00:00Tiniyak ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang pagpapatupad ng mga abot-kayang servisyo medikal na hatid ng mga programa
00:06ng PhilHealth.
00:07Kabilang dyan ang karagdagang libreng dialysis at cancer treatment benefits.
00:13May report si Kenneth Pasyente.
00:18Sa harap ng mga hamong kinaharap ng bansa, hindi kinakaligtaan ng pamahalaan ang usaping pangkalusugan ng mga Pilipino.
00:24Malinaw ang direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. tiyakin ng abot-kayang servisyo medikal para sa lahat ng mga
00:31nangangailangan.
00:32Katunayan, nito lamang lunes nang bumisita ang Pangulo sa Medical City para silipin ang pagpapatupad ng expanded benefits ng PhilHealth.
00:40Kabilang narito ang expanded maternity care packages.
00:43Sa ilalim nito, naitaas na sa dating P29,000 mula sa dating P9,750 ang makukuha ng isang normal delivery
00:52patient.
00:53Kung si Sarian naman, maaaring makakuha ng P58 hanggang P62,000 ang Pasyente.
00:58Kaya para kay Michael na kapapanganak lamang ang may bahay, malaking kabawasan ito sa kanilang gastusin.
01:04Malaking tulong siya in the sense na sa ngayon, yung anak po po, as in, yung baby, 7 months and
01:12a half weeks, nasa niko na po siya.
01:15So, medyo ilang o talaga ng malaking halaga.
01:22Pero sa tulong ng PhilHealth, na nakadiscount naman kami ng parang nabawas-bawasan po yung aking isipin.
01:32Kabilang din sa programa ang Outpatient Emergency Care Benefit na sumasaklaw sa mga minor condition.
01:38Dito nakatakdana ang halaga para sa ER fees, diagnostics at mga gamot sa mga accredited na level 1 hanggang level
01:443 na ospital.
01:45Kaya si Melinda na kailangan ng check-up para sa kanyang karamdaman sa puso, tila nabunutan ng tinig.
01:51Napakalaking tulong po kasi, hindi ko inaasahan na dito sa medical city ay ma-a-avail ko yung through sa
02:05PhilHealth po.
02:06Kasi kung sa akin lang, sa amin lang, wala po talaga kaming kakayahan.
02:12Pero pasalamat po talaga ako dahil sa PhilHealth po ay na-covered naman po pati yung sa ambulance po namin,
02:21sa procedure po ng angiogram, at sa iba pa pong kailangan po dito ay naano naman po ng PhilHealth.
02:30Wala rin patid ang pagpapatupad ng Yaman ng Kalusugan Program o Yakap sa pangunguna pa rin ng PhilHealth.
02:36Katunayan, mahigit 4,000 yakap clinics na ang bukas sa buong bansa,
02:40kung saan maaaring makakuha ng libreng 20,000 pisong halaga ng maintenance medicine kada taon.
02:46Ang yakap, by the mere word, yakapin para mailayo sa sakit.
02:50Kinabit na rin namin yung availability ng gamot at saka ng basic lab.
02:54We're hoping bumaba rin yung ating kailangan mga hospital.
02:58Pasok din sa yakap ang basic laboratory tests, pati na ang diagnostic para sa cancer.
03:03Ginagawa natin mga paraan, maagang nagpapatingin, para hindi na maabot sa malubhang sakit.
03:10Kabilang din sa programa ng PhilHealth ang karagdagang libreng dialysis,
03:13gayon din ang mas pinalakas na cancer treatment benefits para hindi matigil ang gamutan ng dahil lang sa gastusin.
03:20Ikalat natin yung balita para alam ng tao, kapag may karamdaman sila,
03:24meron silang gustong patignan, yung anak nila, whatever, meron silang pupuntahan.
03:29Kenneth Pasyente para sa Pambansang TV sa Bagong Pilipinas.
Comments