00:00Sinimulan na ng Land Transportation, Franchising and Regulatory Board ang Public Consultation Kaugnay
00:06sa hiling na pagtaas ng pabasahe sa mga public utility vehicle.
00:11Yan ang ulat ni Bernard Ferrer.
00:14Dapat hindi talaga taasan, dapat babaan pa.
00:18Ito ang hiling ni Cherry, lalo't hindi biro ang kanyang gastusin.
00:21Kwento niya, araw-araw siyang nagkocommute mula sa Nosedal Monte Bulacan,
00:26patungo sa kanyang trabaho sa Makati.
00:28Mas lalo pang mahirap kapag inabutan siya ng rush or.
00:32Aminado siya na malaki ang magiging epekto sa kanya
00:34kung magkakaroon ng pagtaas sa kasalukuyang pamasahe sa pampublikong transportasyon.
00:39Malaking-malaki, kabawasan sa budget.
00:43Dagdag na rin po sa budget natin, pangangailangan sa pang-araw-araw natin.
00:48Sa public consultation ng LTFRB, pinakinggan ng hirit na aumento sa pamasahe sa PUV.
00:54Layunin ang konsultasyon ay presenta ang mga basihan ng fair adjustment,
00:59mangalap na opinion mula sa mga stakeholder,
01:01at matiyak ang transparency at partisipasyon ng publiko sa proseso.
01:06Bahagi ito ng hakbang ng LTFRB upang maresolba ang magiging 37,000 nakabimbing petisyon at mosyon.
01:12It's a nationwide consultation kasi nakita po natin lahat ng petisyon e nationwide in scope.
01:18Pinagbigyan po natin lahat magsalita.
01:20We will be ready to submit our recommendation over the weekend.
01:24Sa kasalukuyan, 13 pesos ang minimum fair sa traditional na jeepney
01:29at 15 pesos naman sa modern jeepney.
01:32Hinihiling na itaas ito sa 15 pesos at 17 pesos para sa unang 4 na kilometro.
01:37Sa airport taxi mula 75 pesos para sa unang 500 metro.
01:41Hinihiling na itaas ito sa 100 hanggang 150 pesos.
01:45Sa mga PUV particular sa city operation mula 13 pesos para sa ordinary
01:50at 15 pesos para sa aircon,
01:52hinihiling na gawing 15 at 17 pesos para sa unang 5 kilometro.
01:58Sa provincial operation mula 11 pesos ay hinihiling na itaas sa 12 pesos and 67 centavos
02:04para sa unang 5 kilometro.
02:06Samantala sa mga point-to-point bus,
02:08hinihiling naman na itaas sa 30% ang pamasahe mula sa kasalukuyang regular fair.
02:14Sa mga Transport Network Vehicle Service o TNVS,
02:17mula 35 hanggang 55 pesos na base fair,
02:20hinihiling na itaas sa 55 hanggang 75 pesos.
02:23Huling nagkaroon ng umento sa pamasahe noong September 2022.
02:27Nahihirapan din naman kami dahil ayaw rin namin pahirapan yung ating mga commuters.
02:32Kailangan po namin ng pagtaas ng pamasahe para ho kami ay mabuhay.
02:36Samantala, nanawagan ang lawyers for commuters safety and protection sa pamahalaan
02:40na agarang ipamahagi ang fuel subsidies sa mga PUV driver na apektado ng pagtaas ng presyo ng langis.
02:46Nito lamang linggo,
02:48nagpatupad ng dagdag presyo sa mga produktong petrolyo,
02:5150 centimo sa kada litro ng diesel at piso sa gasolina.
02:55Bukod sa konsultasyon sa Quezon City,
02:57inatasan ni Chairman Mendoza ang mga regional director na magsagawa rin ng kanika nilang public consultation
03:03at isumite ang mga resulta nito bagong November 14.
03:07Bernard Ferrer para sa Pambansang TV sa Bagong Pilipinas.