00:00Marami sa atin ang hindi matitiis ang madalas na pagligo o pagtatampisaw sa malibig na tubig,
00:07lalo na ngayong painit ng painit ang panahon.
00:10Pero paano nga ba tayo makakatipid at magiging disiplinado sa paggamit ng tubig ngayong mainit ang panahon?
00:17Yan ang ulat ni Sheila Natividad.
00:21Babad na babad ka na ba? Hep, hep, hep!
00:24Teka lang muna, baka naman apaw na rin ang konsumo mo sa tubig ngayong tag-init.
00:28Si Inday, aminadong maalinsangan ang pakiramdam ngayong summer pero kahit gaano kainit.
00:33Once a day lang kami naliligo. Kung talagang init na init, talagang twice.
00:39Pagdating naman sa paglalaba, tipid pa rin siya sa pagkonsumo ng tubig.
00:43Every sa isang linggo, dalawang beses lang naglalaba para makatipid.
00:49Sa gitna ng matinding init, may palagi ang paalala ang Department of Trade and Industry
00:53sa mga consumer tungkol sa responsabling paggamit at pagtitipid ng tubig.
00:58Narito ang ilang consumer tips para makatipid sa konsumo ng tubig.
01:03Una, ayusin agad ang mga tumutulo o sirang gripo at tubo.
01:07Kahit kasi patak-patak lang yan, pwedeng umabot sa daan-daang litro ang nasasayang sa loob ng isang linggo.
01:13Pangalawa, i-reuse ang tubig sa bahay.
01:16Ang pinagbanlawan ng gulay o bigas ay maaari pang gamitin sa pagdidilig ng halaman o di naman kaya ay panlinis.
01:23Pangatlo, siguraduhin full load bago gamitin ang washing machine para mas efficient ang paggamit ng tubig.
01:30Pangapat, patayin ang gripo sa lababo kapag hindi ginagamit, lalo na habang nagsisipilyo o naghuhugas.
01:37At panghuli, iwasan ang tuloy-tuloy na agos ng tubig at sa halip ay gumamit ng timba o planggana kung
01:43maaari.
01:44Paalala ng DTI sa publiko, make every drop count.
01:48Kaya naman kahit babad na babad ka na, maging wais pa rin sa pagkonsumo ng tubig.
01:53Shilan Natividad para sa Pambansang TV sa Bagong Pilipinas.
Comments