Skip to playerSkip to main content
  • 11 hours ago
Higit P63B pondo, inilaan ng gobyerno para sa mga programang pang-irigasyon ng bansa; makabagong NIA Command Center, ininspeksyon ni PBBM | ulat ni Kenneth Paciente

For more news, visit:
►https://www.ptvnews.ph/

Subscribe to our DailyMotion Channel:
►http://www.dailymotion.com/peoples-television-incorporated

Subscribe to our YouTube channel:
►http://www.youtube.com/ptvphilippines

Like our Facebook pages:
►PTV: http://facebook.com/PTVph
►Rise and Shine Pilipinas: https://www.facebook.com/riseandshinepilipinas

Follow us on Twitter:
►http://twitter.com/PTVph

Follow us on Instagram:
►https://www.instagram.com/ptvph

Watch our livestream on:
►http://ptvnews.ph/livestream/
►https://www.dailymotion.com/PTVPhilippines

Watch our News Programs, every Mondays to Fridays

Rise and Shine Pilipinas - 6:00 - 8:00 am
PTV Sports - 8:00 - 9:00 am
Bagong Pilipinas Ngayon - 12:00 - 1:00 pm
Sentro Balita - 1:00 pm - 2:00 pm
Ulat Bayan - 6:00 pm - 7:00 pm
PTV News Tonight - 9:00 pm - 10:00 pm

Saturday & Sunday:
Sentro Balita Weekend - 1:00 - 1:30 pm
Ulat Bayan Weekend - 6:00 pm - 7:00 pm

Category

🗞
News
Transcript
00:00Una po sa ating mga balita, sa harap ng pagsisikap ng pamahalaan na magbigay ng sapat at murang pagkain sa
00:07mga Pilipino,
00:08isang mahalagang hakbang ang ginagawa ng Administrasyon ni Paulong Ferdinand R. Marcos Jr.
00:14Ito ay ang pagpapalakas sa mga programang pangirigasyon sa tulong na rin ng makabagong teknolohiya.
00:20Ang mga yan sa sentro ng balita ni Kenneth Pasciente.
00:27Mas matatag na food security habang direktang tinutugunan ang pangangailangan ng mga magsasaka.
00:32Yan ang binigyang diin ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa 2026 National Irrigation Administration at National Confederation of Irrigators
00:40Association General Assembly.
00:42Daan ng aktibidad para malaman ng hinaing ng mga magsasaka at iangkop ang mga programa ng pamahalaan batay sa kanilang
00:49pangangailangan.
00:50Ayon sa Pangulo, nananatiling hamon ang kakulangan sa patubig sa mahigit 30% ng irrigable land sa bansa.
00:57Bukod pa sa epekto ng climate change, pagtaas ng gastos sa produksyon at pananalasan ng kalamidad.
01:02Dahil dito naglaanaan niya ang pamahalaan ng mahigit 63 billion pesos para sa mga programang pangirigasyon,
01:09kabilang ang rehabilitasyon ng mga lumang pasilidad at pagpapalawak ng serbisyong patubig.
01:14Lalo't giit niya, ang pagpapalakas ng irigasyon ay direktang hakbang upang matiyak ang sapat at abot kayang pagkain para sa
01:21bawat pamilyang Pilipino.
01:23Inaasahan natin na ang pondong ito ay makakatulong sa rehabilitasyon ng mga lumang pasilidad,
01:31pagsasayos ng mga sirang kanal at irrigation system,
01:35at ang pagpapalawak ng mga lugar na maaring mabigyan ng serbisyo ng irigasyon.
01:41Bukod pa rito, halos 300 billion pesos naman ang inilaan para sa buong sektor ng agrikultura,
01:46para sa binhi, farm-to-market roads, post-harvest at cold storage facilities, pataba at iba pang suporta sa mga
01:53magsasaka.
01:54Ininspeksyon naman ng Pangulo ang NIA Command Center at ipinunto ang papel ng makabagong teknolohiya,
01:59kabilang ang real-time monitoring, satellite-fed data,
02:02at artificial intelligence-based crop monitoring para sa mas epesyenteng pamamahala ng tubig at pagprotekta sa ani.
02:09Ako, gobernur ko sa Ilocos Norte, pagkasasabihin may darating na bagyo,
02:15alam na namin kung saan nababaha, alam na namin kung saan dadaan yung tubig.
02:20Nagbago na po lahat yun.
02:21Kaya't kailangan maganda ang koleksyon natin ng datos,
02:26kailangan pinapakinggan natin ang mga magsasaka.
02:29Dahil kayo ang unang nakakaalam kung ano yung mga pangyayari sa mga lugar ninyo.
02:35Sinabi rin ang Presidente na bagaman malaking tulong ang teknolohiya,
02:39nananatili anyang nakasalalay ang lakas ng sektor ng agrikultura sa mga magsasaka.
02:43Kayo po ang katuwang ng pamahalaan.
02:46Kayo ang nakakaalam ng pangangailangan sa lupa.
02:51At kayo ang kasama namin sa pagbuo ng mga solusyon.
02:55At sa patuloy natin pagpapalakas ng sistema nito,
02:59may responsibilidad ang bawat isa sa atin.
03:03Sa mga kawani ng NIA at mga katuwang sa NCIA,
03:08huwag natin bibiguin ang ating mga magsasaka.
03:12Nagkaroon din ang open forum kung saan mismo ang Pangulo
03:15ang sumagot sa mga tanong ng mga magsasaka,
03:17gaya ng napapanahong pagbibigay ng farm inputs sa kanila.
03:21Sabi ng Pangulo,
03:22nagbigay na siya ng direktiba sa DA na agahan ang pagkuhan ng mga pataba.
03:26Kahit hindi pa nagsisimula ang planting season,
03:28lalot maaari naman anyang iimbak ang mga ito.
03:31Agahan ninyo ang bili.
03:33Para pagdating ng panahon ng planting season,
03:39ay nandiyan na, hindi naaantay na bibiliin pa lang,
03:43dadalhin pa lang dito sa Pilipinas kung imported pa,
03:47dadalhin pa sa lugar na kung saan nangangailangan,
03:50ilang buwan yun.
03:51At nang tanongin ng Pangulo kung maiko-considera bang maibalik
03:54ang pamamahala ng mga communal irrigation systems sa NIA
03:57matapos ma-devolve sa mga LGU,
04:00gate ng Pangulo na bagaman mas localized ang magiging pagtugon
04:03sa pangangailangan ng irrigators dahil sa kapangyarihang ibinigay sa mga LGU,
04:07mas mainam pa rin anya na may pag-agapay mula sa national government,
04:10lalo na sa development at technical support.
04:13Sinabi ko na sa ating NIA, kako sa kanila,
04:19wala naman siguro magre-reklamo kung mag-rehabilitate tayo
04:24ng mga local na irrigation system at maglagay tayo ng bagong irrigation system.
04:30Kaya't yan, kahit na sinasabing devolve na yan,
04:34basta't pahanggat kaya naming tutulong, tutulong ang national government sa inyo.
04:40So, siyempre, doon on the ground, doon sa pag-decide kung saan dadalin yung tubig,
04:49kung saan gano'ng karami ang bibitawan na tubig sa isang lugar, nasa sa inyo yun.
04:54Ngunit, yung mga facilities, yung mga infrastructure, yung mga technical support,
04:59magdadala kami na galing sa national government.
05:03Kenneth Pasyente, para sa Pambansang TV, sa Bagong Pilipinas.
Comments

Recommended