00:01Para matiyak ang pagbangon ng mga nasalanta ng kalamidad mula sa malalakas na lindol sa Visayas at Mindanao hanggang sa mga bagyong nanalanta sa ilang bahagi ng bansa,
00:11ipinag-utos na ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang pagpapalabas ng 1.307 trillion pesos na programmed funds para sa fourth quarter ng taon.
00:21Ayon sa palasyo, gagamitin ito para suportahan ng mga hakbang na may kinalaman sa disaster relief, recovery at rehabilitation ng mga komunidad na naapektuhan.
00:32Malaking bahagi ng pondo ay ilalaan sa social services upang masigurong mapapakinabangan ito ng lahat ng Pilipino.
00:39Inatasan din ng Pangulo ang lahat ng Ahensya ng Pamahalaan na gamitin ang pondo ng may integridad at kahusayan
00:46upang mapalago ang ekonomiya at masiguro na ang bawat piso ay makatutulong sa patuloy na pagbangon at pagunlad ng bansa.
00:54Prioridad ng Marcos Administration ang pag-angat ng pamumuhunan ang pamumuhay ng mga Pilipino kasabay ng pag-angat ng ekonomiya ng bansa.
01:04Naniniwala ang Pangulo na sa ilali ng Bagong Pilipinas sabay na aangat ang kalidad ng kabuhayan at ang ekonomiya.
01:11Sa banta ng papalapit ng Bagyong Uwan, sinabi ng Pangulo na puspusan ang paghahanda ng mga kinauulang ahensya ng gobyerno.
01:19Isaan niya sa tiniyak ng pamahalaan ay ang pagpapadala ng mga tauhan mula sa Visayas patungo sa Northern Luzon
01:25kung saan ay sinasabing mananalasa ang paparating na bagyo.
01:30Pero paglilinaw ng Pangulo, hindi iiwan ang Cebu.
01:33Kailangan na natin pag-isipan kung ilan dun, kung sino dun ang pwede nang dalhin para paghandaan na yung Uwan.
01:43Siyempre hindi namin iiwanan ng Cebu hanggat lahat na ay in place na.
01:49Ikinalungkot din ang presidente ang malaking numero ng mga nasawi kasunod ng pananalasa ng Bagyong Tino
01:55kasabay ang muling pagtitiyak ng walang patid na pagresponde ng pamahalaan.
02:00We are doing our usual relief and support activities para lahat ng mga displaced, lahat ng naging biktima
02:08ay matutulungan at ng pamahalaan together with national government, together with the first responders, of course the LGUs, maayos naman.
02:20Kaya malaking bagay niya na mapapabilis na ang pag-access ng emergency funds
02:24matapos niyang aprobahan ang rekomendasyon ng NDRRMC na magdeklara ng state of national calamity.
02:31That gives us quicker access to some of the emergency funds, number one.
02:37Secondly, mapapabilis ang ating procurement so that we don't have to go to the usual bureaucratic procedures
02:45and we can immediately provide assistance to the victims of the storms.
02:50Kaunay nito, tiniyak naman ang Malacanang na sapatang pondo ng pamahalaan para sa relief at rehabilitation efforts
02:57kasunod ng pagtama ng Bagyong Tino.
02:59Handa rin umano ang gobyerno sakaling may mga LGU na mag-request ng replenishment ng kanilang mga emergency fund.
03:05May mga quick response funds po ang mga frontline agencies na ma-re-replenish po
03:11at kung ito po ay kukulangin lalo-lalo na po sa mga LGUs,
03:16ang makakaasa po sila na sila po ay bibigyan po ng tulong mula sa office of the president.
03:24Yung tinatawag po nating local government support funds.
03:27Nagpaabot na rin ang 760 million pesos na tulong pinansyal ang Pangulo sa mga apektadong lugar.
03:33May mga lugar na makatatanggap ng tig 50 million pesos, 40 million pesos sa iba,
03:39may tig 30 million pesos, 20 million pesos, 10 million pesos,
03:44habang tig 5 milyong piso naman sa ilang lugar.
03:48Kenneth Pasyente
03:50Para sa Pambansang TV, sa Bagong, Piti Pinas.