00:07.
00:30Sa pamamagitan ng mga biyahero, maaga namang pinaghandaan ng Philippine Ports Authority o PPA para sa posibleng pagdami ng mga
00:36pasahero sa mga susunod na araw.
00:38Kaya naman muling inilunsad ng PPA ang Online Reservation Assistance System o ORAS na nagbukas para sa mga reservasyon sa
00:46klaw nito ang mga biyaheng nakatakdang umalis mula October 28 hanggang November 3, 2026.
00:51Sa pamamagitan ng sistemang ito, maaaring makapagpareserba ng mas maaga ang mga pasahero bilang paghanda sa inaasahang pagdami ng mga
00:59babiyahe sa panahon ng undas.
01:02Ayon sa PPA, tinatayang aabot sa 1,934,604 ang bilang ng mga pasaherong daraan sa mga pantalan sa buong
01:09bansa mula October 27 hanggang November 5, 2026.
01:13Mas mataas ito ng humigit kumulang 1.55% kumpara sa 1,905,063 pasaherong naitala sa kaparehong panahon noong
01:23nakaraang taon.
01:24Kabilang sa mga pantalang inaasahang magtatala ng maraming pasahero ang Iloilo River Wharf, Babacport, Batangasport, Jordanport at Sasaport.
01:33Bukod sa pagpaplano ng biyahe, pinaaalala na din ang mga pasahero na sumunod sa panuntunan sa seguridad at kaligtasan sa
01:41loob ng pantalan upang matiyak ang mas maayos at ligtas na paglalakbay.
01:46Kabilang sa mga paalala ang pagdadala ng mga matutulis na bagay gaya ng kutsilyo at iba pang nakamamatay na gamit
01:52gaya ng baril, paninigarilyo at pagvivape at pagtatapon ng basura sa dagat o mga drain.
01:58Pinayuhan din ang mga biyahe na panatilihing na sa kanilang pangangalaga ang mga gamit, bantayan ang mga bata at sumunod
02:05sa mga tagubili ng mga tauhan sa pantalan.
02:09Angelica Abrogar para sa Bayan