Skip to playerSkip to main content
  • 17 minutes ago
PBBM, hinimok ang mga bagong halal na opisyal ng Vice Mayors’ League of the Philippines na ipalaganap ang diwa ng pagkakaisa | ulat ni Kenneth Paciente

For more news, visit:
►https://www.ptvnews.ph/

Subscribe to our DailyMotion Channel:
►http://www.dailymotion.com/peoples-television-incorporated

Subscribe to our YouTube channel:
►http://www.youtube.com/ptvphilippines

Like our Facebook pages:
►PTV: http://facebook.com/PTVph
►Rise and Shine Pilipinas: https://www.facebook.com/riseandshinepilipinas

Follow us on Twitter:
►http://twitter.com/PTVph

Follow us on Instagram:
►https://www.instagram.com/ptvph

Watch our livestream on:
►http://ptvnews.ph/livestream/
►https://www.dailymotion.com/PTVPhilippines

Watch our News Programs, every Mondays to Fridays

Rise and Shine Pilipinas - 6:00 - 8:00 am
PTV Sports - 8:00 - 9:00 am
Bagong Pilipinas Ngayon - 12:00 - 1:00 pm
Sentro Balita - 1:00 pm - 2:00 pm
Ulat Bayan - 6:00 pm - 7:00 pm
PTV News Tonight - 9:00 pm - 10:00 pm

Saturday & Sunday:
Sentro Balita Weekend - 1:00 - 1:30 pm
Ulat Bayan Weekend - 6:00 pm - 7:00 pm

Category

🗞
News
Transcript
00:00Una po sa ating mga balita, tiniyak ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na handa ang kanyang administrasyon para suportahan
00:08ang mga lokal na pamahalaan sa bansa.
00:11Itong iginiit ng Pangulo sa kanyang pangunguna sa panunumpahan ng mga bagong opisyal ng Vice Mayor's League of the Philippines.
00:19Si Kenneth Pacientes sa Sentro ng Balita.
00:23Sa kanyang pangunguna sa panunumpahan ng mga bagong halal na National Executive Officers ng Vice Mayor's League of the Philippines
00:30o VMLP,
00:32hinimok ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na ipagpatuloy ang pagpapalaganap ng diwan ng pagkakaisa, kooperasyon at dedikasyon sa bansa,
00:40lalo na sa gitna ng mga hamong kinaharap ng Pilipinas, bunsod ng krisis sa gitnang silangan.
00:46Sana manatili kayong matatag at porsigido sa pag-inyong paglilikod, lalo na ngayong maraming krisis na kinakaharap ng bansa dahil
00:55sa gitna sa tensyon na nangyayari sa gitnang silangan.
00:59Patuloy nating gabayan at suportahan ang ating mga mamamayan hanggang sa sama-sama natin malampasan ang mga pagsubok na ito.
01:08Kinilala rin ng Pangulo ang mahalagang papel ng VMLP sa pagsusulong ng efektibo at tumutugong lokal na lehislasyon sa pamamagitan
01:16ng pakikipagtulungan sa international stakeholders at national government.
01:21Kasabay niyan ang pagtiyak ng Pangulo na tutugunan ang mga hamong kinaharap ng LGUs kabilang ang administrative, financial at technical
01:28capacity na nakakaapekto sa kanilang serbisyo.
01:31Kaya pinapalakas ng administrasyon ang koordinasyon ng local at national government at itinutulak ang digitalisasyon ng serbisyo sa pamamagitan ng
01:40electronic LGU system o ELGU.
01:42Gayun din ang pagpapatupad ng Automatic Income Classification of LGUs Act at pagpapalawak ng local government support fund.
01:50This will equip LGUs with the tools, the resources and the clarity of mandate that they need to serve effectively.
01:58And more importantly, they are designed to unlock the full potential of LGUs, make you more self-reliant, make you
02:06more responsive and more competitive.
02:09Tiniyak pa niya na handa ang gobyerno na tumulong para umagapay sa mga lokal na pamahalaan para sa kanilang connectivity
02:15initiatives.
02:16Patuloy din anyang ginagawa ng pamahalaan ang mga hakbang para maipatupad ang Mandanas ruling na nagpapalaki sa bahagi ng kita
02:23ng mga local government units mula sa pambansang buwis.
02:27Nangako rin ang presidente ng mas mataas na pondo sa mga susunod na taon kasabay ng pagpapabuti ng koleksyon ng
02:33kita ng gobyerno.
02:34Right now, we are still having to modify, amend, go through the IRR of the way the ruling is going
02:53to be applied.
02:54And what we have done, we have come to the conclusion that the way to delineate functions between national and
03:01local is those that belong to a program that is national in nature will be attended to by national.
03:12Ang VLMP ay itinatag noong 1988.
03:15Sa kasalukuyan, binubuo ang organisasyon ng 1,634 na miyembro.
03:20Kenneth, pasyente para sa pambansang TV sa Bagong Pilipinas.
Comments

Recommended