Skip to playerSkip to main content
  • 10 hours ago
PBBM, ikinagalit ang pagsusungit ng isang tauhan ng MWO-Bahrain sa ilang Pilipino; DMW, nilinaw na may pondo para sa OFWs at iniimbestigahan na ang insidente | ulat ni Kenneth Paciente

For more news, visit:
►https://www.ptvnews.ph/

Subscribe to our DailyMotion Channel:
►http://www.dailymotion.com/peoples-television-incorporated

Subscribe to our YouTube channel:
►http://www.youtube.com/ptvphilippines

Like our Facebook pages:
►PTV: http://facebook.com/PTVph
►Rise and Shine Pilipinas: https://www.facebook.com/riseandshinepilipinas

Follow us on Twitter:
►http://twitter.com/PTVph

Follow us on Instagram:
►https://www.instagram.com/ptvph

Watch our livestream on:
►http://ptvnews.ph/livestream/
►https://www.dailymotion.com/PTVPhilippines

Watch our News Programs, every Mondays to Fridays

Rise and Shine Pilipinas - 6:00 - 8:00 am
PTV Sports - 8:00 - 9:00 am
Bagong Pilipinas Ngayon - 12:00 - 1:00 pm
Sentro Balita - 1:00 pm - 2:00 pm
Ulat Bayan - 6:00 pm - 7:00 pm
PTV News Tonight - 9:00 pm - 10:00 pm

Saturday & Sunday:
Sentro Balita Weekend - 1:00 - 1:30 pm
Ulat Bayan Weekend - 6:00 pm - 7:00 pm

Category

🗞
News
Transcript
00:00Una po sa ating mga balita, walang puwang ang pagyayabang at anumang uri ng pangaabuso sa pamahalaan.
00:07Ito ang iginit ng Malacanang kasunod ng viral na hindi tamang pagtrato ng isang tauhan ng Migrant Workers Office sa
00:15Bahrain
00:16na sa nangangailangang mga Pilipino.
00:18Ang naturang pangyayari, ikinagalit umano ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., si Kenneth Paciente sa Sentro ng Balita.
00:29Viral ngayon sa social media ang video na ito, kung saan makikita ang ilang overseas Filipino workers sa labas ng
00:36tanggapan ng Migrant Workers Office o MWO sa Bahrain.
00:40Hihingi sana ang mga ito ng tulog, pero sinungitan at pinaalis umano sila ng empleyado ng tanggapan na kinilala na
00:46si Anthony Alermo.
00:48Paliwanag nito, wala na anyang pondo.
00:51Pero wala na po, tapos na po ah, hindi na kayo ma-entertain.
00:54Sir, bakit?
00:55Tapos na po ah, Yuda. Magsumbong na kayo sa magsumbong sa mga gusto niyo pagsumbuhan.
00:58Ano magsumbong na kayo?
00:59Ang Manila, ang nagsasabi, walang pondo.
01:01Ang bagay na yan, hindi ikinatuwa ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ayon kay Palace Press Officer Atty. Claire Castro.
01:09Anya, walang puwang ang pagyayabang at pangaabuso sa kapangyarihan ng mga empleyado ng gobyerno.
01:15Kaya agad anyang ipinagutos ng Pangulo ang pagsasagawa ng investigasyon.
01:19Noong nakita ng Pangulo ang nagviral na video na nagpapakita kay Alermo sa hindi magandang pagtrato sa mga OFWs,
01:28ay agad niyang inutusan si DMW Secretary Hans Leo Kakdak na mag-imbestiga at umaksyon sa naturang isidente.
01:38Sa ngayon ay ni-recall na si Alermo sa kanyang home office habang nagpapatuloy ang administrative investigation laban sa kanya.
01:48Ipinunto pa ng palasyo na malinaw ang direktiba ng Pangulo sa mga kinaukulang ahensya ng gobyerno na dapat asikasuhin ng
01:55mga Pilipino sa ibang bansa,
01:57lalo na ang mga OFW na naiipit sa kaguluhan sa Middle East.
02:01Ang taong walang puso sa pagsisilbi ay walang puwang sa administrasyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
02:08Kung hindi po nyo nais na magsilbi sa ating mga kababayan ng buong puso,
02:15kayo na po ang voluntaryong bumitaw sa inyong posisyon.
02:20Sa isang programa sa Radyo Pilipinas, sinabi ni DMW Secretary Hans Leo Kakdak na hindi katanggap-tanggap ang ginawa ni
02:27Alermo
02:28at humingi siya ng paumanhin sa mga OFW.
02:31Kasabay niyan, nilinaw ng kalihim na may pondo para sa mga OFW.
02:36Nagkaroon lamang anya ng miscommunication sa paraan ng pamamahagi ng ayuda.
02:40Pondo, isa pa yan sa pagkakamali. On so many levels, ang dami pagkakamali kahit anong aanggulo.
02:48Nagpatawag ng financial assistance na hindi dapat sana ginawa but nagkaroon ng accumulation ng crowd.
02:59Ito, dinisperse. Kasi nga, nagiging assembly na under temps.
03:04Yun ang dahilan. Kaya hindi muna, pinagpaliban muna at magiging digital payments na lang.
03:10Gayunman, sinabi ni Kakdak na dapat naging mahinahon pa rin ang naging pagtugon ng empleyado ng MWO sa Bahrain.
03:17Sa ngayon, uuwi na sa Pilipinas ang naturang empleyado habang gumugulong ang investigasyon
03:22at titiyakin ayon kay Kakdak na masasampahan ito ng kasong administratibo kung nararapat.
03:28Kenneth, pasyente. Para sa Pambansang TV, sa Bagong Pilipinas.
Comments

Recommended