Skip to playerSkip to main content
  • 11 hours ago
PBBM, binisita at kinamusta ang Filipino community sa Japan; mga kabataan sa Japan, hinimok na sulitin ang mga oportunidad sa kanila ng Japan | ulat ni Kenneth Paciente

For more news, visit:
►https://www.ptvnews.ph/

Subscribe to our DailyMotion Channel:
►http://www.dailymotion.com/peoples-television-incorporated

Subscribe to our YouTube channel:
►http://www.youtube.com/ptvphilippines

Like our Facebook pages:
►PTV: http://facebook.com/PTVph
►Rise and Shine Pilipinas: https://www.facebook.com/riseandshinepilipinas

Follow us on Twitter:
►http://twitter.com/PTVph

Follow us on Instagram:
►https://www.instagram.com/ptvph

Watch our livestream on:
►http://ptvnews.ph/livestream/
►https://www.dailymotion.com/PTVPhilippines

Watch our News Programs, every Mondays to Fridays

Rise and Shine Pilipinas - 6:00 - 8:00 am
PTV Sports - 8:00 - 9:00 am
Bagong Pilipinas Ngayon - 12:00 - 1:00 pm
Sentro Balita - 1:00 pm - 2:00 pm
Ulat Bayan - 6:00 pm - 7:00 pm
PTV News Tonight - 9:00 pm - 10:00 pm

Saturday & Sunday:
Sentro Balita Weekend - 1:00 - 1:30 pm
Ulat Bayan Weekend - 6:00 pm - 7:00 pm

Category

🗞
News
Transcript
00:00Una po sa ating mga balita, umarangkada na ang apat na araw na state visit ni Pangulong Ferdinand R. Marcus
00:06Jr. sa Japan.
00:08At una sa kanyang agenda sa pagdating doon, ang pagbisita sa ating mga kababayan.
00:14Silipin natin yan sa sentro ng balita ni Kenneth Pasyente.
00:20Nakaagapay ang pamahalaan.
00:22Yan ang tiniyak ni Pangulong Ferdinand R. Marcus Jr. sa Filipino community sa Japan
00:26na una sa kanyang schedule sa apat na araw na state visit doon.
00:31Siniguro ng Pangulong na nananatili ang hangarin at mga hakbang ng kasalukuyang administrasyon
00:36sa pagprotekta sa kapakanan ng mga overseas Filipino workers sa Japan.
00:41Napakahalaga para sa amin na ipabatid sa inyo na ang inyong pamahalaan ay walang tigil at walang sawang nagsisikap
00:49upang mapangalagaan ang inyong mga karapatan, kapakanan at kaligtasan
00:54habang kayo ay naghahanap buhay sa iba yung dagat.
00:59Kasabay niyan, muling kinilala ng punong ehekutibo ang kanilang husay, galing at sipag
01:04at pinasalamatan sa kanilang ambag sa ekonomiya ng Pilipinas.
01:07Bago pa man kami makikipagpulong sa mga pinuno ng Japan,
01:12minarapat naming unahin ang pagkikipagkita sa inyo.
01:16Sabagkat kayo ang dahilan kung bakit mahalaga ang relasyon ng Pilipinas at Japan.
01:22Sabagkat kayo ang nagbibigay buhay sa ugnayang ito sa gitna nga ng Pilipinas at ng Japan.
01:32Hinimok din niya ang mga kabataang Pilipino sa Japan na samantalahin ang mga oportunidad
01:37habang ipinagmamalaki ang kanilang pagkapilipino.
01:40Kasabay ang pagkilala sa ambag ng mga nakatatandang Pilipino
01:43na nagbigay daan sa dagumpay ng mga susunod na henerasyon sa Japan.
01:47We are a community of 350,000 Pilipinos working and living in Japan,
01:53the fourth largest expatriate community in the country.
01:58Inaasahan ko na tulad ng mga panahong nagdaan,
02:02ang mga Pilipino sa Japan ay mananatiling matagumpay sa kanikanilang mga napiling larangan.
02:09Nagtitiwala ako sa kakayahan ng bawat isa na maging haligi ng inyong mga pamayanan.
02:18Inaasahan ko rin na patuloy na magbibigay ng karangalan sa bansa
02:23ang ating mga OFW dito sa Japan
02:26sa pamamagitan ng pagiging mabuting mamamayan
02:29at pagiging masunurin sa mga batas at alituntunin ng bansang ito
02:34na itinuturing na ninyong pangalawang tahanan.
02:38Ikinalugod naman ng ilang OFW doon ang pagbisita ng Pangulo.
02:42Patunayan nila ito na seryoso ang pamahalaan na alamin ang kanilang kalagayan.
02:47Thank you for loving the country.
02:50Thank you for loving the Filipino people.
02:53And thank you for loving the culture.
02:56And you know, you're doing a great job.
03:00Even I'm here in Japan, I saw all of your accomplishments.
03:04And even I will retire, I will be happy to come back to our Philippines.
03:10Nakakataba po ng puso na ang Pangulo ng Pilipinas ay dadalaw
03:15at magbibigay-pugay sa mga Pilipino dito sa Japan.
03:19Ayon sa Department of Migrant Workers,
03:21nananatiling mataas ang kumpiyansa ng Japan sa mga Pilipinong manggagawa.
03:26Katunayan, mas dumadami pa nga ang bilang ng mga Pilipino na nakakakuha ng trabaho doon
03:30dahil na rin sa magandang ugnayan ng dalawang bansa.
03:33Sa panahon ni Pangulo Marcos, napaigting yung standing or legal status,
03:40visa status, work status ng ating mga OFWs,
03:43nadagdagan pa nga, dumami pa nga sila dito.
03:46At a rate of around 27 to nearly 40,000 in a year
03:51ang nadagdag sa mga nadideploy dito.
03:55So napaka-taas ng kumpiyansa.
03:56Kenneth Pasyente.
03:58Para sa Pambansang TV, sa Bagong Pilipinas.
Comments

Recommended