Skip to playerSkip to main content
  • 5 hours ago
Pagbisita sa Filipino community, unang ginawa ni PBBM sa kanyang pagdating sa Japan; pagprotekta sa OFWs, tiniyak ng Pangulo | ulat ni Kenneth Paciente

For more news, visit:
►https://www.ptvnews.ph/

Subscribe to our DailyMotion Channel:
►http://www.dailymotion.com/peoples-television-incorporated

Subscribe to our YouTube channel:
►http://www.youtube.com/ptvphilippines

Like our Facebook pages:
►PTV: http://facebook.com/PTVph
►Rise and Shine Pilipinas: https://www.facebook.com/riseandshinepilipinas

Follow us on Twitter:
►http://twitter.com/PTVph

Follow us on Instagram:
►https://www.instagram.com/ptvph

Watch our livestream on:
►http://ptvnews.ph/livestream/
►https://www.dailymotion.com/PTVPhilippines

Watch our News Programs, every Mondays to Fridays

Rise and Shine Pilipinas - 6:00 - 8:00 am
PTV Sports - 8:00 - 9:00 am
Bagong Pilipinas Ngayon - 12:00 - 1:00 pm
Sentro Balita - 1:00 pm - 2:00 pm
Ulat Bayan - 6:00 pm - 7:00 pm
PTV News Tonight - 9:00 pm - 10:00 pm

Saturday & Sunday:
Sentro Balita Weekend - 1:00 - 1:30 pm
Ulat Bayan Weekend - 6:00 pm - 7:00 pm

Category

🗞
News
Transcript
00:00Binisita rin ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang mga Pilipino sa Bansang Japan.
00:05Kinilala ng Pangulo ang ambag na mga nakatatandang Pilipino para magtagumpay ang susunod na henerasyon.
00:11Nagbabalik si Kenneth Paciente.
00:16Nakaagapay ang pamahalaan.
00:17Yan ang tiniyak ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa Filipino community sa Japan,
00:22na una sa kanyang schedule sa apat na araw na state visit doon.
00:26Siniguro ng Pangulong na nananatili ang hangarin at mga hakbang ng kasalukuyang administrasyon
00:31sa pagprotekta sa kapakanan ng mga overseas Filipino workers sa Japan.
00:36Napakahalaga para sa amin na ipabatid sa inyo na ang inyong pamahalaan ay walang tigil at walang sawang nagsisikap
00:44upang mapangalagaan ang inyong mga karapatan, kapakanan at kaligtasan
00:50habang kayo ay naghahanap buhay sa iba yung dagat.
00:54Kasabay niyan, muling kinilala ng punong ehekutibo ang kanilang husay, galing at sipag
00:59at pinasalamatan sa kanilang ambag sa ekonomiya ng Pilipinas.
01:03Bago pa mang kami makikipagpulong sa mga pinuno ng Japan,
01:07minarapat naming unahin ang pagkikipagkita sa inyo.
01:11Sabagkat kayo ang dahilan kung bakit mahalaga ang relasyon ng Pilipinas at Japan.
01:18Sabagkat kayo ang nagbibigay buhay sa ugnayang ito sa gitna nga ng Pilipinas at ng Japan.
01:27Hinimok din niya ang mga kabataang Pilipino sa Japan na samantalahin ang mga oportunidad
01:32habang ipinagmamalaki ang kanilang pagkapilipino.
01:35Kasabay ang pagkilala sa ambag ng mga nakatatandang Pilipino
01:39na nagbigay daan sa dagumpay ng mga susunod na henerasyon sa Japan.
01:43We are a community of 350,000 Pilipinos working and living in Japan.
01:49The fourth largest expatriate community in the country.
01:54Inaasahan ko na tulad ng mga panahong nagdaan,
01:57ang mga Pilipino sa Japan ay mananatiling matagumpay sa kanikanilang mga napiling larangan.
02:05Nagtitiwala ako sa kakayahan ng bawat isa na maging haligi ng inyong mga pamayanan.
02:13Inaasahan ko rin na patuloy na magbibigay ng karangalan sa bansa
02:18ang ating mga OFW dito sa Japan
02:21sa pamamagitan ng pagiging mabuting mamamaya
02:25at pagiging masunurin sa mga batas at alituntunin ng bansang ito
02:29na itinuturing na ninyong pangalawang tahanan.
02:33Ikinalugod naman ng ilang OFW doon ang pagbisita ng Pangulo.
02:37Patunayan nila ito na seryoso ang pamahalaan na alamin ang kanilang kalagayan.
02:42Thank you for loving the country.
02:45Thank you for loving the Filipino people.
02:48And thank you for loving the culture.
02:51And you know, you're doing a great job.
02:55Even I'm here in Japan, I saw all of your accomplishments.
02:59And even I will retire, I will be happy to come back to our Philippines.
03:05Nakakataba po ng puso na ang Pangulo ng Pilipinas ay dadalaw at magbibigay-pugay sa mga Pilipino dito sa Japan.
03:14Ayon sa Department of Migrant Workers, nananatiling mataas ang kumpiyansa ng Japan sa mga Pilipinong manggagawa.
03:21Katunayan, mas dumadami pa nga ang bilang ng mga Pilipino na nakakakuha ng trabaho doon dahil na rin sa magandang
03:27ugnayan ng dalawang bansa.
03:29Sa panahon ni Pangulong Marcos, napaigting yung standing or legal status, visa status, work status ng ating mga OFWs.
03:39Nadagdagan pa nga, dumami pa nga sila dito.
03:41At a rate of around 27 to nearly 40,000 in a year ang nadagdag sa mga nadideploy dito.
03:50So, napaka taas ng kumpiyansa.
03:52Kenneth Pasyente, para sa Pambansang TV, sa Bagong Pilipinas.
Comments

Recommended