00:00Una po sa ating mga balita, unahin ang bayan at hindi ang pansariling interes.
00:07Ito ang isa sa mga iginiit ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa mga Pilipino sa pagdiriwang ng Araw ng
00:13Kalayaan.
00:15Dagdag pa ng Pangulo naway maging mapanuri rin ang bawat isa sa katotohanan.
00:20Ang mga yan sa sentro ng balita ni Kenneth Pasyente.
00:26Patuloy na mahalin, piliin at ipaglaban ng bansa sa gitna ng mga hamon sa kasalukuyan.
00:32Iyan ang naging paghimok ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa sambayan ng Pilipino sa paggunita ng ika-isandaan na
00:3828 taong anibersaryo ng proklamasyon ng Kalayaan ng Pilipinas.
00:42Sa kanyang talumpati, binigyang diin niya na ang Kalayaan ng Bansa ay bunga ng sakripisyo at pakikibakan ng mga bayani
00:50laban sa mahigit tatlong siglong pananakop ng mga dayuhan.
00:54Kaya hindi anya sapat na alalahanin lamang ang kasaysayan.
00:57Ano na ang nagawa natin sa Kalayaan kanilang ipinaglaban?
01:03Sapagkat hindi sapat na lingunin lamang natin ang nakaraan,
01:07kailangan magsilbing kundasyon ang mga aral nito sa ating kasalukuyan at sa ating kinabukasa.
01:16Ang ating kasaysayan ay nagturo sa atin na sa pagkakaisa lamang makakamit ang kasarinlan.
01:24Na ang tunay ng mga pinuno ay iyong nagsisasakripisyo ng sariling interes para sa ikabubuti ng bayan.
01:33Na ang Kalayaan ay dapat na inaalagaan.
01:37Hinimok din niya ang mga Pilipino na maging mapanuri sa katotohanan,
01:42gamitin sa tama ang kanilang kakayahan, lumaban ng patas sa araw-araw at unahin ang kapakanan ng bayan.
01:49Huwag pagsamantalahan ang pinagpaguran ng iba.
01:54At pilihin natin ang ikabubuti ng bayan laban sa interes ng iilan.
01:59Kung mananatili tayong tapat sa mga adhikayang ito,
02:05matitiyak tayong magmamana ang mga susunod ng henerasyon ng isang bansa na mas matatad,
02:13mas makatarungan at mas maunlad.
02:16Kinilala naman niya ang mga hamon sa kalayaan at kaunlaran ng bansa,
02:19pero nagpahayag ng tiwala sa kakayahan, sipag at pagkakaisa ng mga Pilipino sa pagharap sa anumang pagsubok.
02:26Nandyan ang mga katiwalian, pagkakakanya-kanya at kahirapan.
02:32Nandyan din ang mga pandayding nakaganapan at banta ng tinatawag na climate change at kalikasa.
02:41Ngunit sa kabila ng mga ito,
02:44nananatili ang aking paniniwala at pag-asa sa galing, sipag at kabutihan ng ating lahi ng lahing Pilipino.
02:55Sa maraming pagkakataon na ipakita natin ang ating kakayahan na manindigan para sa tama,
03:03na magmalasakit sa kapwa, na bumangon sa harap ng pagsubok.
03:09Kinilala rin ang punong ehekutibo ang tapang ng mga bayaning Pilipino
03:12na siya anyang dahilan ng tinatamasang kapayapaan, kasarinlan at kalayaan ng mga Pilipino.
03:18Pasado alas 7 ng umaga nang dumating ang Pangulo sa Rizal Park,
03:21kasama si First Lady Lisa Araneta Marcos,
03:24Ilocos Norte First District Representative Sandro Marcos,
03:27Simon at Vinnie Marcos.
03:29Ang first family ang nanguna sa pagtataas ng watawat ng Pilipinas,
03:32kasabay ang pag-awit ng lupang hinirang.
03:35Nag-alay din ng bulaklak ang presidente sa bantayog ni Gat Jose Rizal.
03:39Inalala naman ang mga revolusyonaryong Pilipino na nakahimlay sa Musoleo de los Veteranos de la Revolución
03:45sa loob ng Manila North Cemetery.
03:48Pinangunahan ni Defense Undersecretary Ireneo Espino
03:51at Manila Vice Mayor Chee Atienza ang pag-aalay ng bulaklak.
03:54Nagkaroon ng 21-gun salute at ilang minutong katahimikan bilang pagbibigay-pugay sa mga revolusyonaryo.
04:01Sina DSWD Secretary Rex Gatchalian at Caloocan City Mayor Along Malapitan naman
04:06ang nanguna sa araw ng kalayaan sa Monumento Circle.
04:09Sabi ni Gatchalian, ang kasaysayan ay buhay na kwento ng sambayan ng Pilipino
04:13kabila ang bawang sakripisyo, pagtutulungan at tagumpay sa pagtungo sa isang mas maunlad na kinabukasan.
04:19Ang kalayaan-anya ay hindi natatapos sa pagwawakas ng kolonyalismo,
04:24kundi patuloy na pakikibaka laban sa kahirapan,
04:27kawalan ng oportunidad at hindi pagkakapantay-pantay.
04:31Sa pinaglabanan shrine naman sa San Juan City,
04:34binigyang diin ni Foreign Secretary Maria Teresa Lazaro
04:37ang koneksyon ng makabagong diplomasya sa ipinaglaban ng mga bayani,
04:41particular na sa usapin ng West Philippine Sea.
04:44Ayon kay Lazaro, hindi naging madali ang pinagdaanan ng mga katipunero
04:48kung saan napatunayan na hindi sila nag-alinlangan manindigan
04:51kapag nakataya ang dignidad at kalayaan ng bawat Pilipino.
04:56Kenneth, pasyente, para sa bayan.
Comments