Skip to playerSkip to main content
  • 5 hours ago
Mensahe sa Pasko: PBBM, hinimok ang mga Pilipino na magsilbing liwanag at maging mabuti sa kapwa; kahalagahan ng pagpapakita ng malasakit, binigyang-diin | ulat ni Kenneth Paciente

For more news, visit:
►https://www.ptvnews.ph/

Subscribe to our DailyMotion Channel:
►http://www.dailymotion.com/peoples-television-incorporated

Subscribe to our YouTube channel:
►http://www.youtube.com/ptvphilippines

Like our Facebook pages:
►PTV: http://facebook.com/PTVph
►Rise and Shine Pilipinas: https://www.facebook.com/riseandshinepilipinas

Follow us on Twitter:
►http://twitter.com/PTVph

Follow us on Instagram:
►https://www.instagram.com/ptvph

Watch our livestream on:
►http://ptvnews.ph/livestream/
►https://www.dailymotion.com/PTVPhilippines

Watch our News Programs, every Mondays to Fridays

Rise and Shine Pilipinas - 6:00 - 7:00 am | 7:30 - 8:00 am
Balitang Pambansa - 7:00 - 7:30 am | 12:00 - 12:30 pm |
6:00 - 6:30pm | 9:30 - 10:00 pm
PTV Sports - 8:00 - 9:00 am
Bagong Pilipinas Ngayon - 12:30 - 1:00 pm
Sentro Balita - 1:00 pm - 2:00 pm
Ulat Bayan - 6:30 pm - 7:00 pm
PTV News Tonight - 10:00 pm - 10:30 pm

Saturday & Sunday:
►Sentro Balita Weekend - 1:30 - 2:00 pm
►Ulat Bayan Weekend - 6:15 pm - 7:00 pm

Category

🗞
News
Transcript
00:00Tumulong sa mga nangangailangan at magbigay ng kasiyahan sa kapwa.
00:03Yan ang isa sa panawagan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa mga Pilipino ngayong Kapaskuhan.
00:09Paalala pa ng Pangulo, huwag kalimutan ng tunay na diwa ng Pasko.
00:12May report si Kenneth Paciente.
00:16Magsilbing liwanag at maging mabuti sa kapwa.
00:20Yan ang mensahe ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa mga Pilipino.
00:23Binigyang diin niya ang diwa ng Paskong Pilipino bilang panahon ng kasiyahan,
00:28pagmumuni-muni at pagbabahagi ng mga biyaya lalo na sa mga nakararanas ng hirap sa buhay.
00:34Paalala ng Pangulo, sa kabila ng mga salo-salo at pagtitipon,
00:38mahalagang ituon ang pansin sa mga pinakanangangailangan ng tulong,
00:42kabilang na ang mga may hirap, may sakit, biktima ng kalamidad at yaong mga nasa laylayan ng lipunan.
00:49Binigyang halaga niya ang pagpapakita ng espesyal na pagmamalasakit sa mga bata
00:53na siya ang niyang pinakadiwa ng pagdiriwang ng Pasko,
00:56kasabay ang paghimok sa lahat na ipamalas ang kabutihan,
01:00kasiyahan at malasakit sa bawat makakasalamuhak bilang pagtupad sa tunay na kahulugan ng panahon ng Pasko.
01:06Ipinahayag din niya ang kanyang pag-asa na matupad ang mga pinakamimithi ng bawat Pilipino
01:11at napatuloy na gabayan ng pagmamahal at kabutihang loob ang mga pamilya at pamayanan sa buong bansa.
01:16Hinimok din niya ang mga Pilipino na magpasalamat sa mga biyayang kanilang natanggap sa buong taon.
01:22Sa pagtatapos nitong taon, tayo ay magpasalamat para sa mga biyayang ating natanggap
01:28na sa lahat ng pagsubok na buong tapang nating hinirap, tayo ay naging matagumpay.
01:34Hangad din niya ang maalwan na pamumuhay ng bawat Pilipino ngayong darating na bagong taon.
01:40Sa salubong natin sa Pasko at ng bagong taon, naway lalo pa tayo mabiyayaan ng magandang kalusugan,
01:48mapaligiran ng mabubuting pamilya at kaibigan, at magkaroon ng mas masaganang kabuhayan.
01:55Kaya po, mula sa aming pamilya, kami ay bumabati sa inyo ng maligayang Pasko at maligong bagong taon.
02:04Kenneth Pasyente para sa Pambansang TV sa Bagong Pilipinas.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended