Skip to playerSkip to main content
  • 11 hours ago
Mga hakbang para mas matulungan ang middle-income earners, pinag-aaralan ayon sa DOF; PBBM, pinatitiyak na walang maiiwang Pilipino sa tulong ng gobyerno | ulat ni Kenneth Paciente

For more news, visit:
►https://www.ptvnews.ph/

Subscribe to our DailyMotion Channel:
►http://www.dailymotion.com/peoples-television-incorporated

Subscribe to our YouTube channel:
►http://www.youtube.com/ptvphilippines

Like our Facebook pages:
►PTV: http://facebook.com/PTVph
►Rise and Shine Pilipinas: https://www.facebook.com/riseandshinepilipinas

Follow us on Twitter:
►http://twitter.com/PTVph

Follow us on Instagram:
►https://www.instagram.com/ptvph

Watch our livestream on:
►http://ptvnews.ph/livestream/
►https://www.dailymotion.com/PTVPhilippines

Watch our News Programs, every Mondays to Fridays

Rise and Shine Pilipinas - 6:00 - 8:00 am
PTV Sports - 8:00 - 9:00 am
Bagong Pilipinas Ngayon - 12:00 - 1:00 pm
Sentro Balita - 1:00 pm - 2:00 pm
Ulat Bayan - 6:00 pm - 7:00 pm
PTV News Tonight - 9:00 pm - 10:00 pm

Saturday & Sunday:
Sentro Balita Weekend - 1:00 - 1:30 pm
Ulat Bayan Weekend - 6:00 pm - 7:00 pm

Category

🗞
News
Transcript
00:00Una sa ating mga balita, abutin ang lahat ng mga Pilipino.
00:05Ito ang mahigpit na direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marquez Jr. sa harap ng iba't ibang hamon ngayon sa bansa.
00:12At kaugnay niyan, sinabi ng Department of Finance na pinag-aaralan na ang mga hakbang para direktang matulungan din ang
00:19middle income earners sa harap ng mataas na presyo ng petrolyo.
00:24Si Kenneth Paciente sa Sentro ng Balita.
00:28Sa ikatlong pulong ng Uplift Committee na pinangunahan ni Pangulong Ferdinand R. Marquez Jr.,
00:34pinatitiyak niya ang mabilis na pamamahagi ng tulong sa mga sektor na apektado ng pagsipa ng presyo ng langis,
00:40bunsod ng krisis sa Middle East, ang direktiba ng Pangulo, walang Pilipino ang may iwan.
00:46Ang utos ni Pangulong Marquez Jr. sa Uplift Committee ay siguraduhin na maaabot ang lahat ng mga maaapektuhan
00:54at tiyakin na equal distribution ang tulong na maibibigay sa mga nangangailangan.
01:00Pero hindi lang dapat mabilis ang nais ng presidente. Bilin niya ang tamang paggamit ng pondo.
01:07Gamitin ang pondo sa pinakamabilis at kapakipakinabang na pamamaraan.
01:12Dapat rin siguruhin ang tuloy-tuloy na supply ng langis para sa patuloy na pag-usad ng ekonomiya ng bansa.
01:20Bilin din ang Pangulo sa Committee na kailangan pag-isipan ang long-term solutions lalong-lalo na sa fuel at
01:28oil supply sa bansa.
01:29Pero bukod sa tulong sa mga vulnerable sector, pinag-aaralan na rin ngayon ang pamahalaan ng mga hakbang
01:35na nakatoon naman sa middle-income earners na apektado rin ang pagtaas ng presyo ng langis.
01:40Sabi ng DOF na pag-usapan na ito ng Uplift Committee at binigyang diin na hindi namimili ang pamahalaan ng
01:46sektor na tutulungan.
01:48Katunayan, may ilan na rin hakbang na ipinatutupad ang pamahalaan para sa naturang sektor.
01:53Meron na po tayong mga current programs na not directly but indirectly impact ito pong ating mga middle and including
02:01the most vulnerable.
02:02Like for instance, binabaan po natin yung mga ports fee.
02:05Binabaan po na meron po yata moratorium or tinanggal po actually yung mga toll fees sa mga logistics.
02:10So yun po may direct impact po yun sa prices ng goods and services na kino-consume mo po, hindi
02:17lang po na mahirap but also the middle-income classes.
02:20So it's not a direct subsidy but it's indirect.
02:24Pero kasabay nito, binigyang diin ng Finance Department na nakatoon ngayon ang pamahalaan sa targeted fuel subsidy
02:30na rektang makatutulong sa pinaka-apektadong sektor gaya ng PUV drivers, mga magsasaka, maging ang low-income households.
02:39I-pinaliwanag din ang DOF na ang panukalang bawasan ng excise tax sa gasolina
02:43ay magdudulot ng malaking pagbaba sa kita ng pamahalaan na maaaring magpahina sa mga programa nito.
02:50Kawari, tanggalin po natin yung excise, kumari sa diesel.
02:54Karamihan po nang nagbabayad ng excise based on consumption, pinakamaraming nagkukonsume nito
02:59at hence pinakamalaking nagbabayad ng tax nito ay yung pinakamayaman.
03:04So kung tanggalin natin ito, yung 50 billion pesos.
03:09So meron tayong 50 billion na hindi maibibigay na tulong sa mga vulnerable at middle-income classes.
03:17Yun po ang implikasyon na ito.
03:19Kaya po ang direction po natin ngayon for now is targeted.
03:23Unahin po natin na yung most vulnerable, but that doesn't mean that we will not provide for the others,
03:30particularly the middle-income classes.
03:32Kahapon, sinimulan na ng LTFRB ang pamamahagi ng 10 peso fuel discount para sa mga PUV driver.
03:39Buena manong nakatanggap ang modern jeepney driver na si Ryan,
03:42na biyaheng Pasig Palengke, Pasig Simbahan at Rosario Rotonda.
03:46Nangangahulugan na dagdag kita sa kanya ang subsidy at rollback matapos ang sunod-sunod na oil price hike.
03:52Doon hindi po po yung pinakarga ko po.
03:54Hello?
03:54Oo.
03:55Tapos yung discount po niya, 65, ay 165 po.
03:59165.
03:59O yan yung 165, ano to para sa'yo?
04:02Malaking bagay po sa amin yun, mga driver makagastusin sa bahay.
04:06Pag bibigay din ang DOE, mas rektang makatutulong sa vulnerable sector ang 10 peso fuel discount,
04:12kumpara sa pagsususpindi ng excise tax sa diesel at gasolina.
04:16This is even more than what an excise tax exemption can offer,
04:21which is 10 pesos compared to 6 or kung kalahati lang yan, then 3 pesos lang.
04:26But this is a response that has been approved also by Uplift.
04:32Kasi eto talaga yung pinaka-naiipit sa lahat.
04:36Yun yung transport, yung mga drivers natin.
04:39Kasi drive sila, hindi sila makasingil ng mas mahal, pero mas mahal na yung binabayari nila sa fuel.
04:47Inatasan na ng DOE ang mga lehitimong gasolinahan sa NCR na makibahagi sa programa.
04:52Pero sa ngayon, 33 sa 52 gasolinahan pa lamang ang nakarehistro sa Land Bank App.
04:58Habang kinikilala na hindi lahat ng PUV drivers ay bihasa sa teknolohiya,
05:03sinabi ni Garin na simple lang ang mekanismo.
05:05Kailangang dalhin ng mga PUV driver ang kanilang rehistradong sasakyan kapag mag-a-avail ng fuel discount.
05:11Dahil ang verifikasyon ay ibabatay sa plate number ng kanilang sasakyan.
05:15At dahil online na ang siste, paano kaya kung magkakaroon ng aberya at offline ng app?
05:21Kung offline po yung particular gas station, we will direct and train all gas stations to provide alternatives po.
05:30Para kung just in case offline, meron pong other gas stations silang mapuntahan.
05:35Kenneth Pasyente, para sa Pambansang TV, sa Bagong Pilipinas.
Comments

Recommended