00:00Tapos na ang unang session ng First Status Conference sa kaso ni dating Pangulong Rodrigo Duterte sa International Criminal Court.
00:06Ang detali sa report ni RR Tubice.
00:12Pinakatinutukan sa unang bahagi ng pagdinig ang posibleng petsa sa pagsisimula ng trial.
00:17Ang prosecution, iminungkahing magsimula ito sa November 30,
00:21habang ang ICC registry mas gustong sa January 2027 dahil kailangan pa umano ng panahon para sa interpretation.
00:29Sa panigdaman ng biktima, sinabi ng common legal representative na masyado ng matagal ang January 2027 at sumasang-ayon sila
00:37sa November 30 trial date.
00:39Tinalakay rin ang mga lingwaheng gagamitin sa paglilitis.
00:43Nilinaw ng Defense Council na hindi kailangan ni Duterte ng interpreter dahil marunong siyang mag-English.
00:48Pero problema pa rin ng korte ang interpretation para sa mga testigo at sa publiko,
00:53kabilang ang Tagalog at iba pang wika sa Pilipinas,
00:56para masundan ng mga biktima at interesadong Pilipino ang takbo ng trial.
01:01Sa unang session din, lumitaw na plano ng prosecution na magharap ng 60 to 70 witnesses,
01:06kabilang ang tinatayang 31 insider witnesses.
01:09Pinaalala naman ang trial chamber sa lahat ng panig na kailangang pabilisin at paiksiin
01:14ang presentasyon ng ebidensya dahil pa rin sa kalusugan ng dating Pangulo.
01:18Hindi dumalo si Duterte sa unang status conference.
01:21Noong May 22, pinayagan ng trial chamber ang hiling ng depensa na i-waive ang karapatan niyang humarap
01:27basta siya'y magsumite ng nilagdaang waiver.
01:30Noong May 25, formal na isinumite ni Lead Counsel Peter Haynes ang signed waiver ng dating Pangulo.
01:36Nagsimula ang pagdinig sa pagpapakilala ng mga panig.
01:39Ang prosecution, ang bagong defense teams sa pangunguna ni Haynes kasama si Kate Gibson
01:44at ang common legal representatives ng mga biktima sa pangunguna ni na Paulina Masida at Joel Butuyan.
01:51Isinasagawa ngayon ang ikalawang sesyon kung saan inaasahang itutuloy
01:54ang pagtalakay sa disclosure, trial preparation at iba pang procedural matters
01:59bago ang aktual na paglilitis.
02:01RR Tubise para sa Pambansang TV sa Bagong Pilipinas.
Comments