 6 na nag-aamenda sa Presidential Decree No. 9
01:18na valid na batas pa rin sa kasalukuyan na siyang mahigpit na ipinagbabawal ang pagdadala ng mga bladed, pointed o
01:28blunt weapons tulad ng kutsilyo at ibang armas tulad ng pana, spear, dagger, bolo at tsako.
01:36Ang exception lamang ay ang tinatawag na livelihood principle, which means kung kailangan ang mga ito sa trabaho o kabuhayan
01:44o isang legal na activity.
01:46Ang penalty, medyo mataas din, kulong na isang buwan hanggang sa isang taon at merong fine na hanggang 2,000
01:54piso.
01:55But wait, there's more pa po.
01:57Mukhang hindi naman literal ang interpretasyon ng batas na ito, although balita ko, marami pa din daw ng mga polis
02:04na ginagamit ang batas na ito para manghuli ng mga may dala ng mga patalim in public.
02:09Ito ay dahil sa kaso ng People v. Bercades na siyang in-reiterate ang ruling ng People v. Purisima na
02:17hindi naman pala dapat binabasa ang BP No. 6
02:21nang hindi itanatale ang original batas na Presidential Decree No. 9.
02:26Ito daw ay dahil ang batas na siyang ipinasapan noong Martial Law Time.
02:31Di ba? Martial Lopa po.
02:33Ay ipinagbabawal ang pagdadala ng bladed weapons kung ito ay para gagamitin in furtherance of rebellion, insurrection, lawless violence, criminality,
02:44chaos, or public disorder.
02:46So hindi naman malumprohibitum ang BP No. 6 na automatic na bawal ang pagdala ng bladed weapons sa labas ng
02:53bahay.
02:54Maaari kayong maikulong for violation of BP No. 6 kung may papakita ang dalawang bagay.
03:00Dalawa, ang pagdala nga ng pinagbabawal na weapon at pangalawa, na ito ay gagamitin niya para sa masama at illegal
03:08na layunin.
03:09Kung pang hold up, pang bully ng mga klase o kapitbahay.
03:13But of course, kung kayo ay papasok sa isang mall, sasakay ng eroplano o papasok sa skwela, maaari talagang ipagbawal
03:21ang pagdadala nito.
03:22Ganon din sa isang city or municipality kung may ordinance na naipasa na ipinagbabawal ito.
03:29Pero kung ang BP No. 6 lamang ang gagamitin ng mga polis para hulihin kayo, maaaring bakintin ninyo ang kaso
03:36ng purisima at ng berkades para hindi kayo hulihin.
03:40Tandaan, dapat maipakita nila na ang pagdala ng armas ay para sa isang masamang layunin.
03:46Ang mga usaping batas, bibigyan po nating linaw. Para sa kapayapaan ng pag-iisip, huwag magdalawang isip.
03:54Ask me, Ask Attorney Gabby.