00:00.
00:30Ang Office of the Civil Defense ay naglabas ng kanilang response cluster member agencies upang agad na magbigay tulong hindi
00:38lang sa mga local government units kundi sa lahat ng mga apektadong residente.
00:44Ipinag-utos na rin ang libring sakay sa Metro Manila habang nakastandby ang search and rescue units.
00:51Samantala ay patuloy naman ang relief operations ng pamahalaan.
00:56Tiniyak din ng gobyerno ang tuloy-tuloy na clearing operations at medical assistance sa mga sinalantaan ng baha.
01:03Sa gitna ng pagbahas, sinabi ni Castro na nakatulong ang nagpapatuloy ng Pasig Marikina River Channel Improvement Project upang mapigilan
01:11ang tuluyang pag-apaw ng Marikina River.
01:13Dahil sa proyektong ito, hindi umapaw ang ilog at naprotektahan ang mga residente ng Marikina at Pasig City mula sa
01:21matinding baha, lalo na at ilang linggo nang walang tigil.
01:25Ang malakas na pagulan.
01:27Gayunman, binigyang diin ng palasyo na mahalagang gumagana ang mga proyekto kontrabaha sa mga ganitong pagkakataon.
01:34Kaya naman pinasisilip nito kung alin sa 13,917 flood control projects na isinagawa noong nakaraang administrasyon ang hindi naging
01:42efektibo sa pag-iwas sa pagbaha.
01:45Inihalimbawa nito ang sunog-apog pumping station bilang isang proyektong matagal ng natingga.
01:50Pero gumagana na sa ngayon matapos makumpuni.
01:52Kailangan din po natin malaman kung nasaan ito, kung gumagana ito, ghost projects ba ito dahil napanggit naman namin mga
01:59ghost projects yung panahon ni dating Pangolong Duterte.
02:02So dapat natin mamonitor ito kung substandard ba ito.
02:05Ang MMDA pinag-aaralan na ang pag-livestream ng lagay ng trapiko para bigyan ang pagkakataon ng mga motorista na
02:12dumiskarte lalo na tuwing masama ang panahon at tukod ang trapiko.
02:16Naiintindihan din ng ahensya ang sentimiento ng mga taga-Metro Manila dahil sa pagbaha.
02:21Pero ipinunto ni MMDA General Manager Nicolás Torre III na lahat ng kanilang resources ay nakadeploy.
02:27Diyan man, may mga gagawin na rin silang hakbang para kahit paano'y maiwasan ang pagbaha.
02:32Ang immediate action namin dyan is sinisiguro namin na tip-top ang operations ng ating mga pumping stations para kung
02:42may standing water man, mailabas ka agad sa mga waterways.
02:45Tapos pangalawa, siyempre, siguraduhin na 100% din ang efficiency ng mga waterways natin sa pamamagitan ng dredging at saka
02:55yung paglilinis talaga ng basura.
02:57Dapat walang bara para yung kanyang efficiency is optimal.
03:02Tiniyak din ang Malacanang na sapat ang supply ng doxycycline habang patuloy ang pagulan at pagbaha na dulot ng habagat
03:09sa Metro Manila at mga karatig lalawigan.
03:11Samantala, inireport naman ang DSWD na nasa mahigit 1 milyong family food packs na ang naipamahagi
03:17at mahigit 700 milyon pesos na halaga ng DSWD humanitarian assistance na ang nai-release.
03:23The Luzon Repacking Center is running at 22,000 family food packs a day.
03:28The Visayas Center will be running at 22,000 come middle this week.
03:32Kasi we're also starting to get requests from, it's augmenting yung mga areas na tinatamaan ng pabugsong-bugsong habagat.
03:40Ang message namin, hindi dapat mag-alala ng ating mga kababayan, may sapat na pagkain na nakaimbak sa mga budega
03:50ng DSWD nationwide.
Comments