00:00Iprinisinta na kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ng Department of Budget and Management
00:05ang National Expenditure Program para sa 2026 para makapaghatid ng legalidad na edukasyon,
00:12mapalakas pa ang healthcare system at makapagbigay ng mas maraming oportunidad at suporta sa bawat Pilipino.
00:19Yan ang ulat ni Clay Salpardilla.
00:21Mas matatag na bagong Pilipinas, nakasentro dyan ang mga programa at proyektong laman
00:29ng National Expenditure Program o NEP 2026 na nakatakdang i-turnover ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa Kongreso ngayong araw.
00:39Ang NEP ay panukalang budget ng pamahalaan para sa susunod na taon.
00:44Layo nitong tiyakin na may pagpapatuloy ang mga pangunahing programa at proyekto ng gobyerno
00:50sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Marcos.
00:53Nakaangkla ito sa Philippine Development Plan 2023 hanggang 2028.
00:59Prioridad na makapaghatid ng legalidad at accessible na edukasyon,
01:04palakasin ang healthcare system at servisyong tutugon sa kalusugan.
01:09Palawakin ang mga social protection program na magbibigay ng disenteng buhay sa pinakamahirap,
01:16gawing sapat, matatag at abot kayang presyo ng pagkain.
01:21Target ng administrasyon na mabigyan ang oportunidad at suporta ang bawat Pilipino
01:27na tutulong sa pagtulak na mapaunlad ang ekonomiya ng bansa.
01:32Ngayong araw din, sasaksihan ni Pangulong Marcos
01:35ang ceremonial presentation ng nilagdaan na Government Optimization Act.
01:40Layo nitong gawin na mas mabilis at efektibo ang paghahatid ng servisyo.
01:45Sa ilalim kasi ng batas, may kapangyarihan ng Presidente ng Pilipinas
01:50na magbuwag, pagsamahin, maglipat, magbawas o magtatag ng mga bagong tanggapan ng gobyerno.
01:57Target itong iwasan ang paulit-ulit na trabaho ng pamahalaan
02:01na nagdudulot ng kalituhan at pondong nasasayang.
02:05Sakot ng batas ang lahat ng ahensya ng gobyerno,
02:08pwera na lamang ang mga paaralan, sundan at pulis,
02:11at iba pang uniformadong kawarin ng gobyerno.
02:15Kelaizal Pardilia para sa Pambansang TV sa Bagong Pilipinas.