Skip to playerSkip to main content
  • 2 days ago
Mga LGU sa bansa, makakatanggap ng P1.19T pondo mula sa 2026 National Budget | ulat ni Kenneth Paciente

For more news, visit:
►https://www.ptvnews.ph/

Subscribe to our DailyMotion Channel:
►http://www.dailymotion.com/peoples-television-incorporated

Subscribe to our YouTube channel:
►http://www.youtube.com/ptvphilippines

Like our Facebook pages:
►PTV: http://facebook.com/PTVph
►Rise and Shine Pilipinas: https://www.facebook.com/riseandshinepilipinas

Follow us on Twitter:
►http://twitter.com/PTVph

Follow us on Instagram:
►https://www.instagram.com/ptvph

Watch our livestream on:
►http://ptvnews.ph/livestream/
►https://www.dailymotion.com/PTVPhilippines

Watch our News Programs, every Mondays to Fridays

Rise and Shine Pilipinas - 6:00 - 7:00 am | 7:30 - 8:00 am
Balitang Pambansa - 7:00 - 7:30 am | 12:00 - 12:30 pm |
6:00 - 6:30pm | 9:30 - 10:00 pm
PTV Sports - 8:00 - 9:00 am
Bagong Pilipinas Ngayon - 12:30 - 1:00 pm
Sentro Balita - 1:00 pm - 2:00 pm
Ulat Bayan - 6:30 pm - 7:00 pm
PTV News Tonight - 10:00 pm - 10:30 pm

Saturday & Sunday:
►Sentro Balita Weekend - 1:30 - 2:00 pm
►Ulat Bayan Weekend - 6:15 pm - 7:00 pm

Category

🗞
News
Transcript
00:00Mula sa 2026 national budget, aabot sa mahigit isang trilyong piso
00:04ang magiging pondo ng mga lokal na pamahalaan kung saan gagamitin ito
00:08sa mga servisyo at pagpapalakas pa sa pagresponde
00:11at paghahatid ng mga pangangailangan sa kanila nasasakupan.
00:14Alamin natin ang detalyo niyan sa report ni Kenneth Pasiente.
00:20Lalagakan ng pondo ng Budget Department ang mga LGU
00:24na siyang unang rumiresponde sa pangangailangan ng mga komunidad.
00:27Yan ay para ilapit sa mamamaya ng mga servisyo ng pamahalaan
00:30alinsunod na rin sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcus Jr.
00:34Ayon kay DBM Acting Sekretary Rolando Toledo,
00:37mas palalakasin pa ang kakayahan ng mga lokal na pamahalaan
00:40sa pagtugon sa mga hamon sa kanilang nasasakupan.
00:43Sa ilalim kasi ng 2026 General Appropriations Act,
00:46makatatanggap ang mga LGU ng 1.19 Trillion Pesos
00:49na National Tax Allotment o MTA
00:52bukod pa sa mahigit 31.7 Bilyon Pesos
00:55na Special Shares mula sa National Government
00:57at 1.41 Bilyon Pesos mula sa Fire Code Fees.
01:01Ang ibig sabihin lang po nito,
01:03LGUs ang pangunahing tagapagplano
01:06at tagapagpatupad ng servisyong panlipunan
01:09sa antas ng komunidad.
01:11Hindi lang sila tagatanggap ng pondo,
01:15sila na ang may hawak ng manibela.
01:18Tagtagpa rito ang 57.87 Bilyon
01:22no Local Government Support Fund sa 2026,
01:26mahigit doble kumpara noong nakarang taon.
01:29Ang pondong ito ay tahasang dinisenyo upang palakasin
01:33ang basic services,
01:36suportahan ang kanayunan at kabuhayan
01:40at tulungan lalo na ang mga low income
01:43or resource constrained LGUs.
01:46Nilinaw din ang DBM na bagaman nasa LGU
01:48ang bola patungkol sa mga programa at proyekto,
01:51hindi pwedeng bara-bara ang pagpapatupad.
01:53Sa halip, dapat ay planado at nakaangkla
01:55sa malinaw na plano ng mga LGU.
01:57Ngunit higit pa sa laki ng pondo,
02:00mahalaga ang malinaw na patakaran.
02:05Sa ilalim ng 2026 Budget Framework,
02:08hindi na pwedeng magulat ang isang mayor
02:10na may proyekto ang tinatayo sa kanyang lugar
02:14na hindi niya alam.
02:16Hindi niya hiningi at hindi nakaangkla
02:19sa plano ng kanyang LGU.
02:22So ang budget ay hindi sorpresa.
02:25Ang budget ay plano.
02:28Sa disaster response and rehabilitation naman,
02:3139.82 billion pesos ang inilaan
02:33sa National Disaster Risk Reduction and Management Fund.
02:3615.33 billion pesos dito ang ilalaan
02:39sa rehabilitasyon at konstruksyon
02:41ng mga infra-project ng LGU.
02:43Pero sabi ng DBM, magagamit lamang ito
02:46batay sa approved local rehabilitation and recovery plan.
02:50Ang LGU ang magpapasya kung ano ang uunahin.
02:54Bahay, paaralan, health facility, infrastruktura at kabuhayan
02:59ayon sa aktual na pinsala at pangangailangan,
03:05hindi ayon sa dikta ng kahit sino.
03:08Binigyang diin naman ang palasyo na ang hakbang na ito
03:11ay para bigyang kapangyarihan ng mga LGU
03:13na pagtibayin ang serbisyong lokal
03:15at maitaas ang kanilang kapasidad.
03:17Tiniyak din ang DBM na hindi maaapektuhan
03:19ang sweldo ng mga kawalinang gobyerno.
03:21Kasunod ng pag-vito ng ilang bahagi ng pambansang budget,
03:25kabilang na ang payment for personal service
03:27o PS requirement.
03:29Hindi maapektuhan po ang mga sweldo
03:31ng ating mga regular employees
03:33kasi nakasada po sa budget ng bawat ahensya
03:36ang pansweldo ng bawat membro ng ating civil servants.
03:40Yung ating mga newly hired, of course,
03:43that will all depend doon sa pagre-request ng ahensya
03:47on how fast they can fill in a request
03:50for filling up opposition
03:52at the same time creation opposition.
03:55And hindi rin sila maapektuhan
03:57because mayroon tayong tinatawag na
03:59special purpose funds naman.
04:00Nilinaw din ito na bagamat na veto ang pondo
04:03para sa comprehensive automotive resurgence strategy o CARS
04:06at revitalizing the automotive industry
04:08for competitiveness enhancement or race programs
04:11ay patuloy pa rin hinahanapan ng solusyon
04:14ang bayarin sa local automotive firms.
04:17Kenneth, pasyente.
04:19Para sa Pambansang TV,
04:20sa Bagong Pilipinas.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended