Skip to playerSkip to main content
  • 2 days ago
Aired (June 14, 2026): Isang malakas na lindol na may lakas na 7.8 magnitude ang tumama sa Luzon noong Hulyo 16, 1990, at labis na naapektuhan ang Baguio City. Ano kaya ang naging epekto nito sa pamumuhay ng isang henerasyon? Panoorin ang video.

Category

😹
Fun
Transcript
00:00July 16, 1990, isang ordinaryong hapon na biglang nabalot ng takot.
00:15Sa loob lamang ng ilang segundo, yumanig ang malaking bahagi ng Luzon sa lakas na 7.8 magnitude.
00:24Gumuho ang mga gusali, nagkabitak-bitak ang mga kalsada, naputol ang mga tulay, at libo-libong buhay ang naapektuhan.
00:34Pinakamatinding tinamaan ang summer capital ng Pilipinas, Taguio City.
00:42Maygit-isang libong katao ang natabunan at nasawi dahil sa pagguho ng gusali at lupa.
00:49At milyong piso ang halaga ng mga nasirang imprestruktura at kabuhayan.
00:55Hindi namin matcha kung kailan kami makakabal. Tsaka ang unang-una talagang wala ng pag-asa ang bahay.
01:02Maka wonder paano nga ba nabago ng isang lindol ang pamamuhay ng isang buong henerasyon.
01:09Matapos ang mahigit tatlong dekada, buhay pa rin ang takot sa alaala ng mga nakaligtas.
01:15Ang lindol sa Baguio noong 1990 ang itinuturing na isa sa pinakamalakas at pinakamapaminsalang kalamidad na yumanig sa ating bansa.
01:28Ayon sa mga eksperto, ang pagyanik na yun ay dahil sa paggalaw ng daguban segment ng Philippine Fall System
01:35o yung malaking bitak sa ilalim ng lupa kung saan nagtatagpo o gumagalaw ang malaking bahagi ng mundo na tinatawag
01:42na tectonic place.
01:43Kapag biglang dumulas o gumalaw ang magkabilang panig ng bitak na ito, doon nagkakaroon ng lindol.
01:51Ang lindol noong July 16, 1990, nagsilbing malagim na paalala sa buong bansa
01:58na ang Pilipinas ay nasa Pacific Ring of Fire, isa sa mga pinakaaktibong earthquake zone sa buong mundo.
02:13Makalipas ang halos 36 na taon, buhay pa raw sa alaala ni Pastor Mario ang naranasang kalamidad.
02:20Batang-bata pa ako noon, about 35 years old.
02:26Kasi nung nangyari yun, nasa loob ako ng factory building namin.
02:30Akala ko, nahihilo lang ako hanggang marinig ko yung sigawan yung mga empleyado na lindol.
02:36Sabi ni Lindol, lindol.
02:37Sa Bornham Park noon, yung football ground, yung mga ibang mga body,
02:43sinasalansan doon para makilala ng mga relatives nila.
02:47Yung sa football ground doon, doon natutulog yung mga taga-bagyo noon.
02:53At dahil sa malakas na lindol sa Sarangani at karating na lugar nito lamang lunes,
02:58tila nabuhay raw muli ang takot sa dibdib ni Pastor Mario.
03:03Nung napanood ko nga yung nangyayari sa Mindanao,
03:07sumariwa ang isip ko yung mga nangyari noon.
03:09Dito sa bahay, ako'y naganda palagi ng mga emergency lights ko.
03:15Kasi kung gabi nangyari, kahit mga simpleng ilaw na ganito,
03:21makakatulong ng malaki.
03:22We formalize.
03:26Mula sa takot, nabuo ang kahandaan.
03:29Mula sa karanasan, nabuo ang karunungan.
03:32At mula sa trahedya, nabuo ang mas matibay na pagpapahalaga sa buhay.
03:48Mula sa pun kaj
Comments

Recommended