Skip to playerSkip to main content
  • 17 hours ago
PBBM, hinikayat ang lahat ng ahensya ng gobyerno at mga Pilipino na mas magtipid sa kuryente | ulat ni RR Tubice

For more news, visit:
►https://www.ptvnews.ph/

Subscribe to our DailyMotion Channel:
►http://www.dailymotion.com/peoples-television-incorporated

Subscribe to our YouTube channel:
►http://www.youtube.com/ptvphilippines

Like our Facebook pages:
►PTV: http://facebook.com/PTVph
►Rise and Shine Pilipinas: https://www.facebook.com/riseandshinepilipinas

Follow us on Twitter:
►http://twitter.com/PTVph

Follow us on Instagram:
►https://www.instagram.com/ptvph

Watch our livestream on:
►http://ptvnews.ph/livestream/
►https://www.dailymotion.com/PTVPhilippines

Watch our News Programs, every Mondays to Fridays

Rise and Shine Pilipinas - 6:00 - 8:00 am
PTV Sports - 8:00 - 9:00 am
Bagong Pilipinas Ngayon - 12:00 - 1:00 pm
Sentro Balita - 1:00 pm - 2:00 pm
Ulat Bayan - 6:00 pm - 7:00 pm
PTV News Tonight - 9:00 pm - 10:00 pm

Saturday & Sunday:
Sentro Balita Weekend - 1:00 - 1:30 pm
Ulat Bayan Weekend - 6:00 pm - 7:00 pm

Category

🗞
News
Transcript
00:00Kinikaya ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang lahat ng ahensya ng gobyerno na magtipid sa paggamit ng kuryente.
00:06Alamin natin ang detalye sa report ni R.R. Tubise.
00:13Mas higpitan ang pagtitipid ng kuryente. Ngayong papasok na ang tag-init.
00:17Yan ang paalala ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at ng Interagency Energy Efficiency and Conservation Committee
00:24para sa lahat ng ahensya ng gobyerno at mga Pilipino.
00:27Inaatasan ang mga opisina ng gobyerno na magpatupad ng energy conservation measures
00:32para masigurong sapat ang supply ng kuryente at langis.
00:36Kanya-kanya rin paraan ang ating mga kababayan para makatipid sa kuryente at gasolina.
00:41Nagluluto, tanghali, hanggang gabi na yun.
00:45O, yun ang pagtitipid namin ng gas.
00:47Tsaka laging nakasarayong, hindi sisingaw.
00:51O, yun na, ulam, kanin, hanggang gabi na yan.
00:54Ang aircon namin, ginagamit namin ng dalawang oras lang.
00:58Pag kayong may pupuntahan kayo at nag-iisa lang din naman,
01:02mas maganda na huwag magdala ng sakyan. Mag-commute na lang.
01:06Sa init ng panahon, di naman pwedeng lagi sa loob.
01:08Wala talagang tigil yung literate dito, makatipid ng kuryente.
01:14Gaya nila, hinihikayat din ang mga hensya ng gobyerno na magtipid
01:18sa pamamagitan ng pag-activate ng sleep settings sa mga gamit sa opisina
01:22at pag-set ng aircon units na hindi bababa sa 24 degrees Celsius.
01:27Pinapaalalahanan din ang mga tanggapan na panatilihing sarado
01:30ang mga pinto ng mga air-conditioned na lugar para mapanatiling sapat ang temperatura.
01:35Inire-recommenda rin ang flexible work arrangements
01:38o pagpapatupad ng walong oras na office hours kung kinakailangan.
01:42Kasama rin sa mga suwestyon ang pagpatay ng ilaw at mga computer
01:46tuwing lunch break at pagkatapos ng office hours.
01:49Hinihikayat din ang mga tanggapan na gumamit ng LED lighting,
01:53inverter-type air conditioning at iba pang appliances na mababa lang ang konsumo ng kuryente.
01:58Maaari rin gumamitan nila ng renewable energy sources gaya ng solar power.
02:03May ilan pang payong ating mga kababayan para makatipid sa kuryente at gas.
02:07Kung kasasakyan nila apat, baka pwedeng isa lang ang gamitin nila,
02:11maghatiran na lang sila, yun, ng mas makakatipid.
02:15Kung ibang hindi kailangan, huwag mo nang bilhin para makatipid lang.
02:20Samantala, kailangan sumunod ang mga ahensya sa Government Energy Program Guidelines
02:24at mag-submit buwan-buwan ng ulat sa kanilang konsumo ng kuryente at langis.
02:29Ayon sa Department of Energy, mahigpit nilang babantayan ang pagpapatupad ng mga hakbang na ito.
02:34Magsasagwa rin sila ng random spot checks upang matiyak na sumusunod ang lahat ng ahensya ng gobyerno.
02:40RR2Bise para sa Pambansang TV sa Bagong Pilipinas.
Comments

Recommended