00:00Inaasahan na libo-libo pang mga trabaho ang magbubukas sa mga Pilipino.
00:04Ito'y matapos makakuha si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
00:08ng mga karagdagang investment pledges mula sa iba't ibang malalaking kumpanya sa Japan.
00:14Nagbabalik si Kenneth Paciente sa Sentro ng Balita.
00:19Nasa mahigit kumulang 56.3 billion pesos na potensyal na investments ang nakuha ng Pilipinas
00:25matapos ang magkakahiwalay na pulong ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
00:30kasama ang malalaking Japanese company.
00:32Nasa mahigit 10,000 direct at indirect jobs sa Pilipinas,
00:36ang inaasahang malilikha ng mga proyekto na sakop ang mga industriya ng shipbuilding,
00:41advanced electronics manufacturing, semiconductor production,
00:45AI-driven technologies at green maritime industries.
00:49Kabilang sa nakausap ng Pangulo ang Tunisian Group Corporation
00:52na may planong palawakin ang shipbuilding facility nito sa bansa.
00:55Kapag natapos ang ekspansyon,
00:57posibleng maging ikaapat na pinakamalaking shipbuilding nation sa mundo ang Pilipinas,
01:02kasunod ng China, Japan at South Korea.
01:05Nakipagpulong din si Pangulong Marcos Jr. sa Furukawa Electronic Company Limited
01:09para sa planong ekspansyon project nito sa paggawa ng advanced heat sink modules
01:13at thermal management products na ginagamit sa electronics at digital infrastructure applications.
01:19Kasama rin sa plano ng kumpanya ang pagpapalawak ng operasyon nito sa Laguna Technopark
01:24upang mapataas ang produksyon ng high-performance heat sinks
01:27para sa cooling systems ng data centers,
01:30kabilang ang CPUs at GPUs,
01:33kasabay ng tumataas na demand dulot ng generative AI technologies.
01:36Tinalakay naman kasama ang Sumitomo Electric Industries Limited
01:40ang 4.3 billion pesos expansion project nito sa advanced electronics manufacturing.
01:45Kabilang dito ang pagtatayo ng bagong 4,760 square meter facility sa Kabuyaw, Laguna
01:51ng Philippine unit nitong First Sumiden Circuits, Inc.
01:54na siyang nag-iisang manufacturer ng flexible printed circuits sa bansa.
01:58Inaasahang makatutulong ito sa pagpapalakas ng partisipasyon ng Pilipinas
02:02sa global supply chains para sa electric vehicles,
02:05AI-related electronics at advanced telecommunications.
02:08Iprinisinta rin ng Minibaya Mitsumi Incorporated
02:11ang kasalukuyan at planong investment nito sa Pilipinas
02:14para sa semiconductor back-end manufacturing,
02:17battery-related components para sa hyper-skilled data centers,
02:21optical image stabilization at advanced precision manufacturing.
02:25Target din ang kumpanya na palawakin ang produksyon ng high-end smartphone camera actuators,
02:30data center battery protection modules at analog semiconductor operations nito sa Cebu
02:35upang matugunan ang lumalaking global demand kaugnay ng AI technologies.
02:40Sabi ng DTI, naging produktibo ang mga pagpupulong
02:43dahil hindi maitatanggi na kumpiyansa sa Pangulo
02:45at sa ekonomiya ng bansa ang Japanese companies.
02:48Kaya asahan daw na mas lalakas pa ang investment partnership ng Japan sa Pilipinas sa hinaharap.
02:54Just by looking at the numbers,
02:56you can really see that the confidence that the Japanese companies have in the Philippines
03:01is really there.
03:03And the way they are very happy with the service that we give them,
03:07with the incentives that we give them,
03:08and what the country has to offer for them
03:12is actually really very encouraging and enticing for them
03:17to keep on expanding and to keep on growing their business in the Philippines.
03:22Kenneth, pasyente.
03:24Para sa Pambansang TV,
03:27sa Bagong Pilipinas.
Comments