Skip to playerSkip to main content
  • 22 minutes ago
Senado, tiniyak na walang bahid ng korapsyon ang pondo para sa 2026 | ulat ni Louisa Erispe

For more news, visit:
►https://www.ptvnews.ph/

Subscribe to our DailyMotion Channel:
►http://www.dailymotion.com/peoples-television-incorporated

Subscribe to our YouTube channel:
►http://www.youtube.com/ptvphilippines

Like our Facebook pages:
►PTV: http://facebook.com/PTVph
►Rise and Shine Pilipinas: https://www.facebook.com/riseandshinepilipinas

Follow us on Twitter:
►http://twitter.com/PTVph

Follow us on Instagram:
►https://www.instagram.com/ptvph

Watch our livestream on:
►http://ptvnews.ph/livestream/
►https://www.dailymotion.com/PTVPhilippines

Watch our News Programs, every Mondays to Fridays

Rise and Shine Pilipinas - 6:00 - 7:00 am | 7:30 - 8:00 am
Balitang Pambansa - 7:00 - 7:30 am | 12:00 - 12:30 pm |
6:00 - 6:30pm | 9:30 - 10:00 pm
PTV Sports - 8:00 - 9:00 am
Bagong Pilipinas Ngayon - 12:30 - 1:00 pm
Sentro Balita - 1:00 pm - 2:00 pm
Ulat Bayan - 6:30 pm - 7:00 pm
PTV News Tonight - 10:00 pm - 10:30 pm

Saturday & Sunday:
►Sentro Balita Weekend - 1:30 - 2:00 pm
►Ulat Bayan Weekend - 6:15 pm - 7:00 pm

Category

🗞
News
Transcript
00:00All systems go na ang deliberasyon ng Bicameral Conference Committee
00:04bukas sa o para sa panukalang pondo sa 2026.
00:08Tiniyak naman ng Senado, kahit naurong ang Bicam ng isang araw,
00:12walang secret Bicam, lahat ay isa sa publiko.
00:16Yan ang ulat ni Louisa Erispe.
00:19Ngayong araw, sana ang nakatakdang deliberasyon ng Bicameral Conference Committee
00:24para sa panukalang pondo sa 2026.
00:27Pero kahapon, inanunsyo ni Sen. President Vicente Soto III,
00:31kinailangang iusog bukas ang Bicam para pag-aralan ng dalawang kapulungan
00:36ang versyon ng Senado, gayon din ang versyon ng Kamara.
00:40Nilino naman ni Sen. Sherwin Gatchalian, magiging chairperson ng Bicam Committee,
00:45na kahit iniurong ang ischedule ng Bicam, walang secret Bicam na nagaganap sa ngayon.
00:51Wala rin secret meetings. Lahat ay transparent o isa sa publiko.
00:57Walang secret Bicam. Doon pag-uusapan sa Bicam.
01:02But of course, kami nagprepare kami on our side.
01:05Kasi maraming dokumento.
01:07So we have to prepare early.
01:09And we have to make sure na madetalyay yung preparation.
01:14Ang isinasagawa lang ngayon,
01:16bukod sa pag-aaral ng mga versyon ng budget,
01:18inaayos ang logistics.
01:20Pero walang behind the screen na mga pag-uusap o kasunduan.
01:24Yung staff, nakikipag-coordinate to staff.
01:27Kasi yung venue, yung pagkain, like yung matrix,
01:32kumuha ng information lang, additional information doon sa mga proposals nila.
01:37So hang doon lang.
01:39Logistics and basic information.
01:41Katunayan, may mga sumusulat pa nga umano na mga ahensya ng gobyerno
01:46na madagdagan ngayon ang kanilang pondo.
01:48Pero hindi nila mapapayagan.
01:50Dahil sa Bicam, wala ng insertions.
01:52May mga agencies talaga na nagre-request pa sila ng additional budget
01:58or in fact, iba, new item pa nga eh.
02:01So in the Bicam.
02:04But because lahat naman ng agencies,
02:07tingin nila sa salili nila priority.
02:09And rightfully so.
02:11Dahil ginagawa nila yung trabaho nila.
02:13So marami talaga pang nagre-request.
02:15Ako, I get a lot.
02:16In fact, yesterday, meron pa.
02:18So ba't hindi ko naman mapipigilan sila na magpadala ng letter?
02:22Iba, nagbabakasakali.
02:24Baka may chance.
02:26But ako personally, I tell them na wala ng chance.
02:30Kasi tapos na yung third reading version ng Senate.
02:36Kung meron man anyang mga mambabatas na gustong manghingi
02:39ng dagdag na pondo o realignment sa budget,
02:42ay ilatag na lang ito sa Bicam.
02:44Lahat na pag-usapan naman eh.
02:47Period of amendments.
02:49So ang daming opportunity para mapag-usapan yun.
02:52Admittedly, hindi lahat na-adapt pa.
02:55Hindi lahat.
02:55Kasi nga sobrang dami, hindi talaga kaya.
02:58May proposal sila, doon na lang i-propose.
03:01Dahil naman ang Christmas wish ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
03:05ay good budget,
03:06ang sagot dito ni Gatchalian,
03:08masisiguro nang walang bahid ng korupsyon sa pondo para sa 2026.
03:13Wala na rin blanco o anumang allocables.
03:16Yan naman ang magiging Christmas gift ko sa kanya.
03:19Magandang budget.
03:20Budget na hindi na magkakaroon ng ghost project.
03:24Budget na alam niya kung nasaan yung project
03:26at alam niya gano'ng kahaba yung infrastructure.
03:33Budget rin na ang mga kababayan natin
03:36pwede nang pumunta sa mga government hospital libre,
03:39wala nang babayaran.
03:40At more classrooms, of course,
03:42and more education support.
03:44So, para sa akin, this is my personal opinion,
03:47NIMFA, magandang budget to.
03:49I'm very happy, at least for now.
03:52Hopefully, wala naman major changes pagdating sa BICAM.
03:55At least for now, magandang budget.
03:57I can assure you that hindi tayo prepare mo ng blanco.
04:01Nakikita naman ang Senado,
04:03posibleng hindi na matapyasan ang budget ng edukasyon,
04:06kalusugan, at iba pang nakatuon para sa pangangailangan ng bansa.
04:10Para naman sa pondo ng Independent Commission for Infrastructure,
04:14o ICI,
04:15sa ngayon, wala pa itong pondo sa 2026 proposed budget.
04:20Pero maaaring naman raw itong manggaling sa pondo ng Office of the President.
04:24Samantala, kahit naman umabsent si Sen. Jingoy Estrada
04:28at Sen. Ronald Bato de la Rosa bukas,
04:31hindi na sila papalitan bilang miyembro ng komite.
04:33Hindi rin sila papayagang dumalo online
04:36dahil malinaw,
04:37wala ito sa rules,
04:38at hindi sila bibigyan ng anumang uri ng exception.
04:41Luisa Erispe para sa Pambansang TV sa Bagong Pilipinas.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended