00:00Samantala, nag-iwan ng malawak na pinsala ang bagyong uwan sa Katanduanes.
00:05Maraming bahay ang nawasak dulot ng malakas na hangin at pag-ulan.
00:09May report si Juris De La Rosa ng Radio Pilipinas.
00:15Ito ang iniwang bakas ng panghahagupet ng Super Typhoon 1 sa lalawigan ng Katanduanes.
00:22Sirang kabahayan, tanimang lubog sa baha at kalsadang hindi madaanan
00:26dahil sa paguho ng lupa at nagbagsak ang kakoy at poste.
00:30Isang residente naman sa Viga ang nasawi dahil sa flash flood,
00:34habang pito ang sugatan sa bayan ng bagamanok.
00:37Ayon kay Katanduanes Governor Patrick Azanza,
00:40umabot sa siyamnapunglibong katao ang naapektuhan ng bagyo.
00:43Kabilang dyan, ang labing walong libong pamilya na sapilitang inilikas.
00:48Kanyang ipinagutos ang paglilaan ng pondo para matulungan ang mga nasa lantan ng bagyong uwan.
00:54Do we hear from the Finance Committee?
00:57How much money do we have?
00:58And how much are we allocating?
01:00Nagpadala rin ang Department of Social Welfare and Development
01:03ng karagdagang food packs para sa mga apektadong pamilya.
01:08Samantala, patuloy din ang clearing operation sa buong lalawigan
01:11para maibalik sa normal ang daloy ng transportasyon.
01:15Sa kuryente naman,
01:16nagsimula na ang first Katanduanes Electric Cooperative of Iselco
01:19sa kanilang damage assessment at power restoration.
01:22Dahil maraming poste at linya ng kuryente ang natumba,
01:26walang patid ang pagsisikap ng lokal na pamahalaan at kooperatiba
01:30para maibalik agad ang supply ng kuryente.
01:33Sa ngayon, patuloy ang pagtutulungan ng mga lokal na opisyal at national agencies
01:38para maibsan ang epekto ng bagyong uwan at makabangon muli ang mga katandungan nun.
01:44Mula rito sa Katanduanes para sa Integrated State Media,
01:48ako si Judith De La Rosa ng Radyo Pilipinas, Radyo Publiko.