00:00May bago ng hawak na testigo ang Justice Department na magdidiin sa mga sospek sa pagkawala ng mga sabongero.
00:07Iyan ang ulat ni Luisa Erispe.
00:11Nagtutulungan ang buong pamahalaan para lutasin ang mga kaso ng mga nawawala dahil sa walang pakundangang kagagawan ng mga sindikato sa likod ng madilim na mundo ng mga sabongan.
00:24Nagtutulungan, hahabulin at pananagutin natin ang mga utak at mga sangkot si billion man o opisyal.
00:31Kahit malakas, mabigat o mayaman, hindi sila mangingibabaw sa batas.
00:38Ito ang isa sa binitawang pahayag ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa kanyang naging State of the Nation address kahapon.
00:45Kahit sino mananagot sa batas basta't sangkot sa kaso ng mga nawawalang sabongero na mula pa noong 2022.
00:53Kaya naman ang Department of Justice patuloy sa paglutas ng kaso para matonton ang totoong utak sa likod nito.
01:01Ayon kay Justice Secretary Jesus Crispin Remolia, sa ngayon may bago na silang testigo na hawak na may mga ambag na bagong ebidensya para sa kaso.
01:11Ayon hindi lang itong testimonial evidence, may real evidence na involved nito.
01:15Meron ditong totoong ebidensya na bukod sa kwento, meron itong sariling ebidensya pa na kalakit kasama nito.
01:23Hindi naman kinumpirma ni Remolia kung miyembro ba ng Umanoy Alpha Group ang hawak nilang testigo.
01:29Pero Anya, isa ito sa masasabi niyang totoong testigo at magpapataas ng kredibilidad ng lumutang na sospek na si Julie Patidongan o Alies Totoy.
01:39Pinangako naman ni Remolia na alinsunod sa naging pahayag ng Pangulo, hindi nila titigilan ang investigasyon sa kaso.
01:46Basta ito, sigurado lang namin yung ano ng kaso, yung continuity ng case at yung tibay na ebidensya. And we're there already. We're almost there.
01:55Samantala, dumating naman sa opisina ng DOJ, ang hepe ng PNP na si General Nicolás Torre III, may pinare-relieve anyang service commander si Remolia Caitore.
02:05Hindi naman dahil sa may kinalaman ito sa kaso, pero dahil sa kahina-hinala o manong kilos nito, kaugnay ng pag-usad ng kaso.
02:14Meron sa kinilos na hindi ko gusto. Alam nyo, napakahalaga ng ngantong tiwala sa pusesong to. Tiwala ang pinakamahalagang magkaroon.
02:25Kasi pag wala kang tiwala, paano magsasalita ang mga tao kung hindi buo ang tiwala. So yun na aking sinigurado.
02:33Kakausapin din naman anya ni Remolia, ang director ng National Police Commission, upang magkumpara ng detalye hinggil sa kaso.
02:40Matapos nga maglabas ng resolusyon ng NAPOLCOM ngayong araw na pinakakasuhan ng administrative case ang labing dalawang polis base sa afidavid ni Alies Totoy.
02:51Luisa Erispe, para sa Pambansang TV, sa Bagong Pilipinas.