• 2 days ago
PBBM, inaasahang makikipagpulong sa iba pang lider ng mga dialogue partner ng ASEAN | Ulat ni Kenneth Paciente

For more news, visit:
►https://www.ptvnews.ph/

Subscribe to our DailyMotion Channel:
►http://www.dailymotion.com/peoples-television-incorporated

Subscribe to our YouTube channel:
►http://www.youtube.com/ptvphilippines

Like our Facebook pages:
►PTV: http://facebook.com/PTVph
►Rise and Shine Pilipinas: https://www.facebook.com/riseandshinepilipinas

Follow us on Twitter:
►http://twitter.com/PTVph

Follow us on Instagram:
►https://www.instagram.com/ptvph

Watch our livestream on:
►http://ptvnews.ph/livestream/
►https://www.dailymotion.com/PTVPhilippines

Watch our News Programs, every Mondays to Fridays

Rise and Shine Pilipinas - 6:00 - 8:00 am
PTV Sports - 8:00 - 9:00 am
Bagong Pilipinas Ngayon - 12:00 - 1:00 pm
Sentro Balita - 1:00 pm - 2:00 pm
Ulat Bayan - 6:00 pm - 7:00 pm
PTV News Tonight - 9:00 pm - 10:00 pm

Saturday & Sunday:
Sentro Balita Weekend - 1:00 - 1:30 pm
Ulat Bayan Weekend - 6:00 pm - 7:00 pm

Category

🗞
News
Transcript
00:00Kabi-kabila ang bilateral meetings ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa sidelines ng ASEAN Summit.
00:06Kabilang ang pagpupulong sa mga leader ng LAO, LAO PDR ng Thailand at International Monetary Fund.
00:12Ang iba pang mga nakatakdang pagpupulong ng Pangulo.
00:15Alamin sa live report ni Kenneth Pashente. Kenneth?
00:22Yes, Diane, bukod nga sa mga serye o serye ng pagpupulong sa pag-arangkada ng 49th ASEAN Summit dito sa
00:29Pilipinas,
00:30nagkaroon din ang bilateral meetings si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa sideline ng summit.
00:38Mas pinaigting na ugnayan sa kalakalan, paggawa at edukasyon ang tinukoy na layunin ng Pilipinas at LAO
00:44matapos ang pagpupulong ni na Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. at Prime Minister Salom Seikumasith
00:50sa sidelines ng nagpapatuloy na 49th ASEAN Summit sa bansa.
00:54Kabilang sa mga tinalakay ang pagpapalawak ng trade relations, kooperasyon sa paggawa,
01:00edukasyon at vocational training na inaasahang magbubukas ng mas maraming oportunidad
01:04para sa mga negosyante at manggagawang Pilipino.
01:08Napag-usapan din ang pagpapalakas ng magkasamang hakbang laban sa transnational crimes
01:12bilang bahagi ng pagsisiguro sa siguridad ng dalawang bansa.
01:16Target ng Pilipinas at Laos na palalimin ang kooperasyon sa mga larangang ito
01:20at isulong ang mas matibay na Philippine-Lao PDR partnership.
01:25Mas malawak na kalakalan at mas matibay na kooperasyon naman sa agrikultura
01:29ang isinulong ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa pakikipagpulong kay Thai Prime Minister Anutin Charne Viracul.
01:36Tinalakay din ang dalawang lider ang pagpapalakas ng bilateral trade
01:40at pagpapatibay ng agricultural ties
01:43na mahalaga sa pagpapalakas ng food security ng dalawang bansa.
01:47Nagpalitan din ang dalawang lider ng pananaw sa mga usaping panrehyon
01:50at muling pinagtibay ang kanilang pangako sa pagpapanatili ng kapayapaan at katatagan sa ASEAN.
01:57Mas matatag na ekonomiya at mas handa sa mga hamon ng pandaigdigang pamilihan.
02:02Iyan ang layunin ng mas pinatatag na kooperasyon ng Pilipinas at International Monetary Fund o IMF.
02:08Sa pakikipagpulong kay IMF Managing Director Kristalina Georgiva,
02:12pinasalamatan ni Pangulong Marcos Jr. ang patuloy na suporta ng IMF
02:16sa pagpapalakas ng regional financial cooperation, policy dialogue,
02:21at pagbabahagi ng expertise sa mga bansa sa ASEAN.
02:24Mahalaga ito dahil ang mas matibay na ugnayan sa pananalapi
02:27ay inaasahang makatutulong sa pagpapatatag ng ekonomiya,
02:31pagpapalakas ng regional financial system,
02:34at paghahanda sa mga posibleng global economic shocks.
02:38Ngayong araw, inaasahan ding magkakaroon ng bilateral meeting ang Pangulo
02:42sa mga dialogue partners ng ASEAN,
02:44kabilang na kay United Nations Secretary General Antonio Guterres.
02:50Makikipagpulong din ang Pangulo kay Australian Prime Minister Anthony Albanese.
02:54Nakatakdang talakay ng dalawang leader ang pagpapalalim ng ugnayang pangdipensa,
02:58maritime cooperation at kalakalan ng dalawang bansa.
03:01Mahalaga ito sa pagpapatibay ng kooperasyon ng Pilipinas at Australia
03:05sa pagprotekta sa kragatan, lalo na sa West Philippine Sea,
03:09na may direktang epekto sa kabuhayan at kaligtasan ng mga manging isda.
03:14Sa nakatakda namang bilateral meeting ng punong ehekutibo
03:18kay South Korean President Lee Jae-myung,
03:20inaasahang mapag-uusapan ang pagpapalawak ng kooperasyon sa depensa,
03:25kalakalan, pamumuhunan at development assistance.
03:27Kabilang sa mga kongretong proyektong sinusuportahan ng South Korea
03:31ang pagtatayo ng National Cybersecurity Center sa Valenzuela City
03:35at ang Agricultural Genomics Research Center sa UP Los Banyos
03:39na pinunduhan sa pamamagitan ng halos 15 milyong pisong dolyar
03:43na pinunduhan sa pamamagitan ng halos 15 milyon US dollar na grant.
03:47Magkakaroon din ang Pangulo ng bilateral meeting
03:50kay Japanese Prime Minister Sanayi Takeuchi.
03:56Yes, Diane, kabilang din sa magiging aktibidad ni Pangulong Marcos Jr. ngayong araw
04:00ay yung kanyang pangunguna dito sa 29th ASEAN China Summit
04:04kung saan inaasahang matatalakay yung maayos na pakikipag-ugnayan ng Pilipinas
04:09at ng mga ASEAN member states sa China
04:11pagdating sa kalakalan, supply ng enerhiya at pagtugon
04:15sa mga online scams at iba pang krimen sa rehyon.
04:19At yan na muna ang latest para sa ASEAN Summit 2026
04:22Kenneth Paciente ng Integrated News Media.
04:27Maraming salamat Kenneth Paciente.

Recommended